1

7 0 0
                                    

                                                                                              Picture

Hinihingal na umupo ako sa bleachers kung saan nakaupo ang mga players ng school namin.

Malakas na sigawan at palakpakan ang maririnig sa bawat sulok ng court. Banner, pictures, tarpaulins at kung ano pa na magpapakita ng pagsuporta sa pambato ng kanilang school pagdating sa larangan ng volleyball.

Lamang ng tatlong puntos ang school namin. Hindi ko maipagkakaila na magaling nga ang kalaban. Mahihirapan kaming talunin ito. Naka pokus lang ako sa panonood at hinihintay na makapasok ulit sa court.

Tumingin ako sa katabi nang kinalabit ako nito. Tinuro nya ang kabilang side ng court. Tumaas taas pa ang kilay nya at ngumisi ang labi...Nangaasar.

Tumingin ako sa tinuro nya at nakita si Rafael na may hawak ng banner winawagayway at sumisigaw. Samahan pa ng kanyang mga sira ulong tropa. Nakita kong nakatingin sila sa akin habang sinasabi ang cheer nila. Nakakainis talaga ang pangit na to! Makakatikim talaga sakin to kapag kayari ng laro. Lalo niyang nilakasan ang sigaw ng makitang nakasubangot ako.

" Ibalik na si Santiago sa court!"

" Go Arellanista. Kaya niyo Yan!"

" Ibalik si Santiago sa court!"

Inirapan ko lang ang pangit. Tumawa ito ng pagkalakas. May sira na talaga ang utak nito. Konti na lang ay ipapadala ko na sa pulang bubong .

" Wag mo kong irapan baka mahalikan kita ng wala sa oras!" Lalong lumakas ang hiyawan sa gym. Aish. Sira na talaga ang utak ng isang to. Tinignan ko sya ng masama. Mamatay ka sana sa tingin na to... Bwiset! Tinaas ko ang middle finger ko at inirapan sya. I mouthed, "Tang ina mo!"

" ayy "

" HAHAHAHAHAHA "

" WALA KA PALA RAFAEL EH! "

" Ginanon ka Rafael. Haha"

Gatong pa ng mga nanonood. Shit! Imbis na sa game mag pokus ang audience, nabaling pa  tuloy sa amin. Pati tong mga anouncer nato inasar pa kami. Talaga naman!

" Ikaw ah, bat ba kasi di nalang kayong dalawa. Bagay na bagay pa naman kayo" bulong ni Trixie. Yuck! anong bagay? Baka ipalapa ko pa yan sa alaga nilang buwaya eh.

" Tss, baka ingudngod ko lang sya "

" Hahahaha. Bat kasi di mo pa sagutin ay?" Dugtong ng katabi ko. Pano ko sasagutin eh di naman nag tatanong. Tsaka iniisip ko palang parang di ko kaya pag nag tanong ng ganon si Rafael. Mag kaibigan lang kami at ayoko ng lumagpas pa doon. Kuntento na ako sa kung anong may roon kami ngayon.

Matalik na kaibigan ko si Rafael. Naging kaklase ko sya nung grade 1 pa lang kami hanggang sa ngayon na SHS . Mag kaibang mag kaiba ang ugali naming dalawa. Mahilig syang mang asar kaya naagaw niya ang atensyon ko. Grade 4 kami ng inasar niya ang seatmate ko at umiyak kaya nasapak ko sya sa mukha nya. Hindi sya nagalit at umiyak man lang. Tinignan niya lang ako ng masama at ngumisi. Nabalitaan ito ng teacher namin kaya pinapunta ang mga magulang naming tatlo at muntik ng madala sa guidance. Pumunta ang mga nanay nila samantalang si Manang ang dumalo sa akin. Nakiusap ang parents ni Rafael na kung maari ay huwag ng dalhin sa guidance at humingi  sila ng paumanhin at pinangako na hindi na mauulit ang mapang asar na ugali ng anak.

Pumayag ang guro ngunit binigyan kami ng proyekto. Kaming dalawa lang at hindi na sinama si Andrei dahil sya naman ang biktima ng sira ulo. Gagawa tuloy kami ng report about sa bullying. 3 weeks ang baksyon namin kaya naisip ni Ma'am na sa  linggo na iyon namin gawin. Nakakatamad! Instead of having a good vacation ay nagkaroon pa tuloy ng report!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Wedding ( Bataan Series #1 )Where stories live. Discover now