Chapter 39: Her Parents
[KYLE POINT OF VEIW]
“Anong ginagawa natin dito Tito?” Tanong ko kay Tito. Dinala niya ako dito sa isang underground. Wala masyadong tao pero may nakikita akong iilan na nakatayo lang at nakatingin sa amin.
“May ipapakita ako sayo” Sabi niya. Hindi nalang ako umimik at sumunod nalang sa kanya.
Matapos kong sabihin sa Pulis kung nasaan si Aleng Madelaine ay kinuha nila agad yun but of course most of them are not really police. Nag disguise lang sila para di pinaghinalaan.
Pagkatapos ay nilagay nila si Aleng Madelaine sa Mental Institute and there the Dela Torre group took her.
Simula palang alam ko na ang plano nila. Sinabi ni Tito sa akin kaibiganin ko si Mary para sa misyon niya. Nung una ayoko sana pero nung Lumapit siya sa akin doon ko na narealize na kailangan kong gawin. That must be the sign.
Dahil maraming issue si Mary na kasabwat ni Aleng Madelaine ay inutusan nga ako ni Tito. Baka raw may importanteng sabihin si Aleng Madelaine kay Mary. Hindi ko alam kung ano yun but eventually sinabi rin ni Tito ang totoong dahilan.
So ginawa ko. Pumayag ako sa alok niya.
“Nandito na tayo” Sambit niya. Kumunot ang noo ko ng huminto kami sa isang kinakalawang na pintuan.
“Ano ba tong lugar na 'to Tito?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. Tinignan niya lang ako at hindi sinagot.
“Pumasok ka dyan at ibigay mo to” Kumunot ang noo ko ng ibigay niya sa akin ang isang Kwentas. May M na pendant. Parang pamilyar nga sakin pero hindi ko ma alala.
Nag hesitate pa akong pumasok pero wala akong nagawa ng buksan niya na ang pintuan at itinulak ako ng mahina.
“Nandito lang ako sa labas, wag kang matakot” Sambit niya. Dahil may tiwala naman ako sa kanya ay pumasok ako.
Si Tito nalang ang tanging pamilya ko rito. Matagal nang patay ang magulang ko at ang sabi ni Tito dahil yun sa mga Vescinzo.
Yung bahay rin na tinitirahan ni Mary at Aleng Madelaine ay hindi talaga samin. Pag-aari yun ng Dela Torre.
At yung condo, ang Dela Torre rin ang nagbayad nun sabi ni Tito.
Hindi talaga kami mayaman. Lahat inaasa namin sa mga Dela Torre.Kaya nga ginagawa to ni Tito dahil wala na kaming mapuntahan tsaka gusto niya rin sigurong maghiganti.
Marami kasi talagang kalaban sa business ang mga Vescinzo dahil isa sila sa pinakamayamang kompanya dito sa Pilipinas.
Ang dilim sa loob kaya kinapa ko ang switch sa gilid ng pinto. Nang umilaw ito ay napangiwi pa ako dahil patay sindi.
'Sino naman ang pagbibigyan ko nito?' Tanong ko sa isip habang nakatingin sa kwentas na hawak hawak ko.
Bigla nalang akong nakarinig pag sara ng pinto kaya kinabahan ako, nakahinga lang ako ng maluwag ng mag ok sign si Tito.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka ng may makita akong taong nakahiga sa isang lumang kama. May kapayatan rin siya parang ilang araw nang di nakakain.

YOU ARE READING
Mary Madison (UNDER EDITING)
Mystery / ThrillerStarted: July 2, 2021 Ended: November 24, 2021 You can read the English Version in Goodnovel