Prologue

75 2 3
                                    

Haaay. Ano bang gagawin ko? Kakausapin ko na ba siya o ignore pa rin? I can't decide.

  "Bes, okay ka lang? You're spacing out."

  "Huh?"

   "Bes! Papalapit sa'yo si Dylan!"

 What?! PANIC!

  "Hi Esha! Favor naman oh."

He speaks to me na parang wala kaming past.

 "Esha?"

Esha? Tinatawag na naman niya ko sa nickname niya sakin.

TUUUUUUUUUUUUGSH!

  "Araaaaay! Ba't mo ako binatukan, bes?! Kainis to!"

  "E kanina ka pa kaya namin tinatawag ni Dylan! Nakanampuuts bes! Bingi ka na."

   "Ay, sorry. Ano nga palang kailangan mo Dylan?"

    "Ah, eh, the usual. Hehe"

 Ahh. Akala ko naman... 

     "O sige. Wag mo kasing winawala yung mga ballpen ko. Alam mo bang mahalaga sila sakin? Tapos winawala mo lang. Itutulad mo pa yung mga ballpen ko sa--"

      "Uhh, bes? Tara na! Review tayo. Magqui-quiz pa tayo sa physics di ba? Dylan, alis na kami ah. Bye!"

Wew. Muntik na'ko dun ah.

     BLAAAAAAAAAAAG!

     "Aray! Ano na naman bes?! Ba't pati yung librong hard bound pa. Tskk. Sakit."

     "Ang tangengot mo talaga bes. Muntik ka na dun! Tsk tsk. Magpasalamat ka sakin! Dali!"

      "At bakit naman aber?"

      "Kasi sinave kita kanina. Kung wala ako dun, baka kung ano nang nasabi mo kay Dylan no!"

      "Thank you bes! Kaya kita mahal e. Wag kang mawawala sa tabi ko ah! Di ako mabubuhay ng wala ka." Sarcastic kong sagot.

Bwisit kasi tong bespren ko! Lagi na lang nakasapak agad. Hanggang ngayon nagtataka pa din ako kung paano ko yan naging bespren e! Bayolente masyado.

  Ako nga pala si Ayeesha Dominguez, 16 years old. Yung hampaslupang nanghampas sakin kanina ay si Sarah Vargas. Best friend ko. Hindi halata no? Battered best friend talaga ako. Si Dylan Rodriguez naman ay ang kababata namin ni Sarah na siyang first love ko. Wondering how our love story started and ended? Sure!

First Love ko, Last Love ng Best Friend ko [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon