The power whose name and shape no living creature knows
Have pulled the immortal rose
And though the seven lights bowed in their dance and wept,Great powers of falling wave and wind and windy fire,
With your harmonious choir
Unfold your flaming wings and cover out of sight
The nets of day and night...Such a beautiful lovely girl
Living in a world full of trill
And wonderful power will be given on her
To follow and destined what is being careAir, water, earth, fire, ice and light gathered together to be one
And who is the one who will be gone
For the living of elemental sovereign which war going to began..."Ayazairah wake up! Gumising ka na please. You are going to live to follow the destined life of yours." A very angelic face of her crying in tears just to let me born.
"Ahhhhhhhhhh!" malakas na sigaw ko kung saan mabilis akong pinuntahan ng Tita ko. I don't have parents kaya naman si Tita na ang naging pangalawang magulang sa akin.
"Arah, anong nangyari?" Hinihingal pa nitong tanong sa akin nang makita akong balisa habang nakaupo ngayon sa higaan ko.
"Wala po Tita, panaginip lang po." Sagot ko at hinayaan na din si Tita na bumalik sa kanyang kwarto upang ipagpatuloy ang kanyang tulog.
"Such a nothing dream," bulong ko sa sarili ko.
Humiga na ulit ako upang ipagpatuloy ang aking pagtulog ngunit hindi na ako dalawin ng antok. Ipinikit ko ang aking mata at naalala ko ang mukha ng magandang babae na umiiyak pagkatapos akong maipanganak pero iba ang pangalan na binanggit nito.
Habang inaalala ko ang kanyang mukha ay napansin ko na tila kahawig ko sya. Nais kong isipin na siya ang aking nanay. Hindi ko nakilala ang aking mga magulang. Mula ng magka-isip ako ay si Tita na ang lagi kong kasama. Sabi nila namatay daw sa aksidente ang aking mga magulang noong bata pa ako kaya naman hindi na ako nagtanong pa ng ibang detalye tungkol doon.
Maaga pa ang pasok ko bukas kaya naman minabuti kong pilitin na makatulog ulit. Habang iniisip ko ang mukha ng babae sa aking panaginip ay nakatulog narin ako ng hindi ko namamalayan.
ELEMENTALIA
"Grabe ang ganda niya talaga, dapat dito na lang din s'ya lumaki sa mundo natin," wika ng babaeng kulot ang buhok na nakakulay berde ang tube at mala tinkerbell ang kanyang palda na kulay green din. Kulay berde din ang kulay ng kanyang mga mata at meron siyang kwentas na hugis bulaklak pero wala din iyong kulay.
"Ano ka ba, huwag mo nga lakasan ang boses mo at baka mahuli tayo na nanonod dito sa portal siguradong ipapatapon din nila tayo sa mundo ng mga tao," wika naman ng babaeng naka asul ang damit na hanggang tuhod. Kulay asul din ang kanyang mga mata. Hugis wave naman ng dagat ang kanyang kwentas at wala rin itong kulay.
"Great! Ayaw nyo yun at makakarating tayo sa mundo ng mga tao ibig sabihin mapupuntahan natin ang ating kaibigan," suhestiyon naman ng isa pang babae na hanggang bewang ang buhok at nakasuot din ng dress na kulay gray naman. Kulay gray din ang mata nito at meron siyang kwentas na animo hangin ang nakaguhit ngunit gaya ng dalawa ay wala rin itong kulay.
"Hindi parin pwede, nakalimutan nyo ba na hindi tayo kilala ng taong pupuntahan natin sa mundo ng mga tao?" Pagpigil naman ng isang babae na hanggang balikat ang buhok at nakadress din ng pula. Kulay pula din ang mga mata nito. Mayroon naman itong flame na kwentas at wala rin itong kulay.
"Bakit ba kasi nila inilayo sa atin ang ating kaibigan, pwede naman s'yang mabuhay kasama natin diba?" Malungkot na pahayag ng babaeng hanggang batok ang maitim na maikling buhok. Nakadamit naman ito ng puting dress. Mayroon din siyang frozen symbol na kwentas at wala din itong kulay.
BINABASA MO ANG
Elemental Sovereign
FantasyAll my life has been covered by powers and be known as elemental sovereign. I am Ayazairah a normal girl as what I know until I met six girls in my school and they turned my life into an exciting adventure. Those six girls were not normal because th...