My Tag 51

238K 5K 2.9K
                                    

My Tag 51

Sitti's POV

            LAHAT kami nakatingin lang sa kanilang dalawa sa stage.

            Tapos na 'yong kanta pero parang hindi pa tapos ang palabas nila.

            Nakatingin ako sa kanila, sa mga labi nila, sa panlalaki ng mata ni Kaizer, sa nakapikit na mata ni Mia at sa biglang pagtulak ni Kaizer kay Mia.

            "Sitti..."

            Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng sakit sa tapat ng dibdib ko. Sakit sa gilid ng mata ko. Sakit sa iba pang parte ng katawan ko.

            "Sitti."

            Biglang tumalon pababa ng stage si Kaizer.

Nakatingin lang siya sa akin. Mukha siyang nag-aalala.

            "TG, let me explain—"

            "Okay lang."

            "Pero, Sitti—"

            "Wow! What an incredible performance!"

            Naputol 'yong iba pang sasabihin ni Kaizer nang biglang magsalita 'yong MC ng contest.

            "That was a hot performance from a former ex lovers. At kung tama pagkakatanda ako, kayo rin ang kauna-unahang Mister and Miss Eastton University right?"

            Hindi inaalis ni Kaizer ang tingin niya sa mukha ko at kahit ako hindi ko rin magawang ilayo 'yong tingin ko sa kanya.

            "TG, I swear! Wala akong alam dito," sabi niya. "TG—"

            Bigla akong napaatras nang akmang hahawakan sana ako ni Kaizer.

            Nakita ko na natigilan si Kaizer sa ginawa kong pag-iwas sa kanya at saka siya napatingin sa mukha ko.

            Nakita ko 'yong lungkot sa mata niya nang magtama ang mata namin.

            "Sitti..."

            "Sitti!"

            Lumagpas 'yong tingin ko sa likuran ni Kaizer  saka ko nakita si Mia na naglalakad papunta sa direksyon.

            "Sitti," sabi niya sabay kuha ng dalawang kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon. "Sitti, I'm sorry! 'Wag mo sana masamain 'yong ginawa ko kanina. Kasama kasi 'yon sa music video. I hope you undestand."

            Napayuko si Mia saka niya binitawan 'yong mga kamay ko at muling napatingin sa akin.

            "Nagagalit ka ba sa ginawa ko? Maiintindihan ko kung maiinis ka sa akin. I know na mali ang ginawa ko. Alam ko na kayo na ni Kaizer at boyfriend mo siya at mali 'yong ginawa ko. Pero, Sitti wala naman sa akin iyon eh. Walang halong feelings 'yong kiss kaya—"

            "Okay lang."

             Palihim akong napatingin kay Kaizer at nakita ko na hindi pa rin niya inaalis 'yong tingin niya sa akin kaya binalik ko na lang ang tingin ko kay Mia saka pinilit na ngumiti sa kanya.

            "Okay lang 'yon, Mia. Hindi ako nagagalit. Ikaw na rin ang nagsabi na kasama iyon sa music video 'di ba? Saka alam ko rin ang kanta niyo at alam ko na may kissing scene doon kaya okay lang."

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon