written purely in tagalog
marahan mong hinawi ang kurtina't sinalubong ng makulimlim na mga ulap. Iisang pinta ng mukha, luhang kasabay ng patak ng ulan. Banggit ko'y tahan na mahal mula sa kalawakan ng langit kung saan nakamit ang kalayaan minsan nating kinalaban. Sa paglubong ng araw sa likod ng madilim na ulap ikay nagasam ng takipsilim umaasang magbabago ang takbo ng oras.
Minumulto ng mga alaala kung saan ang saya ay abot sa mga mata, mga kinang na nawala kada segundong dumaan na ikaw ay nakadungaw sa bintana. Mga alaala ng hulma ng iyong labi na nagiiwan ng mga halik sa aking noo't labi. Mga alaala ng matatamis na mahal kita sa pagsikat nf araw na ika'y katabi. Mga alaalang unti unting nababalot ng lungkot at tanong sa dyos kung bakit.
Pinalaya ako ng mundo na nagdarasal na mapalaya mo rin ang iyong sarili mula sa dilim ng kahapon.
Dumating ang araw kung saan aky humiling sa dyos ng isang araw upang muling sumikat ang araw sa mundong iyong ginagalawan. Ngunit ang bawat hiling ay may hinihinging kapalit. Unti unting mabubura ang memorya ko, natin sa bawat taong nabubuhay.
[got inspired lang, feeling ko everytime i write is pag palapit ng exams ko i dont know why]
[i got the theme from wonpil's behind the page cover hahaha like the very black and white vibes got me into like passed away pov]