Napabuntung hininga ako pagkalabas ko sa gusaling aking pinanggalingan. Pumasok akong may magandang ngiti ngunit heto ako ngayon, pinagsukluban ng langit. Ito na ang ikalimang kompanyang aking tinangkang pasukin, nagbabakasakaling makatanggap ako ng trabaho.
Hindi naman ako mapili, okay na ako sa kahit anong klaseng trabaho basta marangal. Kahit ang pagiging dyanitor ay aking hahamakin maitawid ko lang ang pamilya ko sa gutom. Ngunit sadyang mailap ang tadhana sa akin. Kahit pa paulit-ulit kong sabihin na masipag ako ay hindi iyon magiging sapat upang kuhanin nila ako bilang empleyado. Sa limang kompanyang aking inapply-an, pare-pareho sila ng dahilan sa hindi pagtanggap sa akin. Hindi daw ako college graduate kaya hindi ako kwalipikado. Mas importante ba ang natapos kesa sa determinasyon sa buhay? May mga iba nga diyan, nakapagtapos nga ngunit wala namang balak maghanap ng trabaho. Nagiging tambay lang.
"Siguradong papalayasin na ako ni Aling Rita sa inuupahan kong bahay niya. Nangako akong babayaran ko siya bukas ngunit wala pa akong nakukuhang trabaho hanggang ngayon. Isang daan na lang ang natitira sa pera ko."
Malungkot akong naglakad palayo sa huling gusaling aking inapply-an. Nakayuko akong naglalakad ng masulyapan ko ang isang gusali. Mas matayog ito kesa sa pinuntahan ko kanina. Paniguradong mayaman ang may-ari nito at magandang magpasweldo sa mga empleyado. Kahit siguro security guard ay libo libo ang sahod dito.
Napairap na lamang ako sa naisip. Paniguradong college graduate lahat ng nagtatrabaho diyan. Magpapatuloy na sana ako sa paglakad ng mapatingin ako sa pwesto ng security guard ng malaking gusaling iyon. Napukol ang aking tingin sa isang bond paper na may naka-print na JANITOR FOR HIRE. NO QUALIFICATIONS NEEDED. APPLY INSIDE.
Napalunok ako pagkatapos ay dahan dahang humakbang papalapit sa gusali. Tumingala ulit ako para pagmasdan ang gusali.
"Ackerman Industry" basa ko sa malalaking letra na naka-ukit sa pader ng gusali. Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakabigkas ko. Tunog banyaga ang pangalang ito.
"Ma'am, ano po sadya niyo dito?" Pagtawag ng pansin ng security guard sa akin.
"Uhhh... Mag-a-apply po sana ako bilang janitor." Sagot ko.
"Sa ganda niyo pong yan? Janitor? Parang di naman po kayo sanay sa dumi. Mukhang hindi po kayo matatanggap. Ayaw po ni CEO ng hindi marunong maglinis ng husto."
"Laki po ako sa hirap kaya alam ko pong halos lahat ng pwedeng trabaho. Madali lang ang paglilinis. Ang hindi madali ay kung walang makain ang pamilya mo."
"Sabagay tama po kayo Ma'am. Pasok po kayo. Sa second floor po ang HR Department. Gamitin niyo po elevator. Tsaka isuot niyo po itong pass slip para di kayo masita."
Tinanggap ko ang sinasabi niyang pass slip at ikwinintas ko ito bago nagsimulang pumanhik sa loob. Kamangha mangha ang loob nito. Napakaliwanag at napakalawak nito. May mga naglalakihang chandeliers sa kisame. Malamig din dito sa loob dahil sa air conditioner. Napakaraming empleyado at lahat sila ay mayroong uniform. Napaka-disente nilang tignan. Di tulad ko na nakasuot lang ng lumang puting bestida at doll shoes.
Hindi maalis ang titig ko sa paligid kung kaya't hindi ko nakita ang paparating. Nabigla nalang ako ng mapaupo ako sa sahig. Napahilot ako sa aking balakang ng maramdaman ang sakit ng aking pagbagsak. Dalawang pares ng paa ang aking nakita sa aking harapan bago ako tumingala para tignan kung sino ang aking nabangga.
Unti unti akong nag-angat ng tingin. Napasinghap ako ng makita kong sino ang aking nasa harapan. Napakadilim ng titig niya sa akin na para bang may nagawa akong isang malalim na kasalanan.
Ramdam ko ang titig ng mga tao sa akin. Ang iba ay nagbubulung bulungan.
"Lagot!" Rinig kong sabi ng isa.
"Levi, let it go." Dinig kong sabi ng kanyang katabi.
ATARAH ENRIQUEZ
LEVI ACKERMAN
~N E X T P A R T~
LEVI is pronounced as LIVAY.
Please do support my story by following my Wattpad Account💕
Pasensya na po sa Tagalog ko, hindi ako masyadong bihasa.
BINABASA MO ANG
Loving Levi Ackerman
RomanceWhat does it take to love Levi Ackerman? ~O N G O I N G~