[COT01]
Chivalrio Ricardo "Cherry" Matikas, 24.
Sugar, spice, and everything nice. Ganito ko mailalarawan ang buhay ko sa kasalukuyan. Matamis pero hindi nakakaumay dahil sa spice na dulot ng crush kong Afam. And everything is so nice na halos wala na 'kong mahihiling pa. Bukod syempre sa crush ko, actually s'ya na lang talaga kulang sa life ko. He's the love that's missing in my life for me to have a beautiful lovelife.
Well, hindi naman sa walang-wala talaga akong lovelife or walang-wala talagang nagkakagusto sakin. Sa true lang, I have many admirers mapadito man sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko o dun sa amin. Ang ganda ko kayang bakla! Sorry na lang sa kanila kasi lahat sila hanggang kabiruan at kaibigan lang. This specific person really just set the standard for me.
Speaking of him, he's here again. OMG!!!
Tumunog ang isang maliit ng bell na pumukaw naman sa atensyon ko. Kasunod nito ay ang pagsasabi ng order ng isa sa mga waiter, si Kaji.
Kaji shouted enough for me to hear. "Dalawang order ng King Scallops, One smoke salmon, and two orders from the Cherry on Top menu, almond coffee cake."
Tumugon naman ako habang inihahanda ang mga ingredients sa specialty ko. "Got it!"
Kaji added, "Mm. Cherry!"
"Yasung?"
"Nagbilin siyang ikaw raw gusto n'ya magserve."
"H-huh?"
OMG!!! Siya na ba 'to? FINALLY!!! After several years of pagpapapansin, nagbunga na rin ang ating pagsisikap. Eto na! Nararamdaman ko na talaga.
"S-sino raw?" tanong ko kay Kaji bagaman sa isip ko ay may sagot na kung sino.
"Tsk." Nilapitan ako ni Kaji na akmang bubulong pero nanutil lang naman ito, tinanggal niya sa pagkaka-clip yung hairclip kong cherry. "Ang landi ng pagkakatanong ah. Hahahahahaha."
"Che!"
"Rry!" He chuckled. "Basta dalhin mo sa table na 'to." He wrote on my palm.
"Shuta! Bakit mo dinumihan kamay ko?"
"Duraan ko pa 'yan eh! Arte neto!"
"Kadiri ka! Parang wala ka sa kusina ah!"
"Pssshhht!!!" Pagsita samin ng head chef naming banyaga. "Please no flirt. Cooking only. Cook." Medyo hirap din siya sa English eh, Angkol patawag niya sa kanya.
By the way, sya yung nagluluto talaga ng main dishes, yung mga binaggit nitong si Kaji kanina na hirap hirap tandaan. Yern! Bale ang role ko lang ditey is taga-assist syempre sa head chef at kapag may order sa sariling Menu section ko, sa desserts, dun ako. Fun fact, never pang may um-order ng main dishes dito nang nilalampasan ang Cherry On Top section. Best-selling kaya lagi yon!
Sabay kaming yumuko ni Kaji, "Sorry po, Angkol."
"Okeh. Back to work."
Umalis na rin si Kaji pero bago 'yon, dumampot na naman siya ng isang pirasong cherry sabay subo. Napakasutil talaga! Bilang na bilang na nga 'yon eh.
I pushed him hard para tuluyan na siyang umalis. Baka mapagalitan pa kami ulit ni chef o kaya naman maabutan pa kami ng aming boss.
Mabilis ko lang naman nai-prepare yung dessert. And for the finishing touch, I added the iconic cherry on top. Lahat ng dessert namin dito, di makukumpleto nang walang cherry on top, which by the way is my own idea na in-approve naman ni boss.
BINABASA MO ANG
Cherry on Top [BxB]
RomanceChivalrio Ricardo "Cherry" Matikas 🍒. Isa kang eksaheradang baklang may secret feelings para sa isang regular customer ng restaurant na pinagta-trabahuhan mo. A customer who's apparently your former classmate at student council president back in se...