Chapter 6

166 32 2
                                    

Naglilibot pa din kami hanggang ngayon ng may makita akong babae sa 'di kalayuan.

Tila ba'y napako ang tingin ko sa kanya at hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kanya, ito ba ang sinasabi nilang love at first sight?

Stop it, Jaydee. Nandito ka sa hospital para magpagaling at hindi maghanap ng matitipuhan.

Nabalik ako mula sa pagde-daydream ko ng mahinang tapikin ng nurse ang balikat ko.

"Kanina pa kita tinatawag at mukhang napako na ang tingin mo doon sa babae." nang aasar niyang sabi sa akin.

Tinignan ko muna siya bago ko ibalik ang tingin sa babae.

"Kilala niyo po ba siya?" pagtatanong ko at agad na tumingin sa nurse ko.

Tumingin din siya sa gawi ng babae sabay sabing. "Oo, pabalik-balik 'yan dito sa hospital. Naalagaan ko na rin
siya dati."

"Ano po ang pangalan niya?" nakukuryos kong tanong sa kanya.

"Frances... Frances ang pangalan niya." nakangiting sagot ng nurse ko.

Gusto kita maging kaibigan, Frances.


Nakabalik na ako ng kwarto ko at kasalukuyan na akong kumakain ngayon, muntik pa kanina mapagalitan ni mama ang nurse dahil pinalabas ako pero ipinaliwanag ko naman na ako ang nagrequest sakanya sapagkat naiinip ako dito sa loob ng kwarto ko.

"Anak, uuwi pala kami ng papa mo. Hindi kami makapag overnight dito dahil bawal. Babalikan ka na lang namin bukas." sabi ni mama sa akin habang nililigpit na ang pinagkainan ko.

Tumango naman ako.

"May gusto ka bang idala namin bukas?" agad naman ako umiling sa kanya at pagkatapos niyang magligpit ay ibinigay niya ang gamot ko at tubig.

Nagbukas naman ang pintuan ng kwarto ko, si papa pala.

"Kumusta ka, anak?" pagtatanong ni papa at agad ako na hinalikan sa noo.

"Okay lang naman po ako." agad naman ako nagmano sa kanya.

"Masyado mo na kaming ginagawang matanda ni mama mo." parang nagtatampo na sabi ni papa.

Agad ko naman siya nilapitan at niyakap.

"Matanda naman po talaga kayo eh." agad akong umalis sa yakap at tumawa.

"Akala ko maglalambing ka, hindi mo na kami nilalambing ni mama mo." lumapit naman si mama sa amin.

"Mukhang nagkaka-asaran 'ata kayo ah? Isali niyo naman ako." lakad papunta ni mama sa amin ni papa dahil kakatapos niya lang maligpit ng mga gamit nila papa.

Niyakap ko naman agad silang dalawa. "Mahal ko po kayo."

"Mahal ka din namin, lumaban ka para sa amin ha?" naluluhang sabi ni mama.

Tumango na lang ako.

Hindi ko kayang makita kayong umiyak dahil sa akin, kaya lalaban ako para sa inyo, sa mga kaibigan ko.





Kanina ko pa sinusubukan matulog kaso hindi ko magawa dahil binabagabag ako nung babaeng Frances na 'yon, tila ayaw niya akong patulugin at gusto niya lang pag isipin ako sa kanya.

You're crazy, Jaydee. Kakakita mo lang sa kanya iniisip mo na yung tao.

Inlove na ba ako?

Hindi! Bawal!

Napahilamos naman ako ng mukha ko at idinukdok ko ang mukha ko sa unan.

Maging dalagang pilipina ka naman Jaydee at wag ka maging marupok.

I know nothing about love, siguro nagagandahan lang ako sa kanya.

Tama, nagagandahan lang ako sa kanya.

But no, alam kong hindi lang 'yon.

You're doomed, Villaruel.

Unang SayawWhere stories live. Discover now