Chapter Ten.

42 4 0
                                    

FIVE MONTHS LATER...

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."the father said.

Humarap kami sa isa't-isa, dahan-dahan niyang inalis ang belo ko. Then he kissed me. We kissed.

Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan. At ngayon naman ay ihahagis kona ang aking bouquet. Kay Cathy ito napunta.

"Give that garter to me kuya."si Treck kay Trevor.

"Kami na ang ikakasal sa susunod. Sa ayaw at sa gusto niya. Sigurado na akong ako ang magiging asawa niya."nagtawan ang lahat. Nakita ko namang napaikot ng mata si Cathy.

Cathy is my maid of honor, at ang iba sa mga kaibigan ko ay bridemaids ko,kasama na din si Diana.

Kung hindi niyo alam, pagkatapos ng proposal ni Trevor, ipinakilala ko siya sa mga kaibigan ko. Tuwang-tuwa naman sila dahil sa binalita ko, at sabi pa nila, sa wakas ay nagkalove life narin ako. Mga baliw na ito, alangan namang maging matandang dalaga ako. No. Hindi ko pinangarap iyon. Never. Kasama namin si Treck noon kaya sila nagkakilala ni Cathy. Gaya-gaya sa kuya niya. Nalove at first sight din.

Nang matapos ang kasalan sa simbahan, dumiretso na ang lahat sa bahay nila Trevor. Doon kasi ang reception.

Nang makarating doon, nakainan muna bago naganap ang party. Nagsayaw kami ni Trevor sa gitna habang dinidikitan nila ng mga pera ang damit namin. Gosh, ang lalaking pera ang dinidikit nila.

"Mabuhay ang bagong kasal!"sigaw ng karamihan. Nagtaasan sila ng mga baso at nagcheers.

Nakita ko naman nilapitan ni Treck si Cathy. Ayaw ni Cathy sa kanya, pero itong si Treck obsessed sa kanya. Sabagay may kasabihang, the more you hate the more you love.

Maayos at masayang natapos ang party kaya naman dahil sa pagod ay agad akong nakatulog.

Lumipas ang siyam na buwan, at ngayon ay ang araw ng panganganak ko.

"Fuck you Trevor! Ang sakit! Hindi kana makaka-ulit sakin!"sigaw ko habang tinatakbo ako papuntang emergency room.

"Huwag naman babe,"sabi ni Trevor na nasa gilid ko.

Shit! Ang sakit ng tiyan ko! Kung alam ko lang ang ganito sana hindi na lang nauso ang honeymoon. Humihilab ang tiyan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pagkapanganak ko ay nawalan ako ng malay. Nang magising ako ay nasa isang silid na ako. Una kong nakita ang aking napakagwapong asawa, pero hindi na siya makaka-isa pa. Siya kaya ang manganak.

"Nasan na ang baby ko?"mahina kong saad dahil hindi ko pa kaya.

"Our babies."nakangiti niyang saa.

Anong babies? Bakit?

Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok ang isang Doctor at may kasama isang nurse.

"Congratulations Mr. And Mrs. De Vera. You have a twins. A girl and a boy!"the Doctor said.

Nagulat ako. Kambal? Kambal ang anak ko? OMG! Paano nangyari iyon parehong pamilya namin ni Trevor ay walang lahing kambal, so paano nangyari iyon?

Ibinigay ng nurse sa akin ang kambal ko. At isa lang ang masasabi. Ang ganda at ang gwapo nila. Syempre may pinagmanahan.

Tumingin ako kay Trevor, nakangiti siya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Why are glaring at me?"si Trevor

"Tama na ang kambal. Hindi kana pwedeng umulit pa. Kung hindi ka pumapayag sa gusto ko. Sige ikaw ang manganak." I said.

Natawa naman ang Doctor at ang nurse.

Nagpout naman ang sira ulong si Trevor. Parang bata. Nakakainis! Bakit ba ang gwapo-gwapo niya. Marupok pa naman ako.

Hindi rin naman kami nagtagal sa hospital. May bahay na kaming sarili ni Trevor, bahay na sapat na para sa isang pamilya. Doon kami umuwi.

Nang mag-isang taon ang kambal namin. Nagpunta sila Mommy at Daddy ko ganon din ang pamilya ni Trevor. Ang dami nilang regalo para sa kambal. Ang sayang tignan na kumpleto ang pamilya niyo. Si Daddy ang may buhat kay Trexia at ang Daddy naman ni Trevor ang may buhat kay Sion.

Sinunod sa pangalan ni Trevor ang anak naming babae at sa pangalan ko naman sinunod ang lalaki.

Habang pinagmamasdan ko sila ay may yumakap sakin mula sa likuran.

"I love you babe!" si Trevor. My heart melts.

"Pafall ka."kinikilig na saad ko.

"Matagal ka ng nahulog sakin babe."he said.

"Hoy para ipaalala ko sayo, ikaw ang unang nahulog sakin no. Stalker."

Nagtawanan naman kaming dalawa. Ganito kami sa mga lumipas na taon.

Matapos ang party ay nagpaalam na sila na aalis na. Bago sila umalis ay humalik muna sila sa kambal.

Nasa kwarto na ako ng kambal ngayon at kakatulog lang nila. Bigla naman akong niyakap ni Trevor at tumabi sakin.

"Babe, pwede na siguro no?"

"Anong pwede na ang pinagsasabi mo jan?"mahina kong sabi para hindi magising ang mga bata.

"Pwede ulit na gumawa ng kambal,"natawawa niyang sabi.

Yun pala ang ibig niyang sabihin. Ang kapal ng mukha ng lalaking ito, isang taon pa nga lang ang kambal namin tapos nag-aaya na naman siya. Kung hindi lang gwapo ang lalaking ito, ay nabugbog kona ito. Ang hirap kayang manganak.

"Kambal na sampal gusto mo?"I said.

Tumawa naman siya.

Ang saya sa pakiramdam na makitang masaya ang mga mahal mo sa buhay, ang magkaroob ng masayang pamilya, responsable, at gwapong asawa. HAHAHA. Hindi ko na yata maaalis sa sarili ko ang pagpuri sa mahal kong asawa. Napakaswerte niya na ako ang asawa niya.

"Ang swerte ko dahil ikaw ang naging asawa ko, nagpapasalamat ako dahil ibinigay ka sakin ng Panginoon. Pangako ko na aalagan at mamahalin ko kayo at iingatan."

Kinikilig ako!

"I love you babe!" I said.

"I love you most my love!"

Kuntento na ako sa mayroon ako ngayon, gwapong asawa at cute na mga anak. Hindi ako magsasawang mahalin ang lalaking ito.

I will love this man and this family. Forever.

THE END.


From Stranger To LoverWhere stories live. Discover now