Chapter 7

5 3 0
                                    

Chapter 7 : Bonding

Lika Pov.

"Good morning!" Sigaw ng nasa pintuan namin.

Makasigaw yun ah, excited much sa pagpunta sa Resort? Ang Ganda ata ng mga gising ng dalawang pinakamabait daw sa aming anim ah.

"Uy! Magsi gising na kayo dyan!" Sigaw muli nito.

Excited  nga ang mga ito! Makapaggising ah wagas.

"Sobrang excited niyo ata, at nanggigising pa kayo ng mga kapitbahay niyong natutulog!"
Sigaw ko namang sagot sa mga Ito.

"Oh yes Naman" masayang sabi ni Denver Max.

"Excited  kaming nakita Ang mga reaction nyo" patawa tawa pang sabi ni Doowe.

Huh? Pinagsasabi nila?

Tinignan ko ang tatlo aba tulog pa sila. Teka lang may mga sulat sila sa muka?. Dali dali kong binuksan ang pinto pagbukas ko tawang tawa Ang dalawa.

"Kayoooo!"  Sigaw ko.

Agad silang tumakbo pababa ng hagdan kaya hindi ko sila naabutan.

"Bumalik kayo dito!"

Mga bwesit na'to!

Pagpasok ko sa kwarto bigla akong natawa sa mga muka ng tatlo. Dumaretso muna ako sa banyo para magsilamos, sa halip na mainis ako ay natawa din ako sa muka ko. Grabe ang galing ng dalawang yun ah.

Habang tapos na akong naligo at nagbihis nakita ko ulit ang tatlo, kinuha ko agad Ang phone ko at pinicturan sila. Nagpic din ako tumabi ako sa kanila at nag pic kami Hahaha Remembrance ba.

Ginising ko na ang tatlo at gulat na gulat sila sa mga muka nila.

"Bumawi talaga ang mga iyon ah" naiinis na saad ni Jelai.

"Hayaan niyo na pagbigyan natin sila" nakangiti kong saad.

"Okay ka lng Lika?" Sabay lagay ng kamay ni Gwen sa noo at leeg ko.

"Hindi ka naman nilalagnat, anong nakain mo?" Dagdag pa niya

Natatawa ako sa kanila puro nakakunot ang noo nila sa akin at ang tingin nila halatang nagtatanong.

Naninibago ang mga yan kasi ako yung tipong hindi papatalo babawi at babawi ako, yan ang nakatatak sa isip nila. Kilang kilala na nila ako.

"Alam nyo kasi bumabait na ako ngayon, kaya hayaan nalang natin sila." Saad ko.

Hindi sila makapaniwala sa sinabi ko. Nakakunot parin ang mga noo nila sa akin.

Sinusubukan kong magpakabait na kaya.

"Sige sabi mo eh" saad nila.

"Tsaka hayaan na natin kasi mas sumasaya ako pag ganyan yung mga itsura niyo eh" sabay tawa ko.

Aktong hahampasin na nila ako ng unan tumakbo na ako balabas... mahirap na mabogbog pa ako ng mga iyon.

"Akala mo naman hindi ka nila drinowingan sa muka!" saad ni gwen

"Im sure natatawa ka din sa muka mo kanina noh!" Dagdag naman ni Jolli.

"Sorry kayo, kasi hindi nyo nakita, tulog mantika kasi kayo kanina eh!"
Pasigaw kong sagot, andito lng naman ako sa labas ng room namin.

TROPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon