Chapter Fifteen
Third Person's POV,
Sa isip ni Raindill ay nagtatanong sya kung sino ang taong darating. Akala nya ay si Alodia lang at sya ang mag-uusap.
Pinagmasdan nya si Alodia na prenteng nakaupo sa kanyang harapan. Seryoso parin ang mukha nito.
Lahat sila ay napatingin sa may pinto nang makarinig sila ng ilang beses na pagkatok. Hanggang sa bumukas ang pinto ay doon lamang sila nakatuon ang mga mata.
Gulat at di makapaniwalang napatayo mula sa pagkakaupo si Raindill ng makita ang tatlong batang nasa mga edad apat o limang taong gulang na sunod-sunod na pumasok.
Isang batang babae at dalawang batang lalaki.
And they're just look like him!
"Oh?" Reaksyon ng batang babae ng makita sya nito, natigil din ang dalawang batang lalaki at napatingin din sa kanya. May pagtatanong sa asul na mga mata ng mga ito.
Hindi maalis ang tingin sa mga tatlong batang dumating. Naguguluhan sya sa nangyayari.
Bakit kamukha nya ang mga ito? Why are they have the same blue eyes as him? And they're really look like him. Parang nakikita nya ang sarili sa mga ito noong bata pa sya. And the little girl, she looks like a mini replica of him.
Mabilis ang kabog ng kanyang dibdib.
"Ehem." Isang tikhim ang sumira sa mahabang katahimikan na namayani sa buong private room. Si Alodia ang unang nag-salita.
"Don't you want to greet your daddy?"
Nagugulat na napalingon si Raindill kay Alodia ng marinig nya ang sinabi nito. Ngunit agad ring nalipat ang tingin nya sa isang batang lalaki na patakbong tinungo sya nito at niyakap.
"Daddy!" Ang lahat ng emosyon na nararamdaman ni Raindill ay naipon at isa-isa nang nagsilabasan.
Tuwa, lungkot at pananabik.
"Y-you're our....f-father?" Boses iyon ng nag-iisang babae sa tatlong bata.
'Oh god. They're mine?'
"N-nagka-anak tayo bago ka umalis?" Wala sa sariling naitanong nya.
Ang kanyang atensyon ay nasa tatlong batang ito na kamukhang kamukha nya.
***
Hindi maiwasang mapaluha si Raindill dahil sa tuwa habang yakap-yakap nya sa kanyang mga bisig ang triplets nyang mga anak.
"Oh god. I love you" sambit nya at isa-isang hinalikan sa tuktok ng mga ulo nila ang tatlong anak nya.
Noon, akala nya wala ng sasaya pa nang malaman nyang buntis si Cherry sa magiging anak nya. Pero ang kasiyahang iyon ay mabilis na nawala dahil na-realize nya noon ang naging pagkakamali nya, na maling hiniwalayan nya si Alodia noon dahil mahal na mahal nya parin pala ito. Pero kahit ganoon ay masaya parin sya dahil sa anghel na darating sa buhay nya pero nawala rin ang sayang iyon na naranasan nya dahil nakunan si Cherry, dalawang buwan mula noong mabalitaan nyang umalis si Alodia ng bansa.
Pero ngayon. Sobra-sobrang saya ang nararamdmman ni Raindill habang yakap-yakap nya ang mga anak nya na akala nya ay hindi na sya magkakaroon pa. Hindi parin sya makapaniwala na nag-bunga parin ang pagsasama nila noon ni Alodia kahit na sinira nya pa ito. And thanks to God, because He just gave him this three little angels.
Napatingin sya kay Alodia na prente lamang na nakaupo. Tanging sya, si Alodia at ang mga bata na lamang ang natira sa loob ng private room.
Tahimik lamang ito habang nakamasid sa mga anak nila.
Later. He will talk to her later. Kakausapin nya ito kung bakit ngayon lamang nito ipinaalam sa kanya ang tungkol sa mga bata. Kung bakit hindi palang noon pa ay sinabi na nito na buntis ito sa magiging anak nilang dalawa, para hindi na sana umabot sa puntong nag-divorce pa sila dahil lang sa nakabuntis sya ng ibang babae.
But, whatever Alodia's reason or what she'll say. Tatanggapin nya na lamang nya iyon dahil sya ang nagka-mali, at hindi ito. Kung hindi nya nasaktan noon si Alodia dahil sa ginawa nya ay hindi nito ililihim at itatago sa kanya ang mga anak nila.
Steffa's POV, (Melovera's Secretary)
Di talaga ako makapaniwala. Anak ni Mr. Raindill Prim ang triplets? Paano?
Paanong sya ang naging ama ng triplets ni Ms. Vera? Kaya ba noong nakita kong kausap ni Ms. Vera si Mr. Raindill Prim sa garden kagabi doon sa Charity Party, ay ganoon na lamang ang tinginan nilang dalawa?
Natigil ako sa pag-iisip tungkol sa mga nalaman at nasaksihan ko kanina sa private room nung may isang lalaking tumabi sa akin.
Walang iba kundi ang mayabang at feeling gwapo na sekretarya ni Mr. Raindill Prim na si Ramir.
Tss. Biniyayaan ng magandang pangalan pero di naman nabiyayaan sa itsura.
"Lumayo ka nga sa akin" inis na sabi ko. Ayoko talagang may lumalapit na kung sino sa akin na hindi ko ka-close, lalo na kung mga lalaki.
"Sus, nahiya ka pa e alam ko namang gustong-gusto mong lumalapit ako sayo"
Ang yabang talaga ng lalaking to! Ano tingin nya sa sarili nya? Na sa sobrang gwapo nya ay gusto kong lumalapit sya sa akin? Asa sya!
"Ha ha ha, nakakatawa" naka-irap kong sabi.
Hindi ko sya tinignan bagkus ay sa nakasaradong pinto ng private room kung nasaan sina Ms. Vera nakatuon ang mga mata ko.Rinig ko ang matunog nitong pag-ngisi.
Namayani ang mahabang katahimikan. Hanggang sa binasag nya iyon nang muli syang magsalita.
"Alam mo ba?" Tanong nya.
"Malamang hindi. Sabihin mo na kaya para malaman ko" masungit kong sabi.
"Ang sungit mo naman"
"Tsk"
I heard him sighed.
"Ang boss mo ay ex-wife ng boss ko"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Di makapaniwalang napalingon ako sa kanya.
Sa tatlong taon kong pagta-trabaho kay Ms. Vera simula noong matayo ang Moon Crown ay never kong nalaman ang tunay nyang pagkatao. Ang tanging alam ko lamang ay sya ang Chairman ng Moon Crown, at isa syang Prinsesa na may triplets na anak.
Pero ang pagiging Prinsesa nya ay isang sekreto lamang na di pwedeng malaman ng iba. Tanging ako lang ang nakaka-alam noon dahil isa ako sa pinagkakatiwalaan ni Ms. Vera. Dahil ang aking ama ay naging royal guard nya noon at ang aking ina naman ay naging personal yaya nya noong bata pa lamang sya.
'Hindi kaya, dalawang taon din syang nawala noon dahil nakapangasawa sya rito at si Mr. Raindill Prim iyon?'
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Highness (Incomplete Story)
LosowePaano kung bumalik ang taong matagal mo ng kinalimutan at ngayon ay naghahabol sayo dahil gusto nyang magkabalikan kayo? Pero kahit anong gawin mo para iwasan sya ay kusa namang kumikilos ang tadhana para sila'y muling pag-isahin. Hahayaan mo nalang...