Estrel's Pov.
Five years, sa nakalipas na limang taon, ang dami na ng nabago sa pilipinas, tila ba ang dating walang kulay, ngayon ay buhay na buhay. Iniisip ko tuloy, kung nanatili kaya rito for five years? Namalayan ko kaya ang mga pagbabago? Malamang siguro, malamang rin na hindi. Pero gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako dahil sa kabila ng mga unos, nakaahon akong muli, bumangon at ngayon ay patuloy na nakatayo at lumalaban. Hindi uso sakin ang salitang Pagsuko. Ayokong sumuko sa isang bagay na walang akong mapapala.
Napapagod ako. Pero hindi ako susuko kailanman.
Napapangiting napahigop ako ng tsaa habang nakatanaw sa malayong bituin. Ako? Hindi ko man lang naisip na magiging katulad ako ng mga bitwin, ang layo na ng narating ko, sobrang layo na.
Mula sa pagiging simpleng estudyante ngayon isa na akong matangumpay na Director. Bata pa lang ako paborito ko na ang paggawa ng mga istorya, naalala ko pa non na hilig ko ang superwoman. Pero hindi naging madali ang lahat. Bilang isang direktor masaya ako sa mga nagagawa ko at napapatunayan ko lalo sa sarili ko na may kaya ako at may ibubuga pa ako. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko, kahit naabot kona ang pangarap na yon ay may kulang pa rin.
"Andito naman si Cord, ano pa bang kulang?"
Malalim na napahugot ako ng paghinga at muling humigop ng tsaa. Para sa akin, sapat na si Cord. Si Cord lang, wala ng iba.
Three years na kaming in a relationship ni Cord, nagkakilala kami dahil kuya sya ng girlfriend ni Ervin, ng Twin'er ko. Habang si Trinity na kapatid ni Cord ay kaibigan naman ni Eisey. Great connection, right? Kaya naman hindi naging mahirap ang pagiging close naming dalawa. Nung nagpunta ako sa Korea ay pinagpatuloy pa rin nya ang panliligaw sa akin. He's great naman, masigasig at seryoso. Two years nya ako'ng niligawan after ng break-up ko. And dumating na nga ang time na sinagot ko sya at naging kami but.. Badly, nagkaroon kami ng konting hindi pagkakaunawaan.
Reason? He saw me with anorher guy na ka-trabaho ko lang, hindi ko naman sya mapipigilan na magselos, lalaki pa rin sya at nasasaktan kapag may ibang kasamang lalaki ang minamahal nya. Apparently, he punch Zanro, my work-mate. Pero hindi rin naman nagtagal ang quarrel saming dalawa, I explain everything at pasalamat ako na naiintindihan nya ako. He just prove how much he loves me, kaya nya akong intindihin.
Buong akala ko nga ay galit pa rin sya, but with the help of my twin'er na hindi mapagtataguan ng sikreto, nalaman ko na gagawan pala ako ng surprized welcome ni Cord.
I'm so touch
"It's late, why you were still here?"
"Cord."
Mula sa likuran ay tinabihan nya ako sa biranda at inakbayan. "Maginaw rito, bakit mo hinubad ang coat mo?" may pag-aalalang tanong nya na ikinangiti ko. Agad naman n'yang hinubad ang coat nya at itinibabal sa akin. "Wear this one."
"Hindi naman ganon ka ginaw."
"Mas gusto mo talagang pinag-aalala ako 'no? Wear that! Hindi ka tatanggihan ng sakit." Bakas na naman ang pagiging masungit nya sa lagay na 'yan. Natutuwa talaga ako sa kanya. "May pasok ka ba bukas?"
"Ha?"
"Ano kasi.. Day off ko kasi bukas."
"And?"
"Baka.. Baka pwede tayong lumabas?"
Natigilan ako. Bukas ang umpisa ng taping namin for the new series kaya naman hindi ako nakasagot agad kay Cord. "Bukas talaga?"
"Hmmm..Sana."
Nakaramdam ako ng lungkot bigla. Pangatlong favor na nya 'to sakin at kung tatanggihan ko na naman sya, baka tuluyan na syang magtampo sa akin. Ayokong mangyari yon.
"Sige"
Biglang gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. "Really?"
"Oo nga"
"Thank you"
YOU ARE READING
All about us(UNDER REVISION)
Roman d'amour"Once I owe you, no one can complaint." -Zargus Lopez