Chapter 2
Throwback...
Tumatakbo ako. Pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta alam ko lang, gusto ko matanggal yung sakit sa puso ko.
Nang biglang-
"Aray!" nabunggo ako ng isang lalake. Ang sakit ng tuhod ko sa pagkadapa.
"Oh shit. Sorry miss. May sugat ka pa. Punta tayo sa malapit na clinic. Pumasan ka."
At dahil hindi ko alam ang gagawin ko sumunod nalang ako. Tutal hindi naman ako makalakad.
"Ano pala pangalan mo? Pasensya ka na ha. Hindi ako nag-iingat. Eto oh." inabot niya sakin yung panyo. Alam kong totoo siya, sa mata niya palang makikita mo.
Tumango ako. "Salamat, I'm haley. Ikaw?"
"Kellin. Kellin Quinn." inilahad niya ang kamay niya at nung kinuha ko ito ay may naramdaman akong kilig.
Kriiiiiiiiiiing! Kriiiiiiiiiiiing!
Oh shit. Araw-araw nalang ba ay siya nalang ang nasa panaginip ko? "Haley, alisin mo na siya sa utak mo, walang magandang maidudulot sayo yung rakistang 'yon"
Sumangayon naman ako sa konsensya ko. Dali-dali akong tumayo, 6 am na. May isang oras pa ako para magprepare.
"Goodmorning haley. Kumain ka na, niluto ko yung paborito mong almusal. Pancakes baby" masiglang bati ni mama.
Hindi ko siya pinansin, noon pa simula nung pangyayaring 'yon.
"Haley, ayan ka na naman sa pagiging bastos mo. At hindi purket tayo ang may ari ng school eh hindi ka na mag-uuniform!" sigaw ni kuya hunk.
Hunk williams. Bagay sa kanya pangalan niya. Madalas ko siyang asarin, pero tumigil lang dahil sa pangyayaring 'yon.
"Ganyan naman kayo eh! Umaarte pa kayong may pakie- A-aray!" napahawak ako sa dibdib ko. Shit! Sumasakit na naman.
Agad-agad nagsilapitan si mama at kuya sakin. Pag masyado akong nagagalit o sumasaya ganito ang nangyayari.
May sakit ako sa puso. Kung hindi lang dahil sa sakit na 'to sana masaya pa ako ngayon. Sana bumalik na ang dating haley.
Pumalag ako sa ginawa nila. "Kaya ko na 'to, papasok na ako." sabi ko.
"Uminom ka muna ng gamot, please anak." umiiyak na si mama. Yung pag-iyak niya ang kahinaan ko. Dali-dali kong kinuha yung gamot sa lamesa at ininom, pagkainom ko ng tubig dali-dali akong sumakay sa kotse ko.
Kung sana nandito ka lang. Dapat hindi na ako naiyak. Dapat masaya pa ako. Kung hindi ko lang mahal si mama dapat nagpakamatay na ako.
Biglang namuo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko mapigilan. Nang biglang- piiiiiiiiit!
May nabangga ba ako?! Shit, ako na mamatau wag lang sila. Oo, nangbubugbog ako. Pero patay? Wala sa vocabulary ng gang namin yun.
"Miss! Gusto mo na bang mamatay?" sigaw niya sa labas ng kotse.
Nakita ko siya. Siya yung nabunggo ko dati.
Then it hits me. After a long time, he's back.
"Tch." I reply then pinaandar ko na kotse ko at umuwi na.
~~~~~
Hi! Sorry matagal ako mag UD! Enjooooooooy! <3
BINABASA MO ANG
Rakista ang boyfriend ko ♥
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa mga naloko at maloloko na. Sa mga TANGA sa pag-ibig , ayy hindi lang pala tanga, BOBO pa. This story will help you to move on to the past. At yung mga makakarelate sa author na Rakista, Bagay sa inyo 'to. ~ANG KWENTON...