(NOTE: Unedited po ito. Hindi ko alam kung saan ko hahagilapin yung edited version. Nyahaha. Ge.)
Ang Pag-witness Ko Sa Pagbukas, Paggupit at Pagtahi ng Pepe
Noong Third year college ako ay nag-duty kami sa isang paanakan sa may Novaliches. Bilang student nurse kase, (which is I am that time) kailangan mong ma-expose sa iba’t ibang Health Care facility—at isa na rito ang mga paanakan o Maternity Clinic.
Akala ko dahil first time lang namin maro-rotate sa ganuong klaseng lugar, eh observe-observe lang kami, ganu’n. Tatanga mode lang. Hindi namin alam, eh kasali na kami sa mga aksyon na mangyayari sa paanakang iyon.
So pagdating namin du’n, pinagpalit kaagad kami ng scrub suit. (Color light brown yung scrub suit-- mukha kaming punong kahoy, my golly!) May stockings pa rin sa loob yung babae. Bale ipapatong lang yung pants na brown. Proteksyon daw kase iyon sa mga likidong uso na biglang bumubulwak out of nowhere. Knowing that—na-stress ako. Hala. Bakit may mga bumubulwak na something? Pero hindi ko na v-in-erbalize ang nasa isip ko nu’ng time na yun dahil naniniwala akong hindi pa kami isasabak sa pagpapaanak.
So ayun nga, buong umaga lang kami naka tanga/tambay. Bukod sa first day nga namin dito at baka mag-o-observe lang kami, eh walang naa-admit na manganganak. Ang ginawa ko just to kill time ay nag-review-review-han ng notes tungkol sa pagpapaanak at ang role ng nurse habang nangyayari iyon. Oh well. Medyo pa-bibo kid kase ako nu’ng student nurse pa’ko. Sorry naman. Pero itinigil ko rin ang pagpapanggap ko after 30 minutes dahil mas inisip ko nang naiinitan ako sa get up ko. Nagsisimula ng mangati ang legs ko dahil sa stockings sa loob na pinatungan lang ng brown na pants.
Tumingin ako sa wristwatch ko. Dalawang oras pa lang ang naku-consume namin sa duty na’to. Jusko. Six hours pa akong magtitiis sa suot ko. That time, w-in-ish ko na lang tuloy na sana meron na lang kaming ginagawang makabuluhan, imbis na nakatanga lang sa lounge at nag-iintay ng uwian.
At ang bilis ma-grant ng aking hiling. Grabe. Dahil after lunch, pumasok ang isang buntis sa clinic na F na F nang manganak.
At ang pag-a-assume namin na “observe-observe lang dahil first day” ay natuldukan nang biglang pumasok ang Clinical Instructor namin sa lounge at nagtawag ng mga magpapaanak. Biglang naging tensed ang paligid. OMG! Magpapaanak kami for the first time!
Ayon sa aming Clinical Instructor, tatlong student nurse ang kailangan sa loob ng Delivery room. Isa para sa Delivery. Siya yung sasalo ng ulo ng baby ‘pag lumabas na sa pepe ng mommy. Isa para sa Assist-- siya yung taga-announce ng time kung kailan baby out na, taga-monitor ng vital signs, basta taga-record at monitor ng lahat ng anik-anik at lastly Cord care -- taga linis nu’ng baby at nu’ng umbilical cord-- basta sa baby lang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/25987604-288-k172886.jpg)
BINABASA MO ANG
Quickie: Para Sa Mga Nagmamadali At Walang Pinipili
De TodoUnang Zine ng The Erotics: The Eros Atalia Fiction Writing Workshop Fellows. :)