Prologue

9 1 0
                                    

St. Ernest University Foundation Week


Huminga ako ng malalim habang nakatayo sa gitna ng maraming tao.

Nasa covered court kami ngaun ng buong University.

Gumawa ako ng eksena sa gitna ng program.

Kinuntsaba ko ang president ng student council namin para maisingit itong binabalak kong "Pagtatapat ng feelings ko sa bestfriend ko".

Tinigil saglit ang kasalukuyang program at nag announce ang student council President para masimulan ko ito. Pinatawag pa nila si Mago na ngayon ay kaharap ko n sa gitna ng covered court ng University kung saan kami nag aaral.

Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para gawin. Pero alam kong ito ang tama.

This is the only way.


"Hey, Maevene!" He snapped at me dahil natutulala narin ako dahil sa pagka taranta.

"A-ahm, ano kasi.. Totoo yung sinabi ko" nanginginig kong sambit, mahina pero alam kong maririnig ng halos lahat ng estudyante dito dahil sa hawak kong mic.

Iiling iling naman sya at namumula na ang kanyang mukha, sa sobrang galit.

"i-I love you Mago, I really do. Noon pa, mga bata palang tayo, mahal na mahal na talaga kita"



Kahihiyan.

Yun ang unang pumasok sa utak ko. Hindi dahil sa mga estudyante, kundi sa kanya.

Dahil sa nangyaring ito, alam kong lalayo na sya sakin.

Pero ito ang tama. Dahil dito, parehas ko pa silang matutulungan ni Veronica.

"What- hindi ko na sya pinatapos pang magsalita, dahil agad ko nalang syang kinabig upang idampi ang mga labi ko sa kanyang labi. Na-estatwa sya sa ginawa ko.


"M-mago? Maevene? Ano to? anong ginagawa nyong dalawa? Ba-bakit kayo nagki-kiss?"

Biglang sumulpot si Veronica sa likuran ni Mago. Luhaan sya, namumula ang buong mukha nya. At tska tumakbo palayo.

"Nica!"

Malakas na tawag nya dito. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob dahil nagawa ko pa syang pigilan nang akmang hahabulin nya si Veronica.

Hinawakan ko ang braso nya ng mahigpit para pigilan sya.

Nang mapalingon sya sakin, galit na galit ang mga mata nya. Tikom na tikom ang bibig at malakas nya akong hinaklit palayo sa covered court.

Halos masubsob na ako sa kakahatak nya sakin dahil sa bilis nyang maglakad. Kinakaladkad na nya ako pero pinipilit ko paring tiisin ang sakit ng braso ko dahil sa mahigpit nyang pagkakahawak at masakit na mga paa dahil pinipilit kong sabayan sya sa kanyang paglalakad.

Hinila nya ako sa isang classroom na walang estudyante at nilock ang pinto.

Binitawan nya ako ng marahas papunta sa malapit na upuan sa harap namin na halos ika subsob ko na doon.

"Of all people! Ikaw pa! Ano bang pumasok sa kukote mo at ginawa mo yun? Hinalikan mo pa ako sa harap ni Veronica! T*ng!na naman Maevene ano ba?!!"

Hindi ako nakakibo. Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko. Nawawala na sa isip ko yung mga dapat kong sabihin sa kanya.

"Ano? Magsalita ka!"

Kitang kita ko ang ugat sa kanyang mga leeg na para bang gusto nang lumabas dahil sa lakas ng pagsigaw nya at sa galit.

"To-totoo naman ang sinabi ko. Mahal kita Mago!"

Tumawa sya ng mapang uyam.

"T*nga kaba? Mag bestfriend tayo! Nagturingang magkapatid. Pinagkatiwalaan kita, kaibigan ka rin ni Veronica! At alam mong mahal ko sya. Pero bakit ka biglang umeksena? At hinalikan mo pako sa mismong harap nya! Nababaliw ka na ba?"

Galit na galit sya. Para bang gusto na nya akong saktan pero alam kong nagpipigil lang sya.

Nagsimula na akong humikbi. Nakakaiyak. Yun lang pala talaga ang turin nya sa akin. Isang kaibigan. Parang isang kapatid lang.

"Pero, Mago" mahinang sambit ko pero sakto lang na maririnig nya.

Sunod sunod na ang pagtulo ng luha ko. Ang sakit ng nararamdaman ko.

"Lumayo ka sakin. Ayoko nang makita ka pa. Kung gusto mo pang isalba ang friendship naten, pag ayusin mo kaming dalawa ni Veronica"

At tulayan na syang umalis sa harapan ko.

Alam kong dahil dito, magbabago na ang lahat. Hindi naaibabalik pa ang dati nating turingan. Alam kong isang malaking bahagi ng pagkatao ko ang mawawala once our friendship ruined.

Pero ginawa ko parin.

Para sa kanya.

For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon