"I will still love you even you have flaws, you're perfectly imperfect for me like a tarnished paper"
[:]River's POV[:]
"River! Kailangan mo pa ba talagang yumakap?!" paglaban niya sa akin na akala mo ay paiyak na "kuya River naman eh!!!!" pag angal niya.
"Wag mo akong tawaging kuya. Matulog ka na diyan"
Kung kagabi ay tuwang-tuwa ako sa pagkahiya sa akin ni Trice kagabi ay siyang ngayong pagkahiya ko nang magising ako.
Pagka-aga-aga ay bumungad sa akin ang mainit na katawan ni Trice sa akin. Mas mahimbing pa ang tulog kaysa sa akin. Nagkabaliktad na kami ng pwesto, siya na ngayon ang nakayakap sa akin, nakapatong pa ang binti sa katawan ko.
Ang ulo ko ay nakapatong sa braso niya at nakasandal sa dibdib niya habang ang ulo niya ay malapit sa tuktok ng ulo ko. Ang higpit nang pagkayakap niya, para bang ayaw niya na akong bitawan.
Ang init ng hininga niya ay marahang dumadampi sa aking ulo na dahilan ng paglabas ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko.
This is getting bad. Inupo ko ang sarili ko at dumausdos ang kamay niya papunta sa lugar na hindi niya dapat mahawakan.
Nanlaki ang mga mata ko at buti nalang naging maagap akong alisin ang kamay niya sa akin. Inalis ko rin ang binti niyang nakapatong sa katawan ko.
Umalis na ako sa kama at hinayaan siyang matulog na muna doon, kailangan ko na mag-asikaso ng sarili ko.
Agad akong lumabas ng bahay at kinuha ang twalyang nakasampay sa sampayan.
Pagpasok ko ay nakita ko na natutulog parin ng mahimbing si Trice, mas cute pala siya pag tulog.
Pumasok na ako ng banyo at naligo na. Pagkatapos na pagkatapos ko ay lumabas na ako ng banyo, ang twalya ay nakapalibot sa baywang ko.
Si Trice? Masarap pa rin ang tulog. Ayoko siyang gisingin kasi ang cute cute niya talaga habang natutulog.
Napangiti ako sa saril ko. Binuksan ko ang closet ko at kumuha na ng damit na isusuot ko para sa araw na iyon, faded pants at Khaki na plain shirt.
Habang naglalagay ako ng deodorant ay naalala ko nanaman ang amoy ni Trice. Ngayon, hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko.
Imposibleng sobrang bango niya talaga, lalo na kagabi...
"Kelangan ba talaga nakayakap ka?!" pag-angal ni Trice sa akin.
Napasinghap nalang ako dahil pumapatol parin siya, ano bang masama sa yakap? Nang pagsinghap ko ay saktong nakatutok ang ilong ko sa balikat niya, at wala akong naamoy na hindi kaaya-aya, bakit ba sobrang bango niya?!
"Tumahimik ka na diyan Trice, matulog ka nalang" pagturan ko.
"River naman..." pagbulong niya. Tumigil na siya sa pag-palag at kinuha ang unan sa tabi niya at niyakap iyon, siguro mas gusto niyang siya ang nakayakap.
Napailing nalang ako habang iniisip ang scenario na yon kagabi. Nakaboxer shorts palang ako pero suot-suot ko na ang khaki na T-shirt.
I open my fridge and browse its contents. Ano kaya ang kinakain nito tuwing almusal?
Bakit ko kailangan isipin ang kakainin niya sa almusal? Ugh! I hate that Tren is getting through me!
Isinara ko dahan-dahan ang ref pagkakuha ko ng karton ng gatas at ng dalawang itlog. Kumuha ako ng isang latang cornbeef sa cabinet.
Kumuha na ako ng maraming sibuyas sa lagayan ng mga gulay ko. Ch-in-op-chop ko ang mga iyon.
Nagsalang na ako ng kawali, I preferred the non-stick one, at niluto na ang almusal, cornbeef with egg.
Para mas masarap ang kain ay sinangag ko na ang bahaw na kanin at nagsalang na ako ng panibagong kanin para kung sakali mang magutom itong alaga ko, mehehehe, masaya rin palang ituring na alaga si Trice eh.
Pagkatapos ko magluto ay tinignan ko uli si Trice at syempre, tulog na tulog na tulog pa rin ito. Parang kahoy kung matulog ay!
I serve the food for myself. Umupo na muna ako sa gaming chair ko at binuksan ang laptop ko. Mag-u-update muna ako bago ako pumasok sa trabaho.
While my right hand is feeding me, my left hand is typing on the keyboard. After an hour, nakapag-sulat ako ng more than a thousand words, enough na siguro yan sa ngayon, mamaya nalang uli ako mag-dadagdag.
Idinala ko na ang mga pinagkainan ko sa lababo at hinugasan iyon. Tiningnan ko ang niluluto kong kanin at sakto ay luto na ito.
Pumasok uli ako sa CR para mag-toothbrush at maghilamos ng mukha.
Lumabas na ako ng CR at kinuha na ang backpack ko bago ko kinuha ang cellphone ko at susi ng motor.
Napatingin uli ako kay Trice, wala man lang bakas na malapit na siyang magising.
Napabuntong hininga nalang ako, hahayaan ko na muna siya magpahinga, siguro hindi siya nakatulog agad kagabi.
Nang papalabas na ako ay nakasalubong ko naman sina Tren at Renz na papasok ng bahay ko.
Napatingin naman ako sa kanilang may pagtataka "Oh? Bakit kayo nandito?" pagtataka kong tanong sa kanila.
Tumingin sila sa loob at nagpakita ang mukha nila ng pagkabigla "Ooooooh, River! Magkatabi kayong natulog?" tanong sa akin ni Tren.
Inirapan ko siya bago ko inekis ang braso ko "At ano naman kung magkatabi kaming natulog kagabi?" pagtatanong ko sa kanya.
Napatingin naman ito ng may malisyosong ngiti "Ikaw ha! Mukhang talagang dumadamoves ka na kay baby Trice ha!" panunukso nanaman niya.
Napabuntong hininga nalang uli ako "Alam mo Tren, kung mang-aasar ka lang, tumigil ka na lang, may trabaho pa ako ngayong araw" pagpapa-alam ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin "Yun na nga eh" pagsisimula niya "Magkakasama naman tayo sa trabaho kaya pwede ba kami makisabay ni Renz?" pagtatanong nito na may halong pagmamaka-awa.
Napatingin ako kay Renz na nginitian lang ako at mapakamot sa batok.
Sobrang tipid naman nitong si Tren, sa tutal hindi naman sila ganoon kabigat i-angkas.
Sumuko na ako, hindi nalang ako papalag sa kanilang dalawa "Oo na, sige na, i-aangkas ko na kayong dalawa" sabi ko saka tingin kay Tren "Pero buksan mo muna yung gate" pagsasabi ko sa kanya.
Pumunta siya sa gate kasabay ng pagsakay namin ni Renz sa motor ko. Inilabas ko ang motor ko at sinara ni Tren ang gate saka siya umangkas at nag-drive na ako papunta sa aming trabaho.
BINABASA MO ANG
Let Me Trespass, Mr. Writer(COMPLETED)
Short StorySimple lang ang pangarap ni River, ang magkaroon ng sarili niyang lugar na pwede niyang tirhan at punta puntahan na naganap agad dahil sa passion niya for writing. Suportado siya ng kanyang mga magulang ng siya ay bumukod sa napakamurang edad. Kahit...