MTC-Chapter 3 (Thank you)

4 1 0
                                    

~There's so many things that I could say

But I'm sure it would come out all wrong

You got something that I can't explain,

Still try and try and let you know

That first summer we spent's one we'll never forget,

Looking for any kind of reason to es~

Habang naglalaro narinig kong may parang tumutunog napatingin ako kay Alex hawak nya ang cellphone nya parang may kausap. Kunot na kunot ang noo nya. Sa kanya siguro yung ringging tone na tumutunog kanina. All my heart by sleeping with sirens. Nice song. Naagawan tuloy ako ni Drew ng bola kakatingin kay Alex. Ano ba yan! Pero hindi ako makatiis kaya tinignan ko uli sya.



"No! You can't do that!" Kaaway nya ata ang kausap nya sumisigaw na sya eh. "Stop! Just stop! I don't want to hear your reasons anymore. Do what you want. Besides I'm just nothing to you."

*pruuuuuuuuuuuuuuuut!*



Napahinto kaming lahat ng marinig namin ang pito ni Alex at sabay sabay kaming napatingin sa kanya. Well kanina pa pala ako nakatingin sa kanya.



"20 minutes break." walang emosyon na sabi nya at tumalikod na at naglakad palayo.





"Aleeeeeeeeex! My loves! Hintayin mo akoooo!" Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo papalapit sa direksyong tinatahak nya. Pero parang hindi nya ako naririnig hindi man lang ako nilingon at patuloy lang sya sa paglalakad kaya lalo kong binilisan hanggang maabutan ko na sya. Inakbayan ko sya at halos mapayuko sya siguro dahil sa bigat ng braso ko.



"Ano ba?! alisin mo nga yang pawisan mong braso sa balikat ko at lumayo layo ka nga sa akin hindi tayo close. " Imbis na mainis ako sa panlalait nya sa akin nangiti ako. Ang ganda nya kasi pag naiinis sya. Kaya naman gustong gusto ko syang iniinis lalao akong naiinlove sa kanya.





"Asus! If I know gustong gusto mo din nadidikit ka sa akin pakipot ka lang." natatawa na ako sa itsura nya sibangot na sibangot na yung mukha nya. "Tara sabay na tayong kumain libre kita." Pag aya ko sa kanya. "Huwag mo akong inisin wala ako sa mood." Hiwakan ko sya sa kamay kahit reklamo sya ng reklamo at tumungo na sa karinderya ni Nanay Jane. Mukhang Badtrip nga si loves. "Shhhh. Shut up na gutom lang yan" Sabi ko noong malapit na kami. Malapit lang ang bahay namin sa court pero mas gusto kong kumain sa labas. Isa pa namimiss ko na si Nanay.





Nang makarating na kami doon ay hindi sya nagsasalita kaya tinanong ko sa kanya kung anung problema. "Tinatanong mo kung anong problema ko? Ikaw! Hindi ba at sinabi ko na sayong wag na wag mo akong hahawakan. Baka mahawa mo pa ako ng virus mo kadiri ka!" Nag iwas sya ng tingin at nauna ng umupo sa akin sa bakanteng upuan. Natatawa na lang talaga ako sa kanya. Ako na ang umorder ng kakainin namin.



"Nanay! 2 order nga po ng chicken ala king student meal po ah tsaka 2 extra rice padagdag ng sabaw ha. Thank you po!" Ngiting ngiti kong sabi kay Nanay Jane. Kilalang kilala nya na ako mula highschool sa kanya na ako lagi namimili ng ulam tambayan din namin ang karinderya nya pag vacant kami. Nanay nanayan namin sya ng mga tropa ko. Taga payo namin sya kapag may problema kami lalo ako na laging naghahanap ng pagmamahal sa magulang.





"Oo sige umupo ka na doon ihahatid ko na lang ang order nyo baka naiinip na sa paghihintay si Alex." Oo kilala nya na si Alex lagi ko na kasi syang kinukwento rito simula nung una palang kaming magkakilala. Halos bawat detalye ng pag uusap at pagsasama namin ni Alex kinukwento ko sa kanya.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Meet The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon