Chapter 32
KidnapAUTHOR'S POV
Hindi alam ni Aiden ang gagawin nya ng may biglang dumukot kay Bella. Nakipag-laban sya sa mga kalalakihang pumipigil sakanya habang nagbabakasakaling may biglang maparito sa kinaroroonan nila.
Tila tumigil ang mundo nya ng makita nyang mawalan ng malay si Bella. Gusto man nyang pigilan ang lalaking may hawak dito pero di nya kaya.
'I sorry Bella'
*
Sa kabilang banda naman ay kanina pa hinahanap nina Carmel pati narin ng iba pang mga estudyante at guro sina Aiden at Bella. Kanina pa sila nawawala at sobrang nag-aalala na sila ngayon lalo na at gumagabi na.
"Nasan na ba sila?"nag-aalalang tanong ni Rihanna, kasama nya ngayon sina Carmel at Christopher at hinahanap nila sina Aiden at Bella.
"Dapat pala di nalang tayo naghiwa-hiwalay sana di na mangyayari toh"sabi naman ni Christopher
"Wag ng salita ng salita, hanapin nalang natin sila baka nandito lang yung mga yun"Carmel
Kalahating oras ang nakalipas ng biglang mahulog si Carmel sa isang trap kung saan nahulog rin sina Bella at Aiden.
"Carmel!!"sigaw nina Christopher at Rihanna
"O-okay l-lang ako ouch!"daing ni Carmel, nagulat sya ng biglang may humawak sa balikat nya at tinulungan syang tumayo, pagtingin nya dito ay nagulat sya ng makita nyang si Aiden yun.
"Aiden?anong ginagawa mo dito?wait, nasan si Bella?diba magkasama kayo?"sunod-sunod na tanong ni Carmel at nilibot ang tingin sa paligid upang hanapin si Bella
"Wahh!"napasigaw sya ng may makita syang apat na lalaking nakahandusay sa sahig.
"Shh... ang ingay mo"suway sakanya ni Aiden.
"A-Aiden a-anong nangyari sakanila?"utal na tanong ni Carmel
"Rihanna, Christopher!"tawag ni Aiden kina Rihanna at Christopher
Ng marinig nilang dalawa ang tawag ni Aiden ay agad silang nagulat
"Aiden?anong ginagawa mo dyan?nasan si Bella?"sigaw na tanong ni Rihanna
"Rihanna!Christopher!humingi kayo ng tulong, ipapaliwanag ko mamaya, bilisan nyo!"dahil sa sinabi ni Aiden ay agad humingi ng tulong sina Rihanna at Christopher.
Pagkatapos mailigtas sina Aiden at Carmel ay agad silang binigyan ng tubig at tinanong.
"Anong nangyari?nasan si Bella?'tanong ni Proff Ruiz
"Rihanna pwedeng pahiram ng phone mo?"tanong ni Aiden kaya agad namang binigay ni Rihanna ang cellphone nya.
"Hello Raider?"napakunot-noo sina Christopher dahil sa sinabi ni Aiden dahil wala pa silang naririnig na may ibang kaibigan o kakilala itong may pangalan na Raider.
"Yes prince?how may I help you?"saad sa kabilang linya
"Prepare the gang, I'll just send the location, I will be needing you to save the next queen"
'Gang?Save?Queen?'tanong ng mga estudyante na nakakarinig, pare-pareho silang naguguluhan sa nangyayari lalo na si Proff Ruiz at sina Carmel.
"Next Queen?... you mean prince you have finally found your princess?"gulat na tanong ng nasa kabilang linya
BINABASA MO ANG
Stalking Mr.Nerd[Complete]
Teen FictionHighschool Love-On #1 "No matter your handsome or not, I will always love you by my heart" *** Bella Adair is a very beautiful girl with many talents and from an elite family, being the only daughter she needs to be perfect.She doesn't believe in th...