Chapter 2: Hurt and Pain

57 3 0
                                    

A/N: The gorgeous girl on right side is Sarah, Esha's best friend. (She's my Japanese crush, hihihi xD)

  It's been almost 3 months since the break-up. Oo, masakit pa rin hanggang ngayon. Hindi naman pwedeng overnight lang yung sakit nun e. Biruin niyo ba naman kasi, yung pinundar naming relationship for 3 years, napunta lang naman pala sa wala. Iyak ako ng iyak nun. 2 weeks din siguro itinagal nun tapos para kong zombie nung umpisa. Hindi ako kumakain, hindi ako namamansin. Maski nga best friend ko muntik ko nang makalimutan sa sobrang sakit ng pinagdaanan ko e. Ano bang ginawa niya sa'kin at hanggang ngayon, I'm still clinging tightly onto him? If breaking up is this painful, then I won't fall in love. Ever again. 

  Pero thankfully, naka-recover ako, kahit papaano, sa sakit. Aminado naman ako, up until now, I still cry myself every fvckin' night. Ewan ko ba. Walang kasawaan yung luha ko sa kababagsak. Naka-unli yata e. Sabi nga ni Sarah, "I'm a great pretender" kasi smiling on the outside, dying on the inside. Para ngang feeling ko nawala yung kulay sa buhay ko. Kawalan siya sa mundo ko. We still talk, pero alam namin sa isa't-isa na, walang sense naman yun. Si Sarah naman, as much as possible, nilalayuan niya si Dylan. Just for the sake of me. Gahd! Ayaw ko pa naman ng ganon. Sabi ko nga sa kanya isang beses, lapitan niya si Dylan kung gusto niya. Okay lang ako. 

"Sarah, mahal mo ba si Dylan?" Naitanong ko sa kanya isang beses.

"Huh? Ah... eh... why so random, bes? Walang magawa?" 

"Don't change the topic, Sarah. Do you love Dylan?"

"Wag kang magagalit bes ah, I like him. But that's all. Hanggang dun lang."

"Can you do me a favor?"

"Anything."

"Please take care of him for me. Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal ko sa kanya."

"Bes, you know I-I can't do that."

"Bes, please? Kahit yun lang gawin mo for me." A tear fell from my eyes. Sh*t! Umiiyak na naman ako.

"O-o sge. Please don't cry. You know how much I hate to see my best friend cry."

"Sarah, ang sakit sakit e. To think na wala na siya sa akin. Bes... hindi ko pa rin pala kaya." Sunod-sunod na yung tulo ng luha sa mga mata ko. I really hate crying in front of her because she'd feel guilty.

"Bes, wag kang mag-alala. Ita-try ko yung best ko to convince my dad to cancel the marriage."

"NO!"

"W-why?"

"Malaki utang na loob namin ni Nanay sa dad mo. You can't do that. Just.... do my favor for you na lang."

At ayun, iyak pa rin ako ng iyak buong maghapon. Magang-maga na nga mata ko e. Kaya minsan nagsh-shades ako pag papasok ako. At isang araw, napagdesisyunan kong wag magsuot ng shades even though namamaga pa rin yung mga mata ko.

Ayeesha, tumungo ka lang. Tingin tingin lang sa lupa. Wag itataas ang ulo baka may makakita.

I was doing great when suddenly, someone blocked my way.

"Esha? Okay ka lang ba?"

"Ha?" Shet! Napatingin ako sa mukha niya! Wala. Buko na kung anong tinatago ko.

"Ba't namamaga mata mo?! Umiiyak ka ba?"

"Ha? A...e... O-oo e. Pinanood ko kasi yung 'Ghost' kagabi. Iyak tuloy ako ng iyak."

 Sana maniwala siya sa palusot ko.

"Ah. Akala ko kung napaano ka na. Sige. See you around."

First Love ko, Last Love ng Best Friend ko [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon