dedicateed to Charisen01
Ayazairah POV
"Ahh!" Napasigaw ako nang pagmulat ko ay iyong anim na babae ang nasa kwarto ko. Bigla naman nilang binuksan ang kanilang mga palad at pinalitaw ang kanilang mga kapangyarihan.
"Wow, awesome!" Out of nowhere ay nabanggit ko na ikinagulat naman nilang anim.
"Ehh?" takang tanong pa ni Fayeth.
"Siguro nga I have to accept the truth na from Elementalia kayo, ano pa ba magagawa ko kung lagi ko kayong kasama with your powers," sabi ko dahil tila nagulat ang mga ito na hindi na ako masyado nagreact sa powers nila.
"Great, so tanggap mo na kami?" Nagniningning ang mata ni Ariella nang tanungin ako.
"Yeah, tinanggap ko din naman si Tita eh," nakangiti kong sagot dito.
"Wow! Yehey!" Natutuwang wika ni Nixie.
"Pero sure ba talaga kayo na ako ang princess na sinasabi nyo?" Naninigurado parin na tanong ko sa mga ito. Ang hirap kasing paniwalaan since ang tagal ko na dito sa mundo ng mga tao at bigla na lamang may magsasabi na prinsesa ako sa elemental world.
"Hmm, yeah 100 % sure ako doon," si Bruice naman ang sumagot..
"But how did you know?" Pangungumbinsi ko parin sa mga ito.
"Look, mayroon kang kwentas na katulad sa amin, " turo pa ni Tenanye sa suot kong kwentas. Ang brilliant talaga ng isang ito.
"Girls?" narinig namin na tawag ni Tita Frydah kaya nagsibabaan na kaming pito.
Pinakahuli akong bumaba. I have to accept kung ano man ang susunod na mangyayari sa buhay ko. Honestly, I'm still not one hundred percent sure sa mga nangyayari sa akin ngayon. Para akong nananaginip at kaylangan ko nang magising dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag pinagpatuloy ko ito.
Kinurot ko ang sarili ko sa pag-asang magigising ako sa totoong mundo pero bigo ako. Wala na akong kawala dahil hindi ako nananaginip lamang. I have to believe them lalo at isa pa si Tita sa nagpakita ng talagang tunay na pagkatao nila.
I do believe in magics or powers. Nag eenjoy din ako kapag nanonood ako ng mga fantasy movies even though hindi ko pa alam ang tunay na kwento kung paano nangyari iyon. I also loved reading fantasy books na tila ba nasa ibang mundo ako. Pero hindi ko naman akalain na from other world pala talaga ako.
"Arah, from now on I will call you Ayazairah," panimula ni Tita.
Tumango nalang ako at hinanda ang aking sarili upang makinig sa history at story ng totoong ako or ang sinasabi nilang Ayazairah.
"Girls, are you ready to listen?" tanong sa amin ni Tita.
"Yes po," magkakasabay na sagot ng anim na babaeng kasama ko.
"Okay, so close your eyes ladies," utos nito sa amin kaya naman magkakasabay din kaming pumikit. I dont know pero pagmulat ko nasa ibang dimension na ako at puro kakaibang nilalang ang nakikita ko.
Nakita ko sina Bruice, Fayeth, Tenanye, Ariella, Nixie, at Alvara sa isang tabi kaya lumapit din ako sa kanila.
Nang makalapit ako sa kanila bigla na lamang nagliyab sa isang gilid ang palasyong medyo malayo sa amin.
Biglang tumakbo si Fayeth nang makita nya kung kanino nanggagaling ang apoy na iyon.
"Fayeth," pagpigil sa kanya ni Ariella.
"Ariella ang reyna at hari iyon. I have to help them," naiiyak na wika ni Fayeth kitang-kita nya kasi na nanghihina ang kanyang mga magulang.
"No you cant, this is our past and we cant go there," si Alvara naman kaya napakalma nya si Fayeth.
BINABASA MO ANG
Elemental Sovereign
Viễn tưởngAll my life has been covered by powers and be known as elemental sovereign. I am Ayazairah a normal girl as what I know until I met six girls in my school and they turned my life into an exciting adventure. Those six girls were not normal because th...