Chapter 9

165 38 3
                                    

Para akong tanga kakangiti simula ng makabalik ako dito sa kwarto ko.

Tinamaan na ba ako?

Ito ba yung sinasabi nilang love at first sight?

Bawal! For god sake, may sakit ako, may sakit din siya.

We're just both surviving in this cruel world.

Pero oo nga pala, i just know na may sakit siya pero hindi ko alam kung ano.

I'll ask her if i'll see her again.

Nabulabog naman ako ng may marinig akong malakas na kalabog ng pintuan.

Nakita ko naman ang patakbo na si Daryll papunta sa akin, pagkalapit niya sa akin agad niya akong dinambahan.

Napadaing naman ako sa sakit, agad naman siyang umalis sa ibabaw ko.

Nagulat naman ako ng pinapaypayan na ako ni Daryll at binigyan ng tubig.

Imbis na magalit sa kanya napatawa naman ako ng mahina kasi ilang ulit na siya nagsign of the cross.

Lumapit naman si Ate Abby sa kanya at bahagya siyang tinulak, hinawakan naman agad ni Ate Abby ang kamay niya baka sakaling matumba siya.

Tumingin naman si Daryll kay Ate Abby bago ito tumingin sa akin. Niyakap naman ako nito agad.

"Akala ko mamamatay ka na, hindi ko kasi kanina naramdaman yung paghinga mo." naiiyak niyang sabi sa akin.

Tumawa naman kami sa sinabi niya.

Tumikhim si Cole at tumingin naman kami sa kanya. "Mga ate kumain na tayo, nagugutom na ako. Itong si Daryll kasi 'di kami nakakain kanina." humawak naman ito sa tiyan niya na tumunog.

"Bakit?" Laney asked.

"Eh tanungin ba naman niya kung may iba pang color ng ribbon sa Red Ribbon, mukhang mainit pa naman ulo ni ateng cashier 'di kami pinabili." pagsusumbong niya.

Natawa namin kami sa kalokohan ni Daryll, pag siya talaga ang nakukuryos sobrang nonsense.

"You'll be discharge tomorrow, right?" pagtatanong ni Ate Sela at isinubo ang kinakain niya.

Tumango naman ako sa kanya.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon, mamayang gabi pa bibisita sila ni mama at papa dahil abala sila sa pamamahala ng negosyo namin.

"Kami na susundo sa'yo, i'm sure tito and tita is busy din. Don't worry uuwi naman agad kami para makapagpahinga ka ng maayos." Ate Abby said.

Bigla ko naman naalala na i made a pinky promise with Frances that i'll wait for her on that spot.

Knowing mama and papa hindi nila ako papayagan lalo na at kakagaling ko lang sa medication.

You're stupid, Jaydee.

Iisipin niyang sinungaling ako.

Bahala na bukas basta i'll do everything para makapunta sa spot na 'yon.

"Eat nutritious food, avoid being with people who is sick and immediately go to the hospital if may naramdaman ka, okay?" paalala ng doctor ko sa akin.

Tumango naman ako

Nadischarge na ako ngayon at ang mga kaibigan ko nga talaga ang sumundo sa akin.

"Ingat, Ms. Villaruel. Please note the things i told you." he reminded again.

"Yes po, thank you." bahagya naman akong yumuko at ibinalik ang tingin ko sa kanya.

Bahagyang ngumiti lang siya sa akin at umalis na.

"Tara?" pag aaya ni Ate Sela at kinuha mga gamit ko.

Kukunin ko na sana sa kanya pero bigla niya itong inilayo, hindi ko na ipinilit na kunin kasi alam kong 'di niya ibibigay sa akin 'yon.

Lumabas na kami ng kwarto ko at palakad na kami papunta sa sasakyan kung saan nag aantay ang iba sa amin. Hindi na sila pinasama ni Ate Sela na pumasok dahil tiyak niya na mag iingay lang sila at matagalan kami sa loob.

"Ang tagal niyo, ang init-init." pagre-reklamo ni Ate Abby sabay paypay ng sarili niya gamit ang kamay niya.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Ate Sela at itinapon kay Ate Abby ang bag ko.

Pumasok na si Ate Sela sa sasakyan. "Jaydee, pasok na."

Papasok na sana ako ng biglang bumulong si Ate Abby tama lang para marinig ko. "Mood swings."

Natawa naman kami ng mahina at tuluyan ng pumasok sa sasakyan.

Unang SayawWhere stories live. Discover now