Chapter 14

5 1 0
                                    

Chapter 14

-------

Biyernes ngayon at may kumuha sa amin para tumugtog sa isang bar, 9pm ang simula namin pero 7:30pm kami mag kikita para mag practice ng isang beses bago tumugtog. 

Habang naliligo ako napansin ko'ng parang lumiliit yung puson ko, anlaki kasi nito noon, pero ngayon medyo maliit na, thanks to my ate ela na kasama ko minsan mag exercise at lagi ako'ng pinapayuhan sa mga hindi ko dapat kainin na pag kain. 

Nag suot ako ng oversize shirt saka fitted black jeans sa shoes naman ay white sneakers lang para simple lang di'ba? Nilugay ko lang iyong buhok ko na hangang Balikat, nag pagupit na kasi ako, nag lagay rin ako ng konting liptint para hindi ako maputla mamaya.

Sinundo ako ni coleen kasi malapit lang s'ya dito sa amin, bumaba na ako saka sinabit yung crossbody bag ko sa balikat ko at lumabas para salubungin si coleen pero tinawag ako ni ate amirah, nilingon ko s'ya at nakita kong napa taas ang kilay n'ya ng suyurin n'ya ako.

"San'ka punta?"Tanong nya saka sinilip yung tao sa labas si coleen. "Sino yun?" Tanong n'ya pa.

Inayos ko nalang yung bag ko sa'ka sumagot "May racket kami, si coleen yan" sagot ko sa'ka lumabas ng bahay. 

"Naka! Angas natin tehh ah!" Asar sa'kin ni coleen, nginitian ko lang s'ya saka kami nag patuloy sa paglalakad papuntang bahay nila simon doon kasi kami mag pa practice. 

"Sino daw yung kumuha sa'tin para tumugtog?" Tanong ko kay coleen, hindi ko kasi kilala si leo lang yung nag sabing tutugtog kami. Napaisip naman s'ya.

"Pinsan daw ni leo?" Hindi siguradong sagot n'ya, tumango naman ako.

Pagdating namin ki'la simon kumpleto na sila, nag hahanda na silang tumugtog "eyyyy!" Bati ko sa kanila sa'ka humarap sa mic at tinesting "hello,hello" Sabi ko saka tumango nang marinig yung boses ko'ron maayos naman. 

Pag tapos naming mag practice sumakay na kami sa kotse ni tyron, richkid 'yan  ehh naoll.

Nasa labas palang kami narinig na namin yung malakas na sounds mula sa loob, mukang nag kakasiyahan sila ahh, baka nag tataka kayo kung bakit nakakpasok ako'ng bar, kami pala kahit 14 palang ako saka 15 si leo sila simon at coleen naman ay 16 at si tyron ang 17, mukha na kasi kaming 18+ kaya hindi masyadong halata saka may fake I'Ds kami kaya nakakapasok kami hehe.

Pag pasok namin sa loob, pumasok kami papunta sa isang makipot na daan medyo madilim kaya kumapit ako sa braso ni leo, nagulat s'ya sa biglaang pag kapit ko pero nag kibit balikat lang s'ya. 

Dumiretso kami sa back stage may nag pe perform pa sa may stage kaya dito muna kami, umupo ako sa may sofa doon saka ininom ang pina kuluang luya para hindi ako mapaos at maging smooth ang voice ko. Taray noh?

Maya maya pa tinawag na kami ng DJ pinakilala n'ya muna kami bago pa akyatin, pag akyat namin nag hiyawan agad yung mga tao kahit bago palang kami sa bar nato mukang welcome kami dito kaya napangiti ako ng malaki. 

Inikot ko muna yung paningin ko sa mga tao kasi nakakatuwa talaga yung lakas ng hiyawan nila Tumingin rin ako sa may taas kasi may mga nag hihiyawan rin doon, pero nangunot ang noo ko ng makita ko si Jaycie na naka sandal sa drills at may hawak na bote ng beer, napa kurap pa ako ng ilang beses kasi 17 palang ata sya ka edad n'ya kasi si kuya arih pero umiinom na s'ya, sabagay na ninigarilyo na nga s'ya ehh.

Tinapik ako ni tyron senyales na mag sisimula na kaya iniwas ko'na ang tingin ko kay Jaycie at nag focus sa kakantahin ko. Tadhana pala ang kakantahin ko by UDD.

Tumikhim muna ako bago humawak sa mic, napatingin ulit ako kay Jaycie nakita ko'ng nakatingin narin s'ya sa stage kaya umayos na ako.

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong
Damang-dama na ang ugong nito

Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo?
Ibinubunyag ka ng iyong matang
Sumisigaw ng pagsinta

'Habang kumakanta ako hindi ko maiwasang Tumingin kay Jaycie para kasing, sinasabi ko lang sa kanya yung lyrics ng kanta parang yung lyrics umaayon sa damdamin ko, 'Di pa ba sapat ang sakit at lahat, Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo?' Muling bumalik sa isip ko ang line na ito habang nakatitig kay Jaycie' 

Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang?
Tayong umaasang hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa 'yo, whoa-oh 

'Napa pikit ako at dinama ang bawat letra ng kanta, hindi ko alam pero parang ang kantang ito ang nag sasabi ng lahat ng gusto ko'ng iparating kay Jaycie na hindi ko masabi'

Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin?
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?
'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sa 'yo

'Medyo na hurt ako sa part na'yon, why naman Ganon?'

Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa, oh
Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa
Oh-whoa, oh-whoa, oh, oh-whoa
Oh-whoa, oh-whoa

'Hangang sa matapos ang kanta, ay pasulyap sulyap lang ako kay Jaycie, 'Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin?Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin?' Nakatingin ako kay Jaycie ng umugong ang linyang iyon. Nakita ko'ng na kangisi s'ya ngayon sa akin at kumindat bago nag lakad palayo'

' Napa kurap lang ako ng ilang beses kasi kinindatan n'ya ba ako? True bayun???? Kasi kung oo baka isipin ko may gusto s'ya sa akin. 

'Hindi teh normal na yun sa kanya, kalimutan mo nalang s'ya'

'charot; ( ilang beses ko na kasi s'ya nakitang may kinindatan kaya impossible yun kasi normal na'sa kanya iyon, ano bayan mag fe feeling na nga lang ehh mangngialam pa tong konsensya ko, papansin talaga to. ; (

------------

You're beautiful just the way you areWhere stories live. Discover now