PAUNANG KABANATA

5 3 2
                                    

Paunang Kabanata (Prologue)

"Kabaliwan! Hindi mo kilala ang pamilya nila, Marisol!" Sigaw ni Cabeza Constansia, sa isang binibining puro hagulgol na lamang ang lumalabas sa kanyang mga labi. Ang nakaka bighaning mukha nito ay basang basa ng mga luha.

Pilit naman pinapakalma ng kanyang panganay na anak ang kanyang ama, na humihirindi sa sobrang pagka-yamot sa nasaksihan kani-kanina lamang.

"Marisol, pumasok ka na sa iyong silid." Utos ng kanyang nakakatandang kapatid, inalalayan naman siya ng kanilang mga taga-silbi sa tahanan na tumayo at umakyat papunta sa kanyang silid.

Pagka-pasok na pagka-pasok niya sa kanyang silid ay ibinuhos niya ang mga luha na parang tubig ulan, di maubos-ubos.

Halos hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari, kani kanina, bawat danak ng dugo at bawat luhang pumapatak sa mga mata ng mga inosenteng tao ang pa ulit-ulit na rumirehistro sa kanyang utak.

Pero mas lalong tumindi ang pag buhos ng kanyang mapapait na luha ng masaksihan ang walang awang pananakit sa kanyang irog.

"Hindi ko mawari, kung bakit sa dinami-dami nang maaari mong ibigin. Bakit sa binata pang iyon?" Naguguluhang tanong ng kanyang nakakabatang kapatid, na ikina tigil nito sa kaka iyak ng maaalala niya ang unang pag kikita nila ng kanyang iniirog.

"Hindi ko rin malaman laman kung saan nag simula ang lahat, nagising nalang ako na alam kong mahal ko na siya." Naluluha niya pang ani sakanyang nakakabatang kapatid na nakatitig lamang sakanya. "Pero di ko akalain na magiging ganito ang wakas naming dalawa."

Kahit anong pagsamo ng dilag ay hindi na maibabalik ang nakaraan, kahit ilang ulit pa siyang manalangin ay hinding hindi mag-iiba ang takbo ng mundo.

Tanging pagsamo na lamang ang kanyang kayang gawin, dahil paulit-ulit lamang kokontra ang tadhana sa pag-iibigan nilang animo'y makasalanan.

Pagsamo
10.29.21

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pagsamo | 18th Century NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon