Chapter 49

31 2 66
                                    







Part 2




ZOEY POV










"OUCH!" nauntog ako sa piano!










Nagulat ako sa sinabi nya! "Sorry for kissing you. Zoey, are you okay?" hinila niya ako ulit paupo tsaka niya inalis ang jacket niya at tinakpan ang legs ko.









"Tali mo sa bewang mo" mukhang nataranta talaga siya sa reaksyon ko. "I wo-won't be clingy anymore. I'm really sorry for that"









"A-ayos lang yun.." lumapit ako ulit sakanya pagkatapos ko ilagay ang jacket ko sa bewang. "Mas gusto ko ngang clingy at sweet ka kesa maging cold sa akin" bulong ko sa sarili ko.










"Zoey, that's too unrespectful.. Di pa naman tayo pero.. hay! nevermind!  naaattract talaga ako sa lips mo" nagulat ako sa sinabi niya pero kinilig ako. Siya natataranta sa ginagawa niya ako natatawa na sa reaksyon niya.












Para talaga kaming tanga dito sa Music Department dahil nakatago kami sa may piano habang nakaearphones pa siya at magkatabi kami na nag-uusap.










"Gago ka ba? Anong pinagsasabi mo? Di mo naman kailangan mag-sorry, s-sanay na akong halikan mo ako. Nagpaalam ka naman pero ang mali di pa ako pumayag ginawa mo na charot! Ano ba Roezen wag ka ngang mag-sorry" joke, naalala ko kase guilty ako doon sa pang-hahalik ko kay Chie.







Confused yung mukha niya sa sinabi ko pero ngumiti pa din siya tsaka mariin na hinawakan ang pisngi ko! Aray ko! "You're being obvious again! Okay, di na ako maguguilty but i'm sorry for the last time" natatawa na sabi niya. Bipolar din.









Tumayo siya agad pero nauntog din siya sa piano kaya ako ang natawa ngayon. "Sige, ano nagising ka na ba sa kagaguhan mo?" tanong ko. Akala niya siya lang marunong mang-asar?






"What are you saying? Ouch, gusto mong halikan kita ng manahimik ka?" ramdam kong nakangiti siya ng nakakaloko habang nakahawak sa ulo niya.






"Ganon? Hoy Roezen, masyado ka ng nakakarami. Nakakainis ka talaga pag ikaw na yung mang-aasar natatalo na ako" galit na sabi ko sakanya.








"Talagang matatalo ka, pero pag ikaw naman yung hmmm, magiging sweet sa akin ako yung matatalo sayo" sabi niya naman. Wow, talaga?









Napahinga ako ng malalim, buti wala na akong hiya ngayon. Napangiti ako ng malala.







"Roezen ba't ang gwapo mo ngayon? Alam mo bang madami akong naging crush nung highschool pero sayo pa din ako bumabagsak?" buti nalang nakikita ko ng konti ang mukha niya sa konting liwanag, kumunot ang noo niya.









"What? Wait, Di ko gets" anak ng.. di ba sweet yun? Paturo kaya ako kay Elyss o Micha? Ay wag kay Micha baka ano din matutunan ko doon sa babaeng yun.








"Wala! Ang sabi ko di kita sasagutin!" bigla siyang humiga sa balikat ko. Ang sweet naman niya.






"Wag kang magjojoke ng ganyan, masakit sa puso" corny niya. "I'll wait for you to be ready again. Gusto ko lang mag-stay tayo ng ganto ngayon, na bumalik tayo ulit dito sa likod ng piano ng may feelings ka na ulit sa akin" kwento niya sa akin.







BSS SERIES #2:Spoiling My Special SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon