CHAPTER 1

27 3 1
                                    

Nagising ako sa ringtone ng phone ko. As usual, may tumatawag na naman.

Minulat ko ang mata ko pero nanatili pa rin ako sa pagkakahiga dito sa kama habang nakatulala sa kisame ng kwarto ko.

Nang matigil ang pag tunog, kinuha na ang phone ko para i-check ang oras.

7:00 am of November 21, 2021 (Monday).

2 weeks na rin pala kong nagkukulong. Nandito pala ko sa isang property namin sa Tanay, Rizal. Sa lahat ng nangyayari ngayon sa buhay ko, gusto ko na munang mapag isa. Wala din akong sinasagot na tawag and texts maliban sa parents and manager ko.

I started my career as an actress here in the Philippines way back in 2015. Syempre marami din akong pinagdaanan nung nag sisimula pa lang ako, pero kinaya ko yun lahat for my family na lagi ring nakasuporta sakin.

Sa pagtatrabaho ko dito sa industriya nakilala si Kyle. He's my first love and we have been together for almost 3 years. We have a lot of fans who loves us and supports us. Nasanay akong nandito siya parati sa tabi ko.

Kaya lang, siya yung dahilan kung bakit nandito ako sa sitwasyon na to. Mas pinili niyang saktan ako. Niloko niya ako sa harap ng maraming tao. Hindi ako naging sapat sa kanya. Pinili niyang balewalain yung ilang taon na pinag samahan namin para lang sa ibang babae. Actually, even before pa naman marami na kong bad comments na naririnig about him pero hindi ko sila pinakinggan. I trusted him. Sobrang na palang umikot yung mundo ko sa kanya.

Diko namalayan na nakapag search na naman pala ko ng news about him and sa bago niya. Nanonood ako ng interview niya confirming his relationship with Chie. Alam niyo, mas gusto ko na mas masaktan ako ngayon kahit na mahirap para mas mag sink in agad sa isip ko na tapos na talaga kami. Na wala na kong ibang pwedeng gawin kundi tanggapin na may mahal na siyang iba.

Habang iniisip ko yung mga nangyayari ngayon, patuloy na bumibigat yung loob ko. Hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari sa susunod na araw, kung paano ko kakayanin yung sakit. Tahimik akong umiiyak sa kwarto, nang marinig kong tumunog yung door bell.

Wala sana kong balak i−check kung sino yun kaya lang paulit ulit niyang pinindot yung door bell kaya wala nakong nagawa kundi bumangon.

Aba nakakairita yung paulit ulit na door bell ha. Ang sakit sa ulo, kakagising ko pa lang naman. Pag bangon ko, lalabas na sana ko ng kwarto ng mahagip ko yung sarili ko sa salamin. Jusko mukha akong sabog. Namamaga yung mata ko tapos ang laki pa ng eyebags ko! Yung buhok ko ang gulo. Kaya nag suklay muna ko ng buhok bago bumaba.

J: "Chiiin! Ano hindi mo talaga bubuksan tong pintuan?!"

Hala teka nag wawala? pero kahit nakakairita napangiti na lang din ako. Boses pa lang alam ko na kung sino yung nasa labas eh.

Hindi naman nako masyadong nagulat pagkabukas ko ng pinto kasi tama yung hinala ko. Nakita ko namang nagulat siya ng makita ako.

J: "Hala Chin bakit ganyan itsura mo?"

Napakamot lang ako sa ulo sabay pilit na ngiti. Dire−diretso naman si Jayda sa pag pasok sa bahay tapos siya na nag insist na mag sara ng pinto. May dala siyang dalawang paper bag, diko lang sure kung anong laman ng mga yun.

J: "Alam mo, may napansin akong sasakyan dyan banda sa may gilid ng gate mo. Nung nakita nila kong bumaba sa sasakyan bigla nilang sinarado yung front door glass ng car nila. Baka reporter or what. Naku sana naman di ka nila nakuhaan ng ganyan yung itsura mo"

"Ha? eh paano naman nila malalaman na nandito ko, parents and manager ko lang naman sinabihan ko. Oo nga pala! eh ikaw? paano mo nalaman na nandito ko?"

J: "Ouch Chin, parang ayaw na ayaw mong pumunta ko dito. Tinanong ko kasi si Tita kung nasaan ka since hindi kita ma−contact. Binigay na lang din ni tita yung address na to kasi nag a−alala siya sayo, syempre mag−isa ka lang. Baka kung ano pa gawin mo noh"

"Ano ka ba, hindi naman sa ayaw kong pumunta ka dito. Syempre nag pakalayo layo nga muna ko at hindi nagparamdam kasi gusto ko nga munang mapag isa diba? pero ngayong nandito ka  naman na, siguro mas okay na rin. Kasi sobrang lungkot ko talaga"

J: " Halata naman sa itsura mo oh, haha! Teka nag almusal ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Ilang araw na rin kasi akong wala ng ganang kumain"

J: Hay nako sabi na nga ba hindi ka magkakakain eh. Halika na dito umupo ka na sakto bumili ako ng breakfast dyan sa may Mc Donalds at hindi pa rin ako nag a−almusal. Hello? ang aga ko kayang bumyahe para lang puntahan ka."

Nilabas niya sa paper bags yung mga binili niya at umupo nako. Nakangiti lang din ako habang nakatingin sa kanya sa pag a−ayos nung foods sa dining table. Naisip ko na, si Kyle lang naman yung umalis sa buhay ko. I still have my family, friends pati na rin fans na nag mamahal sa akin. Yun naman yung pinaka−importante.

Habang kumakain kami, tahimik lang ako tapos natutulala din. Napansin siguro ni Jayda kaya bigla siyang nag tanong.

J: "Chin, napanood ko na yung news. Na−confirmed na nila sa public yung relationship nila."

"Yes, I know"

Sagot ko sa kanya habang nakatingin ako sa kawalan.

J: "So, what's your plan now?"

Tumingin ako sa kanya at nagkibit balikat na lang. Hindi ko na nagawang mag salita kasi nararamdaman ko na namang naiipon yung luha sa gilid ng mga mata ko. Tumayo siya sa kinauupuan niya at pumunta sakin. Niyakap niya ko.

Tuluyan na ngang bumuhos yung mga luha ko.

J: "Chin, you're a good person. You don't deserve this. I mean, no one deserves to be treated this way. Basta, I'll always here to support you sa kung ano mang magiging desisyon mo"

"You know what Jayda, I feel like I need to go somewhere far away"

J: "Kung sa tingin mo is yun yung makakatulong sayo, then go. I will help you whenever you're ready. Okay?"

"Thank you for being here for me, Jayda"

I need to be strong. Kailangan kong tulungan yung sarili ko na gumawa ng paraan to move forward.

I have to start healing my heart.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LET ME TREASURE YOUWhere stories live. Discover now