CHAPTER1

12 1 0
                                    

"Anak, bakit hindi ko na nakikita si Mago na nagpupunta dito? At ikaw? Hindi na kita nakikitang lumalabas ng bahay kasama sya? May problema ba kayong dalawa anak?"

Tanong ni Mommy sakin habang nag aalmusal ako at papasok na sa school.

And yes, simula nung ginawa kong kashungahan sa school, hindi ko na tinangka pang makipag usap kay Mago. Ako na mismo ang lumayo dahil hindi ko kakayanin kapag sya pa mismo ang magtataboy sa akin papalayo.

Mawawasak ako kapag maririnig ko ulit mismo sa kanya ang sabihin nyang lumayo ako o sya mismo ang lalayo, kaya naman inunahan ko na. Hindi narin ako nagtaka pa na napansin agad ni Mommy ang hindi na namin pag uusap. Simula bata pa kasi nasanay na silang palaging tumatambay dito sa bahay si Mago. Minsan pa nga dito sya nag aalmusal dahil sinusundo nya ako para sabay kaming pumasok. Minsan naman, mas dume-derecho pa sya dito sa bahay pagka uwi galing eskwelahan, at sa study room kami mag aaral o gagawa ng project kung meron. Ganyan ang routine namin simula noong mga bata palang kami, lalo na nang mag college kaming dalawa dahil sa tambak na gawain sa school.

Ngayon lang talaga natigil ang routine naming iyon dahil sa ginawa kong pagtatapat ng feelings sa kanya. Sobrang nag iba na ang lahat.

"Eh? baka busy lang po sya mommy. Tsaka andito naman palage si Lauren nakakasama ko. Mas gusto ko na nga pong kasama si Lauren kesa kay Mago. Alam mo na Mom, girl talk ganun" pagkukunwari kong sabe na parang walang paki-alam.

"Oh, sabagay, mag iiba na talaga lalo at dalaga at binata na talaga kayo" balewala na lang din na sabi ni Mommy na kinahinga ko ng maluwag.

Mabuti nga at hindi pa ang mama ni Mago ang nakakahalata, umiiwas talaga ako kapag makakasalubong ko sya. Mabait si Tita Evy pero may kakulitan din kaya alam kong magtatanong at magtatanong sya tungkol sa anak nya at ayoko namang ipahalata sa kanya na wala na kaming pakielaman sa isa't-isa ngayon.

"Tao pooo?! Maevene?"

Rinig ko na ang boses ni Lauren kaya tumayo na ako at naghanda na. Nagbeso lang kami ni Mommy at lumabas na ako matapos kong mag toothbrush.

"Hi Girl Bestfriend!" sabi ko dito na may halong pang aasar.

"Tigilan mo nga ako Maevene ah!" Sabi nito sabay irap. Napaka sungit talaga ng isang to pero isa sya sa maituturin kong bestfriend din bukod kay Mago. Sya talaga ang literal na girl bestfriend ko.

"Alam mo, hindi mo ko kasabay ngayon pumasok kung okay kayong dalawa nyang secret love mo. May pagka madamot sa kaibigan yun eh alam ko" sya naman ngayon ang nang asar at nginisian ako.

"Wag ka nang maingay dyan Lau, mamaya marinig ka pa jan eh"

"Oh eh ano naman ngayon? nagtapat ka nga eh"

"Oo na nga! pero kasi noh? ah basta"

"Tatlong buwan na kayong hindi nagpapansinan, nahahalata na yan ng mga magulang nyo for sure. Or naninibago sila. Oo nga pala, nagpaalam ka na ba sa Recreation program naten sa Baguio? Hindi pwedeng hindi ka pupunta ha. Pumunta ka. At dahil hindi kayo nagpapansinan ni Mago, ako na lang magta-try magpaalam sayo kila Tita"

Saad nya with full assurance at baka sakaling payagan ako nila Mommy at Daddy sa Recreation program namin. Which is I doubt dahil simula umpisa, kung hindi ko kasama si Mago sa mga lakaran or fieldtrips sa school, hindi nila ako papayagan. Lalo na ngayon na ni paglingon o sulyap sa isa't isa hindi namin ginagawa.

Sobrang tiwala nila Mommy at Daddy kay Mago na even sa pagkuha ng course ko muntikan na nilang pakialaman at sinabihan akong kunin ko rin same course nang kay Mago.

Hindi ko alam kung mina-match ba nila kami or they really trust him like my brother.

Minsan nga nagkukuntsaba pa kaming dalawa na kunwari kasama ko sya sa mga gatherings para lang payagan ako kahit na hindi talaga sya kasama sa kung saan man ang gusto naming puntahan ni Lauren.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon