Chapter 4

3 0 0
                                    

Chapter 4

------------

Napalingon ako kila Jaycie ng marinig ko syang tumawa ng mahina umiling pa sya saka Tumingin sa'kin. Huminto sya sa pagtawa saka Tumingin ng diretso sa mata ko, ganun rin ako sa kanya nang lumipas ang ilang Segundo ako na ang umiwas ng tingin saka pumunta kay arih, tiningnan ko muna yung mukha nya andami nyang sugat, putok rin yung gilid ng labi nya, saka namamaga yung kaliwang mata nya. Napa iling nalang ako dahil mukang napuruhan sya "awit naman sayo kuya, ang hina mo naman" mahinang sabi ko sa kanya, ngumisi sya saka dahan dahang minulat ang kanang mata nya, nangunot ang noo nya ng Tumingin sya sa akin, nagulat ako ng batukan nya ako "ayusin mo nga yang damit mo" Kunot noong saad nya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung sando ko halos naka hubad na'ko dahil punit yung gilid dahil siguro yun sa pag hawak nung lalaki sakin sa likod na hila nya yung sando ko kaya napunit.

Agad akong tumayo saka tumakbo papunta sa nilapagan ko ng uniform.

Nakita kong nag lalakad na si Jaycie kasama yung dalawa sa likod nya. Nagulat ako ng lumingon si Jaycie sa akin saka ngumisi bago tumalikod. Napa kurap muna ako ng ilang beses bago tulungan si kuya na tumayo.

Pag uwi namin sa bahay nagalit si mama dahil bugbog sarado si kuya nang dahil lang sa babae, kaya pala sya pina bugbog ni Jaycie kasi nalaman nyang nakikipag kita si Samantha kay kuya. Pero hindi naman tamang pag tulungan nila si kuya, mabuti nalang talaga at dumating ako kung hindi nako! Baka wala na akong kuyang madatnan sa bahay kasi nasa kabilang buhay na pala sya.

Kinabukasan sabado kaya may practice kami para sa role play, ang pinag tataka ko, taga hawak lang naman ako ng catolina kaya bat kasama pa ako sa practice? Kaylangan ba perfect yung pag tayo ko at pag hawak sa cartolina kaya may practice keneme pa sila? Sus, utot nila, alam kong uutusan lang nila ako doon, pero okay lang sa bahay naman nila Jaycie kami mag pa practice kasi ka grupo namin yung kapatid nyang si Jamie.

May inspirasyon naman ako kaya okay lang na pumunta dun hehe. Alasdose daw kami pupunta sa bahay nila, mag kikita muna kami sa harap ng school para sabay sabay na pag punta ron. So Alasdose ako pupunta ron kasi alam kong may malelate samin dahil may sarili silang oras, desisyon sila ehh.

Paalis na ako sa bahay naka maroon oversize shirt ako saka naka black leggings naka black flip flop rin ako, kaya medy umangat yung pag ka puti ko kasi naka dark color ako ngayon, nag liptint rin ako para hindi naman ako mukang patay ang putla kasi ng labi ko. Nag dala ako ng black crossbody bag saka nag suot ng white cap. Medyo boyish pero doon lang kasi ako sanay lalo na nahihiya ako sa katawan ko.

Pag dating ko sa harap ng school paalis na sila, napa taas pa ng kilay si reynalin ng pasadahan nya ng tingin ang suot ko. Napa ngiwi naman ako sa suot nila para silang mamamasyal naka rubber shoes payung iba saka naka dress yung ibang girls yung iba namang lalaki simple lang ang suot ito lang mga babaeng to ang makaporma wagas, nag papaganda siguro para kay Jaycie kasi crush nila yon ehh. Sus!mga galawan nyo!

Nag lakad lang kami papunta kila Jamie, mabuti nalang at may cap ako kasi medyo mainit. Napansin kong kanina pa ako tinitingnan ni reynalin, tiningnan ko naman yung sarili ko maayos naman ah? Hindi ko nalang pinansin.

Nagulat ako ng tumabi sa akin si leo isa sa class mate ko nakangiti sya habang nakatingin sa akin, bumuntong hininga lang ako saka Tumingin sa kalsada, naiilang kasi ako pag may kumakausap sa akin na hindi ko kilala.

"Hi" nakangiting sabi ni leo, tiningnan ko sya saka tinanguan "pwedeng makipag kaibigan?" Tanong nya kaya gulat akong napatingin sa kanya. Kilala rin si leo dahil sa galing nitong tumugtog ng guitar saka piano, gwapo rin ito at may kaya sa buhay, marami ring nagkakagusto dito kaya lang ma ilap sya sa tao kaya nakakapag takang gusto nyang makipag kaibigan sa akin. Nangunot lang ang noo ko sa tanong nya, napangiti naman sya ng makita ang reaksyon ko "ahh wag kang mag alala hindi kita aasarin, kaibigan lang wala kasi akong masyadong kilala sa room" Sabi nya, pinagmasdan ko naman yung mukha nya mukhang totoo naman kaya ngumiti ako sa kanya saka tumango.

Magaan kasi yung loob ko sa kanya kaya okay lang naman siguro. Nakarating kami sa bahay nila Jamie napa nga nga ako sa bahay nila ang ganda nun saka malaki, mayaman pala talaga sila, pumasok na kami sa loob nasa huli ako kasi pinauna ko na yung iba, ayaw ko kasi ng may maraming kasabay.

Ihahakbang ko na sana yung paa ko papasok sa loob ng may humila sa akin.

You're beautiful just the way you areWhere stories live. Discover now