First Half

391 22 20
                                    

Cyra's P.O.V:

Cyra Smith at your service! 16 1/2 years old and 1st year college student. Kasalukuyan kong kasama si Eun Ji, my best friend, sa garden. Kumakain kami ng lunch.

"Tulala ka? Nag paplano ka na ba ulit kung paano umamin kay Calix?" ask niya.

Umiling nalang ako at kinagatan yung pagkain ko. Limang beses na kasi ako umamin kay Calix na gusto ko siya. Well di ako exactly umamin na gusto ko siya. Gumamit ako ng different ways.

Si Calix kasi iyong soon-to-be boyfriend ko, echos lang. Gwapo siya at super kulit na mabait. Magbest friend kami, pero dahil iba ang course na pinili namin, di kami masyadong nakakapag usap.

Ayaw ko maging torpe kasi malay niyo, may gusto pala siya sa akin tapos parehas namin ayaw sabihin, sayang naman diba?

Yung 1st try kong umamin sa kanya ay sa pamamagitan ng pag-gamit ng ibang language. Kaso nag mukha akong tanga kasi pinagtawanan ako ng loko. Aba, ayaw ko naman lumapit sa kanya at sabihing 'I love you' sa tapat ng maraming tao kaya ang sinabi ko ay 'Sarang hae'. Akala ko kasi maiintindihan niya. At least kung bubustedin niya ako, konting tao lang makaka-alam na sinabihan ko siyang 'I love you'. Sa may garden kasi ako sa kanya nag tapat. Naka-upo kami no'n sa bench. Nag-ayos pa ako ng buhok at nag pulbos para sa kanya, which is once in a year lang mangyari or kung may occasion.

Minsan lang ako magpulbos kasi maputi na naman ako. At sa buhok ko naman, kahit nakalugay lang okay na. Ang nakaka-asar, palpak na nga, napagtawanan pa.

Yung 2nd naman ay yung sinulatan ko siya ng letter using my pink magic pen.

If you don't know what magic pen is, (isearch niyo sa google. JK.) iyon yung nabibili sa labas ng tindahan ng elementary or high school na tig-sampu or labing limang piso. Iyon yung kailangan mo pang ilawan para makita mo yung nakasulat.

At dahil alam kong mayroon siyang magic pen dahil nakita ko siya na may hawak-hawak na isa, ay sinulatan ko siya ng love letter. Nilagyan ko pa ng initials ko sa dulo ng letter. Sinulatan ko yung papel nang arrow para alam niya kung saan hahanapin yung sulat. Hinulog ko yung letter sa locker niya nung umaga ng day na iyon.

Chineck ko kung tinignan niya ba iyong letter ko nung uwian. Nakita ko na hawak-hawak niya yung papel na sinulatan ko. Biglang nagsidatingan iyong mga katropa niya at nangulit. Inagaw ni Sehun yung papel kay Calix at binigay kay Kai para icheck kung may sulat ba. At dahil walang sulat na nakita yung ibang katropa niya na sina Luhan, Tao, Lay, Chanyeol at D.O., itinapon ni Chen iyong papel sa trash can.

Bwisit na Chen na yun', pumalpak tuloy iyong plano ko. Umalis nalang ako, bago ako tuluyan maka-alis, nakita ko na sinasaway ni Kris at Xiumin sila Chen. Buti nga. Pero di ko alam kung bakit naka-ngiti sina Sehun at parang nag pipigil sila ng tumawa.

Nakausap ko si Na Eun kinagabihan. Nanghingi ako ng opinion niya, ang sabi niya ay subukan ko daw aminin through phone.

No way! NEVER! Kahit na anong mangyari, never kong gagawin iyon. Parang ewan naman ako kung tatawagan ko siya tas sasabihin kong 'Gusto kita'.

Hindi naman sa takot ako na maging awkward kapag nagbreak kami ni Calix. Sabi nga ni Hayoung, "Hindi pa nga kayo, iniisip mo na agad kung anong mangyayari pag nagbreak kayo."

May hiya pa din ako no. Dalagang pilipina pa din ako. Kumukuha lang ako ng lakas na loob sa sinabi ni ate Chorong. "You only live once. Wag mong sayangin oras mo dito. Mamatay ka din sa tamang panahon, bago dumating ang panahon na iyon dapat masaya ka na. Dapat wala kang pinagsisisihan at kung ano pa man."

5 Days of ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon