Pinatay ko na ang TV dahil natapos na ang kanyang soap. Grabe, iba talaga 'tong si Kathryn pagdating sa pag-arte, napakagaling niya.
Napangiti ako. Isa sa napakaraming dahilan kung bakit ko siya sinusoportahan. Sobrang galing ng acting skills niya. Alam niyo 'yung tipong 'pag umiyak siya, madadala ka at mapapaiyak na rin. Tapos 'yung 'pag masaya 'yung eksena, mapapangiti ka nalang bigla. O 'di kaya kapag nagagalit siya, maiinis ka na rin kasi ramdam mo 'yung emosyon niya.
Ah, ewan. Nababaliw na naman ako. Kasi naman 'tong si Kathryn ibang iba epekto sa tao. Lakas ng impact, kumbaga. Ewan ko ba kung bakit ang daming haters, eh wala naman siyang ginagawa kundi magpasaya ng tao.
Ako, sobra sobrang pinapasaya niya ako.
Sobrang babaw pakinggan pero ang lalim ng meaning ng pinagsasabi ko. Siya rin kasi 'yung source of happiness ko. Alam niyo 'yun? 'Yung wala ng ibang dahilan ang kasiyahan ko sa buhay kundi siya lang.
Pinagmasdan ko 'yung lockscreen ko na siya ang larawan. Ugh, sobrang ganda niya. Hay, Kathryn. Bakit ba ganito epekto mo sa'kin? Sobrang sapul at tinamaan talaga ako.
Fan ako, oo. Pero ibang klase ako kasi ako 'yung masasabing isa sa mga tag-suporta niya na hinding-hindi siya iiwan hanggang sa huli. Cliché ba o corny pakinggan? Hindi, kasi binibitawan ko ang mga salitang 'to dahil pinaninindigan ko 'to.
'Yung iba naman kasi diyang mga fans niya, dala lang ng pagiging over acting kaya sinasabi na 'di siya iiwan hanggang sa huli, pero tignan mo, kapag may bago siyang katrabaho na ayaw nung so-called fan ay iiwan niya rin ito. Tss, 'yan ang mga tinatawan na fake fan.
"'Nak, bumaba ka na do'n at kakain na. Naku, ayan ka na naman sa pagpapantasya kay Kathryn." Nabitawan ko ang phone ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at ibinungad no'n ay ang nanay ko.
"Ah, hehehe. Sige po, ma." Tumayo na ako pero bago bumaba ay nilapitan ko ang standee niya na nasa gilid lang ng kwarto ko.
"Love, baba muna ako, ha? Dito ka lang at mamaya tayo magcucuddle. I love you." Tapos hinalikan ko ang standee niya.
Oo na, baliw na baliw ako sa kanya.
'Di porket lalaki ako eh, hindi na 'ko puwede humanga o magpakabaliw sa idolo ko. Karapatan ko rin humanga, magpaka-obsessed, kabaliwan, protektahan, at higit sa lahat, mahalin si Kathryn Bernardo.
**~
Fanboy coming soon.
;)
BINABASA MO ANG
Fanboy [KathNiel]
FanficCOMING SOON—'Di porket lalaki ako eh, hindi na 'ko puwede humanga o magpakabaliw sa idolo ko. Hindi lang naman puro babae o 'fangirls' umiikot sa mundo ng pagiging fan, pati mga lalaki rin na tulad ko.