Meeting Bret.

76 4 0
                                    

"Lets go bhabe! Marami na kasing epal dito." Nagulat ako nung tumayo si Erica at sinabi yun. Mukhang sobrang naiinis na siya Muahahaha! Teka hindi ako EPAL!

Tatayo na sana ako para pagsabihan yang Erica na yan nung hinitak ako paupo ni James. Ayoko pa naman eh sinasabihan ako ng ganon.

"Ok." Sagot naman nung boyfriend niya. UNDER pala ito!!!
Umalis na silang dalawa sa Sweet store.

"Dont you dare to do it." Babala sa akin ni James. ABA mas kinakampihan niya pa yung babaeng yon!

"Mas kinakampihan mo pa siya?!" Galit na Tanong ko.

"Nandito tayo para pagselosin sila and not hurt them." Paalala niya sa akin.
Tumango lang ako.

"Mission Complete." Biglang sabi ni James.
Ngumiti na lang ako, pero deep inside eh gusto ko ng sabunutan yung babae na yun.

After naming maubos yung mga pagkain. Naglibot na muna kami ni James sa buong Mall.
Grabe malaki din pala yung mall na to first time ko kasi.

"This is our own time." Sabi ni James.

"Own Time HAHAHAHAHAHHA lalim ng pinanghuhugutan mo huh?" Sabi ko sa kanya.

"Ow just shut up." Mood Swings nanaman -_-

"Fine!" Sabi ko sabay irap.
Hinila niya ako sa Arcade Center.

"What are we going to play?" Tanong niya.
Hindi ko siya kinibo, Diba nga SHUT UP. Hinitak niya ako sa Bilihan ng Tokens.

"Good Afternoon Maam and Sssiiiirrrrr." Haluh Grabe ka ate huh?
Afternoon na pala?! kaBilis naman..

"50 tokens please" Sabi ni James.
Inabot nung babae yung Tokens, Tsshhh kailangan pa talagang damahin yung kamay ni James.

"Thank you Sir." Sabi nung babae kay James.
NagSmile lang si James..

"Tokens?" Tanong niya.
Hindi ko pa din siya kinikibo.

"Fine then this is all mine." Sabi niya. Edi sayo na. Saksak mo sa intestine mo.
Naupo muna ako sa upuan sa gilid at pinanood si James na maglaro.

A few moments later..

"Hey Bro!" Biglang may lumapit kay James na lalaki na may kasamang babae.
Parang kilala ko yung girl kaso nakatalikod kaya hindi ko masyadong makita.
Lumapit ako kay James. Nakita kong magkausap sila nung babae! Girlfriend niya ulit!!!!!

"Hey." Bungad ko kela James.
Humarap naman agad si James at tsaka yung lalaki, Ang wafuuu. Nakita ko na din yung babae...

"Yassi?!" Sabi ko.

"Nadz akala ko hindi kayo magkasama ni James." Sabi niya at binesohan ako.
Humiwalay muna kami kela James at naglaro lang sila nung lalaki niyang kasama.

"Sino siya." Tanong ko kay Yassi sabay turo sa lalaking kasama ni James.

"He is my boyfriend Nadz. Cute diba?" Sabi niya. Ou Cute nga at mas matangkad pa siya kay James.

"Talaga? Anong pangalan?" Panguusisa ko.

"He's Bret." Sabi niya.

"Pano sila nagkakilala." Tanong ko kay Yassi.

"Ewan ko ba? Kaya nga nagulat ako nung kausapin siya ni Bret eh" Sagot ni Yassi.

"Huh? kelan pa ba kayo?" Tanong ko.

"Kahapon Lang!" Sagot niya.

"Huwaaaat?! kahapon lang? Paano ba kayo nagkakilala huh? Hindi ka man lang nagsheshare." Sabi ko sabay pout..

Destined for each other (JaDine Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon