MTC-Chapter 2(The Alarm Clock)

8 1 0
                                    

kringkring... kringkring... kringkring...

Takte naman oh! Ano ba yung tumutunog? Alarm clock? Wala namang pasok ngayon ah.

Teka alarm clock? Wala naman akong alarm clock ah? Sino naman kayaang nag lagay ng alarm clock dito sa kwarto ko ?

Pero inaantok pako kaya hindi ko muna inisip kung sinong sira ulo yun, nagtalakbong ako ng kumot at nag takip ng unan sa tenga. Baka sakaling di ko na marinig.

kringkring.. kringkring... kringkring...

Peste! Wala rin. Naririnig ko pa rin. Haaaay. Napakamot ako sa ulo ko at kinapa kapa ko yung alarm clock sa side table habang nakapikit pa rin. gotcha! nasabe ko sa sarili ko nung nakapa ko na, pero hindi ko mapindot yung off button. Asan na ba yun? Aisht ! Pambihirang buhay nga naman oo! Napilitan akong tumayo para buksan ang ilaw ng kwarto ko para patayin na yung bwiset na alarm clock nato dahil naririndi nako sa ingay. Oo, yung ilaw ng kwarto wala kasi akong lampshade. Eh bakit ba pang maarte lang yun. Tsss.

Pinatay ko na yung alarm clock. Pssh. Sino kayang naglagay ng alarm clock nato dito bwiset. Kabadtrip ! Aga aga sinira araw ko.

Tinignan ko kung anong oras na. 5:38 am! Ang aga aga pa pala. Makapagset ng oras ng pag gising WAGAS. Baka isa sa mga katulong namin yun ah. Initusan siguro ni mommy. Nabalitaan nya kayang lagi akong late gumising? Nagsumbong kaya si Nanay Doray? Hayst talaga naman! Errrrrrrrr !

Si Nanay Doray nga pala yung yaya ko mula pagkabata. Mas madalas ko pa nga syang kasama kesa kay mommy na laging busy. Pero naiintindihan ko naman sya at mahal na mahal ko pa rin si mommy. Sya na lang kasi ang mag isang nagpapalaki sakin dahil patay na si daddy grade 3 pa lang ako dahil sa lung cancer. Chain smoker kasi sya. Kaya nga ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako magtatry na manigarilyo. When he died, that was the most tragic experience I ever had. Feeling ko nun nawala yung kalahati ng pagkatao ko. But that's way way back then. Masaya nako kasi narealize ko na mas mabuti na yun kesa maghirap pa sya ng matagal.

Binato ko na lang basta yung alarm clock pagkapatay ko. Nagderetso nako sa banyo kasi alam kong di nako makakatulog. Ganun kase ako, once na magising nako sa pagkakatulog nahihirapan nakong gumawa ng antok.

After almost 30 minutes ng paliligo nagbihis nako ng simple grey na sando at kahaki shorts. Tumingin ako sa salamin at nag pogi sign. Hindi nako nagpagwapo kase inborn na talaga sakin yun. Hahaha. Gwapo talaga ako.

Sige kumontra kayo pagpapalitin ko yung mukha nyo at yung talampakan nyo. JOKE ! Pero totoong GWAPO talaga ako. Madami ring nagsasabe sa akin na ang GWAPO GWAPO ko. Sabe ko nga sa kanila 'don't state the obvious' eh. Hindi ako mayabang ah. Totoo lang kase na Gwapo ako.. Kahit anong gawin nyo GWAPO talaga ako. Kahit pag bali baliktarin nyo pa ang mundo GWAPO pa rin ako. Teka nasabe ko na ba na GWAPO ako ? Anyway makababa na nga.

--Pagkababa ko--

"Good morning sir! Ang aga nyo ata ngayon ah! May lakad po ba kayo? Gusto nyo po ng masahe? Ano po? Ano pong gusto nyo?" bungad sakin ni Maria. Ang pacute naming chimay.

Hindi ko na lang pinansin derederetcho lang ako sa kusina.

Mga babae talaga. Tsk pare pareho. Ay mali, iba pala si Alex sa kanila. Haaay.. si Alex.. Hep hep hep tama na kagigising ko lang nananaginip nanaman ako.

"Sir sabihin nyo lang ha kung may kailangan kayo" Nakasunod pa rin pala sya. Ang pacute nya mukha namang chiwawa. Kung ngumiti pa wagas.

"Ang kailangan ko ngayon ay umalis ka sa harapan ko. Kaaga aga naaalibadbaran ako." Sabe ko sa kanya. Parang nalungkot naman at umalis na rin. Halatang halatang me crush sakin e kulang na lang maglupasay sa sahig pag nakikita ako. Pero sanay nanaman ako e. Kahit saan ako pumunta lagi na namang may nagpapacute saking nga babae. Si Alex nga lang ang hindi pumapansin ng kagwapuhan ko eh.

Meet The CoachTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon