I was smiling when I watched her walk down the aisle with her parents, wearing her elegant gown.
"Are weddings really interesting to you? " Tanong ng katabi ko.
Tumango lang ako sa kanya at tumingin sa babaeng napakaganda sa araw na ito. She is absolutely stunning. Kahit na natatakpan ng belo ang kanyang mukha mahahalata mo sa kanya na umiiyak siya...Not because she's sad, but she is genuinely happy.
This is Ate Rhieze's wedding. Rafael's sister. I'm wearing a beige sexy gown with a slit on the right leg. Tamang tama lang sa napiling theme. Binagayan ko ito ng isang pares ng heels... Silver. Kumikinang-kinang pag natamaan ng araw.
I'm part of the maid of honor. And obviously, this guy beside me is my partner. Di ko lang alam kung ano ang ginagawa niya saking tabi, gayong puro kababaihan ang nasa side na ito. Sa right side dapat sya naka upo!
" Di mo naman sinabi na gusto mo pala maging bride's maid. O' de sana nagpalit tayo. " bulong ko. Tinaasan ko sya ng kilay at ang labi ay ngumisi. " Ikaw sana ang nag suot ng gown." Ang saya talaga makita ng mukha nito kapag naasar.
" Tigilan mo ko Athena." Madiin bulong niya. Haha. Asar!
Inirapan ko sya at di pinansin. Ibinigay ko ang buong attention ko sa seremonya. Bahala ka nga!
Sa lahat ng nadaluhan kong kasal ito na ata ang masasabing pinakamaganda at ideal para sakin. From the flowers, designs, and the red carpet to gowns and suits. Bagay na bagay ang mga kulay na napili nila para sa theme ng kasal. Ang Ganda! Plus it's a church wedding kaya manghang-mangha ako sa buong kaganapan.
I was smiling the whole time. Ang sarap sa pakiramdam na makasaksi ka ng isang kasal kasama ang dalawang taong tunay na nagmamahalan. Makarinig ng mga pangako nila sa isa't isa sa harap ng maraming tao at sa harap ng altar. Na sa hirap at ginhawa sila'y magsasama. No words can explain my feelings right now. Sobrang naiwan pa ang utak ko sa simbahan. I wish my wedding would be great like this... Gusto ko ring maranasan sa harap ng altar kasama ang lalaking mamahalin ko sa habang buhay.
Congratulation to the newly weds! Ate Rhieze and her husband are each other's first love. 12 years ang tinagal ng relationship nila bago naisipan mag pakasal. Imagine that, 12 years! Diba ang tagal. Kaya marami ang natuwa ng ibalita nila na may plano ng magpakasal... Isa na ako doon.
Kagaya ni Ate Rhieze gusto ko rin maramdaman na umibig at bumuo ng pamilya sa isang lalaki lamang. Ang unang lalaking bibihag sa bato kong puso, gusto ko sya rin ang huling lalaking magpatibok nito!
" Ouch" reklamo ko ng mabunggo ako ng isang matipunong lalaki. Ano ba naman Athena! May pa tulala pa kasing nalalaman.
But before I complain, there's a weird feeling in my body. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko! Wth! Dahil ba sa wine na ininom ko kanina? Pero konti lang yon!...
" Are you ok? I'm sorry. " Nag lahad sya ng kamay na agaran kong tinanggap. Natumba ako kaya tinulungan nya akong tumayo. Nakakahiya!
" N-no, no. It's ok, I'm fine!" ngumiti ako sa kanya to assure him that it's really fine. Oo, inaamin ko na masakit ang tuhod ko pero hindi nya naman kasi kasalanan. Nakakahiya pa at ako tong humarang sa daan at tulala, na iwan pa nga ata sa simbahan ang utak ko... Lingaw lang!
He nodded and said sorry again before leaving.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong bulto ng matipunong lalaki... First time kong makakita ng ganon kagwapong lalaki! Gosh!... Well pogi naman si Rafael at mga lalaking kilala ko pero itong isang ito, kakaiba! Para syang Diyos na pinababa sa langit. Simula sa malalalim nyang mata na parang hinahatak ka papunta sa kanya hanggang sa matipuno nyang katawan na akala mo ay inuubos lang ang buong oras niya sa gym. Ramdam ko yung bawat bitak ng braso niya kanina. Shit! He looks like one of the Thai actor. What is his name again?... Ah! Luke Voyage.
YOU ARE READING
The Wedding ( Bataan Series #1 )
Romance" Will you marry me Athena Margarette Santiago? " They say that our wedding day is one of the most important and joyful days of our lives. A wedding signifies the beginning of a new life with the person you love. " I do "