Paunang Salita

3 0 0
                                    

Pamagat: "Tiempo Omitido"
Dyanra (Genre): Kathang Pangkasaysayan (Historical Fiction)
Sumulat: Unica_Hija 

PAGTATATWA
(disclaimer)

Ang nobelang ito ay napasimulaang isulat ng isang binibini noong natapos niyang basahin ang nobelang "Lo Siento Te Amo" ng tanyag na manunulat ng modernong limbagan sa panahong kasalukuyan na si Binibining Mia. Ang nobelang nabanggit ay nagbaôn ng masakit na damdamin sa puso ng binibini at nahikayat siyang isulat ang nobelang ito upang masukat ang kaniyang kakayahan sa pagsulat ng kathang pangkasaysayan at gawing reperensya ang katangian at ugali ng kaniyang iniidolong grupo, tanyag na mga manananghal sa bansa, ng mga pangunahing karakter sa nobela.

Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang (fictional) at bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda dulot ng matinding paghanga sa grupo ng mga tanyag na kalalakihang manananghal sa bansa (SB19). Ang mga pangalan, tauhan, lugar, at pangyayari ay pawang bahagi lamang ng imahinasyon ng manunulat. Muli, walang kahit ano man sa nobelang ito ang may katotohanan at pawang kathang isip lamang.

UKOL SA PABALAT

Mariing sinasalaysay ng sumulat ng akdang ito sa mga mambabasa na hindi niya inalis ang logo ng SB19 kung saan nagmula ang larawan. Hindi inaangkin ng manunulat ang mismong larawan at ibinibigay ang karampatang credit sa SB19.

PAALALA

Ang pangongopya ng akda ng may akda (plagiarism) ay itinuturing na isang krimen at maaaring patawan ng parusa ayon sa batas!

🖋️Unica_Hija

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIEMPO OMITIDO (Skipped Time)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon