CHAPTER 01

215 7 4
                                    

CHAPTER 01.

Maraming estudyante malamang ang nagrereklamo ngayon. Pano ba naman eh Lunes na naman! Alam ko 'yan, cause I've been there. Siguro kung Freshman palang ako ngayon okaya Sophomore o Junior eh isa na rin ako sa nag-hihimutok sa tuwing sasapit ang Monday. Susme! Nakakatamad kayang gumising nang maaga at pumasok araw-araw!

Pero iba yata talaga ang feeling kapag 4th year ka na.

Parang araw-araw eh gugustuhin mo nang pumasok kasi gusto mo nang sulitin yung 'Last Year' mo. Feeling mo, may taning na buhay mo at wala ka nang magagawa kundi makisabay nalang sa flow.

Kakaiba kasi ang feeling eh. Ramdam mo yung so-called 'pressure'! Ilang buwan nalang ay aalis ka na sa 'Comfort zone' mo at makikipag-sapalaran na sa College.

Pero... Teka nga ah..

Bakit ba college kagad iniisip ko, July palang naman ngayon. Jusko! Napakalayo pa nun!

Pagkadating na pagkadating ko ng school ay dumiretso na kagad ako sa Locker's Area. Iiwan ko muna yung 50% ng laman ng bag ko since mamayang hapon ko pa naman yun gagamitin. Ayoko kasing magbitbit ng madaming gamit. Nakaka-haggard kaya!

Kukunin ko na rin pala yung binigay sa aking copy ng notes namin last week sa Economics.

Teka ngaa.. Nasaan na ba iyon?

Tsk. Disadvantage talaga pag nasa baba locker mo. Ang hirap kumuha ng gamit!

Ibinaba ko muna yung bag ko saka ako naupo sa tapat ng locker ko.

"Nasaan na nga ba yun?" Medyo badass. Naupo ako sa hallway. Mehehe

Naramdaman kong may umupo sa may tagiliran ko. Siguro may kukunin din sa locker niya. Ayan. Dalawa na kaming harang sa hallway. Nice. Nice.

"HEEYY!!!" 

"Ay! Putek!" Mali pala ako. Hindi lang pala kung sino 'yung nakiupo sa tabi ko. Siya pala.  

"HAHAHAHA. Epic expression is epic. Morning!" Langya 'to. Nanggugulat na nga lang, tinatawanan pa ako.

Dugdug. "Yeah. Morning. Energy mo ha?" I said like if it's nothing. Tama yan. Wag masyadong pansinin ang lalaking iyan.

"Anong hinahanap mo?" Usisa niya pa.

Hindi na ako nag-abala pang tumingin sa kanya. Sumagot na lang ako ng, "Yung Xerox po."

Nakisilip din siya sa loob ng locker ko. Muntik na nga akong mai-tulak eh! Ano na naman bang trip ng lalaking 'to!?

"Eh?? Nagkasya diyan?" Gulat niyang tanong. Ughh. Ano naman bang nakakagulat doon? 

This time tinignan ko na siya. "Siyempre naman, Sir. Tiniklop ko pa nga para mag-consume ng less space." Tsaka ko binaling ang tingin sa locker ko.

Halungkat sa notebooks, work text at sa reference book. Hmm.. Sa clear book, envelope...

AYUN! Nagpakita rin!!

"Eh? Natitiklop pala yun? Akala ko pa naman, malaking machine yun."

Ay nako. So yun pala yung point niya. So, ang korni niya talaga noh?

"Alam mo, ang korni mo sir." Sabi ko saka malakas na sinara yung locker ko.

"Whatever Miss. Parang pagkakaiba lang ng xerox machine sa photocopy eh hindi mo pa alam. Tsk. Karapat-dapat bang Valedictorian yan?" He smirked.

Hay nako. Umagang umaga namang trip ng lalaking 'to! Valedictorian eh patapon nga ako.  Jusko.

Tumayo na ako at pinagpag yung palda ko. Tumayo na rin siya at pinagpag ang slacks niya. Inabot niya rin sa akin yung bag pack ko.

Padabog kong kinuha yung bag ko. "Tss. Hindi porket grumaduate ka as cum laude sa UP eh pwede mo na akong lait-laitin. Tao lang naman ako ah. Normal lang na magkamali." Nagtataray kong sabi.

"Oh, taray ng kilay ni Ate oh!" Malandi niyang sabi. I mean.. Malandi just like gays do. He laughed.

"You're so gay." I said as i rolled my eyes.

That shut him up. Hehehe. Victory's mine! *evil grin*

"Ehem.." He cleared his throat. "Well hindi porket honor student ka ay pwede mo nang sagutin ang cum laudeng tulad ko. And calling your English Mentor gay is so wrong in so many levels." He said, seriously.

Gulp. Lagot na.

Takot talaga ako pag nagseseryoso 'to. Baka bumingo na ako sa lalaking 'to eh! Baka ibagsak ako nito! Waaaah~

Gulp. Di na tuloy ako makasagot. 

"Pffft-- Itsura mo! Hahahaha." He laughed. W-What? Ibig bang sabihin nun eh di siya galit?? EXHALE. Thank God.

"Oo na, ako na naman napagdiskitahan mo! Tsk. Ipa-DepEd kaya kita diyan!"

"Ano namang sasabihin mo sa DepEd? Trabaho kong turuan ka ng tama. Mali bang tinama kita?" Ano daw?! Parang ang labo ata ng sinabi niya.

I sighed. "Yeah right. Ano pa nga bang saysay ng pakikipagtalo ko eh mananalo ka rin naman. Lesson Learned Sir: Xerox is a machine a photocopy eh yung result."

He chuckled. "Kelan ka kaya mananalo sa akin, Ms. Zamora?"

Tingnan mo 'to, ang yabang talaga ever! "Aissh! Ewan ko sa'yo, July!" Kunwari eh naiinis kong sabi.

He then smiled.

Dugdug.

"Bahala ka na nga diyan. See you later in class." Iyon na lang ang sinabi niya at naglakad na siya patungo sa direksyon ng Faculty room.

I don't know why... but his smile gets me everytime.

Well.. To tell you the truth, his name isn't July.. Neither June. It's August. August Kyle Tan. 21 years old.

And yes, he's my English Teacher.

***

To Sir, With LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon