Ang Pagbukas ng Bag

7.8K 30 13
                                    

(Para sa 2nd issue ng aming Quickie Zine na may temang "Dahil 'Di Na Ako Bata.")

Ang Pagbukas ng Bag

ni Chenley Cabaluna

 

Mabuhok. Maitim. Malaki. Bilog na bilog.

Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na bigla na lang dutdutin ng hawak kong correction fluid ang nunal mong nagsusumigaw. Muntik na matakpan ang kaliwang pisngi mo. At ako--parang ‘di na ‘ata masasanay sa OA sa laki mong nunal kahit na matagal na tayong seatmates.

Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko towards sa malaki mong nunal. Minsan iniisip kong buhay ito—nag-e-evolve. Parang Pokemon.Minsan iniisip ko parang kadiri. Bakit may malaki kang dumi sa mukha? Pero overall, na-a-amaze ako sa nunal mo. Pero, oops. Hindi ko pwede sabihin sa’yo yun. Akin lang ‘yun.

Parang yung pagkakaroon ko ng crush sa’yo. Akin lang ‘yun. ‘Di ko masabi sa’yo. Di ko rin masabi sa mga classmates natin kase malamang pagtatawanan nila ako. Yuck! Bakit crush mo ‘yang may malaking connect the dots sa mukha?! Naririnig ko na ang mga pangangantiyaw ng mga classmates natin sa’kin just in case malaman nilang may gusto ako sa’yo.

Paano kase isa ka sa most bullied dito sa loob ng classroom. Hindi lang ‘yung nunal mo ang naipapam-bully sa’yo kundi pati na ang lawlaw mong medyas. Ang matingkad mong yellow bag na marumi na kase sa sahig mo nilalapag. Walang ibang nakakahawak ng bag mo na ‘yun, tanging ikaw lang.

Buti nga akala mo si Carl ang crush ko. ‘Yung 3rd honor natin since Grade 1. Eh paano ba naman default crush iyon ng mga babae sa classroom natin kase gwapo na, matalino pa. Kaya akala mo, iyon na rin ang crush ko.

At dahil sa takot kong malaman mo na gusto kita, sumang-ayon na lang ako sa’yo.

“Nakikinig ka ba sa kinukwento ko? Kanina ka pa tulala! Ayoko na nga!” Iritable mong sabi sa’kin ng mapansin mong malayo ang tingin ko--lagpas hanggang blackboard. Tapos kinakalikot ko pa ‘yung correction fluid. Kasalukuyang nagsusulat ang teacher natin ng lecture at obligado tayong kumopya. Tahimik ang buong klase. Busy sa pagkopya. Tayo lang dalawa ang gumagawa ng konting ingay. Nagtanggal ka ng sapatos. Ipinatong mo ang paa mong walang sapatos sa iyong yellow bag.

Lagi naman tayong ganito, eh. Since Grade 4 nu’ng una kitang maging seatmate, lagi na tayong hindi nakakatapos kumopya ng lecture ni Ma’am sa notebook. Pa’no kase, imbis na kumopya, nagdadaldalan tayo ng cartoons, ng anime. Nalaman ko nuon na parehas tayo ng taste sa TV shows—at duon na nagsimula ang paggamit natin ng oras ni Ma’am bilang daldalan time natin.

Ngayong Grade 6 na tayo, hindi pa rin iyon nagbago.Feeling natin matured na tayo this time pero asa. Ang lakas pa rin natin magdaldalan to the point na parehas na walang laman ang ating mga notebook after ng isang subject period. Pero who cares. Enjoy na enjoy tayo sa pagkukwentuhan ng mga anime—like this one na pinagkukwentuhan natin ngayon—Sailormoon. Yun nga lang sorry, lumipad ang utak ko somewhere ng magsimula kang mag-rant tungkol kay Sailor Venus on how awesome she is.

Hindi ko na matandaan kung kailan nagsimula ang paglipad ng isip ko sa tuwing kinakausap mo ako—importanteng bagay man o random. Dati masaya lang akong nakikipagkwentuhan sa’yo, pero nu’ng nag-start ang 2nd Grading period, nagbago na lahat. Hindi ko alam if naaalala mo pa yung pangyayaring iyon, pero ako, kahit pag-uwi ko sa bahay, kahit gumagawa ng assignments or projects, iyon na lang palagi ang iniisip ko.

Quickie: Para Sa Mga Nagmamadali At Walang PinipiliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon