Chapter 1

16 1 0
                                    

Chapter 1

-------

"uyy! Parang tumaba ka" Sabi ni Janelle pag ka kita nya sa akin. Tiningnan ko lang sya saka tumuloy sa pag hanap ng section ko. Wala akong kaibigan, pero maraming bully ang saya no? Ako lang mag isa. Wala kasing nakikipag kaibigan sa akin dahil lang sa mataba ako, ang babaw ba? Makitid kasi ang utak nila. ganyan naman lagi ehh, wala ng bago, sanay naman na ako, umabot nga ako ng grade 9 na walang kaibigan ehh. Nespa

Ako nga pala si Amilah Ocampo, grade 9 student sa Santiago high school (SHS) walang kaibigan pero Keri lang, pangatlo ako sa aming mag kakapatid, may kuya akong nag aaral rin sa SHS at yung isa naman ay college na ang bunso namin ay elementary palang.

Habang nag lalakad ako tinitingnan ko yung mga pinto, binabasa ko kasi yung mga sections.

Tumigil ako sa harap ng isang room nakasulat kasi sa may pinto yung 'Mercury-9' section ko. Nanginginig ako habang tinitingnan yung mga class mates ko, hindi rin ako masyadong makahinga kasi bumalik na naman yung trauma ko tuwing first day of school. Binaba ko nalang yung tingin ko sa sahig saka pumasok sa loob. Umupo ako sa dulong upuan ng 3rd row, medyo marami ng tao sa loob ng room mag uumpisa na kasi ang klase.

Maya maya pa dumating na ang teacher namin sa 1st period.

Nag pakilala lang sya saglit saka kami daw ang sunod na mag papakilala. Sya pala si Ms.Meraño, dalaga pa si ma'am 25 palang sya, maganda, matangkad, payat si ma'am, English teacher namin sya.

Kinakabahan ako, malayo panaman ako kasi unang nag pakilala ang nasa harap sunod sunod. Tatayo kalang sa upuan, hindi mo na kaylangan pumunta sa harap para mag pakilala.

Dalawang students nalang bago ako mag pakilala, name, age, hobby, yun lang ang sasabihin. Napalunok ako bago tumayo, ako na ang mag papakilala.

"I'm Amilah Ocampo, 14 years old, I love reading novels" Sabi ko habang nakatingin sa sahig. Lahat na kasi sila nakatingin saakin kaya medyo nailang ako, umupo na ako agad pag tapos kong mag pakilala.

Narinig kong tumawa yung nasa bandang likod ko "gagi! Ba't may balyena dito?" Natatawang saad ng lalaki sa may likod ko.

Huminga nalang ako ng malalim, alam ko namang may mang aasar sa akin dito, wala namang bago.

Natapos ang dalawang subjects namin na puro pag papakilala lang ang ginawa. Break time na pero hindi ako tumayo sa kinauupuan ko, may dala na kasi akong baon para hindi na ako bumaba doon sa canteen, pangit ang last ng paninda dun ehh, yung cheese stick nga nila hindi luto ehh ta's wala pang sauce, lugi kaming students ehh ang mahal panaman ng paninda nila, mga kurakot amp.

Pag tapos ng klase, umuwi na ako agad, wala naman na akong gagawin ehh.

Habang nag lalakad ako nakita ko si Janelle kasama ang mga kaibigan nya. Dumiretso lang ako ng lakad hangang sa malampasan ko sila. Narinig ko pa yung sinabi nya, halatang pina rinig sa akin "payag ka ganyan ka kataba?" Sabi nya sa kasama nya, hinayaan ko nalang sya, hindi kasi sya mahal ng magulang nya kaya nag pa papansin.

Pag uwi ko nakita ko yung ate ko si ate amirah panganay namin, college na sya maganda, sexy, maputi, matangkad, kaso maldita. Lahat naman kami maldita ehh. Tinawag nya ako "Hoy! First day of school nyo?" Sabi nya sa akin, napa irap nalang ako dahil sa Tanong nya, nakatalikod ako sa kanya 'hindi ba obvious?' Sabi ko sa isip ko.

"Hmm" Sabi ko sabay tango, dumiretso ako sa kwarto ko, pag daan ko sa salamin napa tigil ako, pinagmasdan ko yung sarili ko sa salamin. Matangkad ako kaso mataba, hindi naman sobrang taba pero muka kasi akong malaking bulas dahil nga matangkad ako. Maputi rin ako mahaba ang buhok medyo malaki ang mata ko, matangos rin ang ilong ko. Bumuntong hininga na lang ako saka nag bihis.

Tinawag na ako sa baba ni mama kakain na kasi, pag baba ko nag sisimula na silang kumain, umupo nalang ako sa dulong upuan.

"Hoyy! Taba mag diet ka nga!" Sabi ni arih sabay tawa. Kumain lang ako hindi ko sila pinansin sanay naman na ako. Si arih pala yung kuya ko na nag aaral rin sa SHS senior na sya. Pogi yan, matangkad din, habulin yan ng mga chics sa school ehh.

Marami ako kung kumain pero mas marami naman silang kumain sakin kung tutuusin. Kaya nag tataka ako kung bakit hindi sila tumataba. Pag tapos kong Kumain dumiretso ako sa cr para isuka yung kinain ko. Halos dalawang buwan ko ng ginagawa ito pero wala namang nangyayari. Kaya minsan nag e-exercise ako ng mga isang oras para pumayat ako.

Pag tapos umakyat na ako sa kwarto para mag pahinga. Umupo muna ako sa kama saka kinuha ang phone ko, inopen ko yung fb ko, bungad palang nakita ko na ang picture ni Samantha ang ganda nya dun sa picture. Si Samantha school mate ko sya maganda sya mukha syang model boyfriend nya si jaycie yung crush ko. Naiingit ako kay Samantha kasi matalino saka maganda pa sya boyfriend nya rin yung crush ko.

Pumunta ako sa salamin tinitingnan ko ulit yung sarili ko, anlayo namin kung ikukumpara ko ang sarili ko sa kanya talong talo na ako.

Natulog nalang ako.

You're beautiful just the way you areWhere stories live. Discover now