-------------------------------------
---------------------------
Chapter 1Suddenly i became
a Father!?
---------------------------
--------------------------------------TUNOG nang mga papel at pagtipa sa laptop lamang ang maririnig sa buong opisina. Abala at naka pokus lamang si Cecilion sa kaniyang ginagawa at walang inaaksayang oras. May appointment pa itong dadaluhan kaya ang iba pa nitong gawain ay tinatapos na niya.
Tatlong katok ang nagmula sa labas ng pinto ng kaniyang opisina. Pagkatapos nang katok na iyon ay bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaniyang sekretarya na papalapit sakaniya ngunit hindi niya ito tinapunan ng tingin.
Hindi na hinintay pang magsalita ang kaniyang amo at ginawa na lamang ang parati niyang ginagawa.
"Sir, it's three o'clock in the afternoon. Sir Lopez is waiting for you at the restaurant where you will meet. " Ani kaniyang Sekretarya.
Tumango lamang si Cecilion bilang tugon na abala parin sa kaniyang ginagawa. Tumungo muna ang sekretarya saka ito tumalikod paalis ng opisina. Pagkaalis ng kaniyang sekretarya ay tapos na siya sa kaniyang ginagawa at tumayo na ito sakaniyang kinauupuan at kinuha sa likod nito ang nakasampay niyang blazer sa likod ng kaniyang upuan at saka niya ito isinuot.
Kinuha nito ang kaniyang cellphone na nakalapag sakaniyang mesa saka ito lumabas ng opisina.
Nang makalabas siya ay agad na tumayo ang kaniyang sekretarya saka siya yumuko bilang pagbigay galang at bati. Hindi iyon pinansin ni Cecilion at dere-deretso itong pumuntang elevator.
Nang makababa ito sa ground floor ay seryoso at taas-noo itong naglalakad palabas ng elevator at ang mga empleyado niyang bumungad sakaniya ay kaagad siyang binati ngunit ni hindi man lang niya ito binigyang pansin, at dumeretso na lamang sa parking lot ng kaniyang building at sumakay na sakaniyang sasakyan.
LABING-limang minuto ang nakalipas ay nakarating na siya sa lugar na pagkikitaan niya ng kaniyang kliyente. Ipinarke muna niya ang kaniyang sasakyan bago ito lumabas atsaka pumasok sa loob ng restaurant.
Nilapitan siya ng isang crew saka niya sinabi ang kaniyang pangalan, at iginiya siya nito sa mesa na inukupahan nito para sakanila ng kaniyang kliyente saka siya umupo.
Kinuha nito ang kaniyang cellphone sakaniyang bulsa atsaka tiningnan ang oras.
3:18 pm...
Bumuntong-hininga si Cecilion sa saglit na napapikit.
"I arrived earlier than I expected." Anang sabi nito sakaniyang sarili. Inilapag nito sa table ang kaniyang cellphone at tumawag ng waiter para umorder ng kape.
Umabot ng limang minuto ang oras at hindi parin dumarating ang kaniyang kliyente, mas nauna pa ang pagdating ng kaniyang kape kaysa sakaniyang kliyente. Napaarko na lamang siya ng kilay at pinagkrus ang mga balikat at at pinagtitipa nito ang kaniyang mga daliri sakaniyang braso.
Ayaw na ayaw pa naman nito na pinaghihintay siya, lalo na kung lagpas na sa oras o minuto ang pinag-usapan nila.
Sa sobrang pagkaburyo ni Cecilion ay naisipan na lamang niyang umalis. Akmang tatayo pa siya nang may umagaw sakaniyang atensiyon, isang lalaking kapapasok lamang ng restaurant at hawak-hawak ang maliit na kamay ng batang babae.
Lumapit ang crew sakanila at may kung anong sinabi ang lalaki sa crew na nasisiguro niyang ilang taon ang tanda nito sakaniya. Nanlaki ang mga mata niya nang itinuro ng crew ang kaniyang direksiyon.
BINABASA MO ANG
Dangerously Cute [ H I A T U S ]
Humor( O N - G O I N G ) [ H I A T U S ] Read At Your Own Risk! Cecilion De Levin, A famous Entrepreneur in the field of wine making. He did nothing but work all day. He has no interest in having a relationship or marriage, But his quiet life suddenly...