Chapter 55

0 0 0
                                    

Chapter 55 Family reunited

[THIRD PERSON'S POINT OF VEIW]


“Team Delta, go to the south” Tahimik na sinabi ni Inspector Velasquez ang mga dapat gagawin at tatahaking lugar nang kanyang mga kasamahang pulis.

Patungo sila sa hideout ng mga Dela Torre. Kahit wala ang mga Dela Torre at ibang mga tauhan nito ay makikita pa rin ang ilang mga tauhang nagbabantay sa loob at sa labas.

“E check niyo lahat ng mga kwarto at iligtas niyo ang mag-asawa, make sure that they're safe” Bulalas ni Inspector Velasquez habang hawak ang earpiece sa kabila niton tenga.

Lumingon siya sa likod niya at naghihintay lang ng signal ang ibang kasamahan niya na naka sunod lang sa kanya.

Tumango ito bilang senyas na papasukin na nila ang lugar. Isa isang pumasok ang mga pulus habang may bitbit na mga baril.

Agad naalarma ang mga kalaban at nakagawa ito ng ingay upang malaman rin ng iba.

Inilibot ni Velasquez ang kanyang tingin sa paligid. Nasa isip nito na hindi talaga nila mahahanao ang luar kung hindi dahil sa binatang si Kyle, dahil ang lugar ay nasa ilalim at napaka liblib.

“Kayo nang bahala dito” Bulalas ni Inspector Velasquez at mabilis na tinahak ang ibang deriksyon. Walang kalaban ang nakakita sa kanya.

Nagtataka niyang inilibot ang paningin niya.

Napaka laki ng lugar at maraming mga pintuan siyang nakikita. Ngunit ang nakakuha ng atensyon niya ay ang isang pintuang kinakalawang na sa pinaka dulo ng pasilyo.

Napalingon siya sa kanyang likod upang tignan kung may nakasunod ba at ng masigurong wala ay tumakbo na siya patungo sa pintuang yaon.

Napa atras siya at napayuko ng makarinig siya ng putok ng baril. Agad siyang naalarma at binaril din ang isang kalaban na nakabantay.

Napahawak siya sa kanyang balikat at pansin niya ang dugong namantsa sa kanyang damit. Nadaplisan siya ng bala.

Hindi niya ito pinansin ay dumeretso nalang siya papasok sa kinakalawang na pintuan. Bumuntong hininga siya at pumasok na.

Inilibot niya ang kanyang paningin at mula sa kalayuan may nakita siyang isang lalake na nakahiga sa isang maliit na kama.

Pansin niya rin ang pagiging madungis ng lalake at ang marami nitong pasa sa mukha at sugat sa mga kamay at paa.

“Sir Grayson?!” Gulat na tanong nito. Agad siyang tumakbo dito ngunit bigla siyang natigilan ng makarinig siya ng pagkasa ng baril.

Itinaas niya ang kanyang kamay at inilapag ang dala nitong armas.

“Ang lakas ng loob niyong lusubin kami rito!” Agad kilos si Velasquez at mabilis siya humarap sa kalaban upang labanan ito at kunin ang baril.

Nag agawan silang dalawa ng baril ng bigla itong pumutok.

Agad nanlaki ang mata nila at natahimik. Pinagmamasdan kung sino ang natamaan.

Napabulwak ng dugo si Velasquez at napadaing ito sa sakin.

Akmang tutuluyan na siya ng kalaban ng makarinig muli sila ng sunod sunod na pagputok ng baril at kasabay nito ang pagkapatay ng kalaban.

Mary Madison (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now