Cyra's P.O.V.
"Eun Ji?" mahinang bulong ko pagka pasok ko sa mini theatre.
Nagulat ako kasi ang daming tao sa loob. Nakita ko si Eun Ji na papalapit sa akin at hinila ako sa medyo gitna sa 2nd row. Umupo nalang ako sa upuan kasi mukhang may mag peperform, istorbo pa ako sa mga manonood.
So ang katabi ko sa kaliwa ay si Eun Ji at sa kanan naman ay si Hayoung. Sa likod ko ay si Namjoo at ang katabi niya ay sina ate Chorong, Na eun at Yookyung.
"Anong meron? Bat mo ko..." di ko natapos sasabihin ko kasi tinakpan ni Eun Ji yung bibig ko.
"Alam namin na malungkot ka kasi nga... dahil kay Calix. So napag desisyunan namin nila Na eun na pumunta dito kasi may mag peperform ng comedy. Narinig kasi namin na may girlfriend na daw si Calix. Huwag mo ng isipin iyon at isipin mo nalang na pangtanggal stress ito. Have fun nalang." sabi ni ate Chorong.
May konting ilaw dito sa side namin so alam kong naka-smile siya. I'm sad but at the same time I feel blessed to have them.
"Dala mo ba iyong papel? " tanong ni Na Eun.
I'm sure yung papel na tinutukoy niya ay yung papel na nalaglag sa locker. Kinuha ko sa bulsa ko yung nakatiklop na papel at pinakita sa kanya.
"Buti nalang. Hawakan mo lang iyan. Huwag ka na magsalita mag uumpisa na yung show." sabi niya.
Maya-maya nag ka ilaw sa stage at lumbas sina Calix kasama tropa niya. May mic na nakaipit sa polo niya, ganun din sa mga tropa niya.
Napatingin ako kina ate Chorong pero di nila ako tinitignan. Paano ako mag ha-have fun nandito yung tao na dahilan kung bakit ako nasasaktan. Yumuko nalang ako at iniwasan ang pagtingin sa stage.
"Hello po sa inyong lahat. Calix Park nga po pala."
Pinigilan kong wag tumingin kaso, na-curious ako so tumingala ako. Nakita ko siyang nakangiti at kinakamot ang batok niya.
"Gusto ko po sanang mag tapat sa isang babae. Pinag-isipan ko po nang maigi kung paano mag tapat sa kanya. Kaso wala akong maisip. Lagi kasi akong kinakabahan at natotorpe pag nakikita ko siya." sabi niya at biglang may nagplay ng romantic sound.
Parang may hinahanap siya sa mga upuan at biglang napatingin sa way ko. Bigla siyang ngumiti at yumuko. Ayokong mag-assume na ako iyon so lumingon ako sa likod. Imposible na yung lalaki sa harapan ang tinitignan niya kaya sa likod ako tumingin.
Nakita ko si Namjoo nakaupo sa likod ko at parang kinikilig. Nakita niya siguro na nakatingin ako kaya kinawayan niya ako.
Binalik ko paningin ko sa stage nung mag salita si Calix.
"Maraming salamat, Namjoo. Maraming salamat sa time mo. Sa pagtulong sa akin at sa pag share ng secrets mo." sabi ni Calix na ikinagulat ko.
Si Namjoo pala ang dahilan kung bakit hindi napapansin ni Calix ang pagtingin ko sa kanya. Napakuyom yung kamao ko at pinipigilan kong maluha. Biglang hinawakan ni Hayoung yung kamay ko. Napayuko nalang ako. Matatangap ko pa kung ibang babae, pero kung si Namjoo ang kaagaw ko sa lalaking mahal ko, sa tingin ko ay mababaliw ako.
May narinig akong footsteps pababa sa stage, biglang nagsigawan yung mga tao. Huminto yung footsteps at biglang namatay yung ilaw sa stage.
Biglang may humawak sa kamay ko at nagbukas ang mga ilaw. Tinignan ko kung sino yung humawak sa kamay ko. Pagka-tingala ko nakita ko si Calix sa harapan ko. Biglang tumugtog yung favorite song ko.
(Pretty Boy- M2M)
Namatay yung ibang ilaw at tanging spotlight nalang iyong na ka-on na nakatutok sa amin.