Chapter 2

0 2 0
                                    


Third Person P.O.V

Habang natatanaw nya na ang sasakyan ng mga Hermanas di nya mapigilang magalit dahil ilang taon na ang utang ni Fredo ang tatay ng Magkakapatid sa kanilang pamilya sapagkat may kompanya naman ito ng Taxi eh hindi pa mabayad bayaran.

Nagsipasok na ang anak ni Fredo maliban lang sa panganay nyang anak.

"Ang laki nga pala ng bahay nyo bigatin kana talaga ha ha ha, mukhang may pang bayad ka na ng utang mo" sakrastiko nitong sabi

"Pakiusap wag dito sa bahay ko, magbabayad naman ako sadyang Madami lang kailangang pagkagastusan" nagmama kaawa nitong sabi

Nagtiim naman ang baga nya sa narinig lagi nalang ganyan ang sagot nya tuwing magkikita sila.

"Daddy sino po yan?"

Arya P.O.V

"Daddy sino po yan?" Tanong ko kay Dad kasi mukhang masama ang tingin sa kanya nung lalaking kausap nya.

Napalingon naman sakin si Daddy at halatang nagulat sa presensya ko.

"Auh fay kaibigan ko lang to" sagot ni Daddy sabay tingin sa lalaki.

Kaibigan? Parang ala naman akong natatandaan na kaibigan nya na ganyan ang mukha at ganyan ang treatment sa kanya.

"Eh dad ala naman ako natatandaan na kaibigan nyo na ganyan eh" natatakang tanong ko.

Pero nanlaki ang mga mata ko dahil sa biglang hawiin nung lalaki yung suot nyang coat at lumantad ang baril nya na nakasuksok sa tagiliran nya , sabay tingin sakin ng masama. Gosh sino na tong kausap ng Daddy ko baka mamaya mapaano pa sya.

"Pero Daddy sure ka bang ayus lang ikaw dyan? Tara na baka iniintay na tayu nila sa loob?" Nag aalalang taming ko.

Tinignan ako ni Daddy at bumuntong hininga.

"O‐o naman anak ayus lang ako dito sige na pumasok kana at may pag uusapan lang kaming importante" pilit na ngiting sagot ni dad.

Hayst mukhang ala akong magagawa dito.

"Sge po papasok na ko sunod nalang po Kayu wah" sagot ko

Kahit nag aalala sinunod ko nalang si dad pero di ko parin maiwasan mag alala.

Third Person P.O.V

Tinanaw nyang makapasok ang panganay ni Fredo at saka muling binalingan ng tingin.

"Ganda rin para ng panganay mo ha akala ko yung bunso lang." pilyong sabi nya, hindi rin talaga maipag kakaila ang ganda ng panganay ni Fredo na si Arya lalo na sa suot nito napaka ganda ng hubog ng katawan at Maputi pero mas maganda ang bunso nitong anak na si Everleigh na mala dyosa.

Gulat na napatingin naman sa kanya si Fredo.

"Wag na wag mong gagalawin ang mga anak ko mag babayad naman ako eh kulang pa nga lang" nag mamakaawa nitong sambit.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Fredo na kahit anong bagay eh naipapatrabaho at naipaliligpit nito.

"Ha ha ha easy kalang di pa naman ngayun, pero sa oras na di ka makabayad sa loob ng 2 lingo mag paalam kana sa mga anak mo ha ha ha" sakrastiko nitong sambit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Three Hermanas Where stories live. Discover now