[COT02]
Akala ko matatapos na agad at malilimutan ko yung nakita ko kagabi kaso maging hanggang sa panaginip ko, nagpapakita sila. May scene na nag-uusap kami ni crush tapos biglang dadating yung boss ko at mag-ki-kiss sila sa harap ko. Tapos ang creepy pa kasi nakamulat si boss William, nakatingin sakin habang nag-me-make out sila. Shuta! Anong klaseng bangungot ito!!!
Thankful na nga rin ako kay Appa at ginising niya ko agad kundi baka tuluyan na kong di nasikatan ng araw.
"Appa, sorry kagabi, di kita nauwian ng food. May nangyari kasi..."
Flashbacks to last night. Habang pinapanood ko silang dalawa sa stockroom, nabitawan ko yung dala kong food kaya lumagabag ito sa sahig. Halatang nagitla rin yung dalawang tao sa loob kaya dali-dali na kong nagtatakbo palabas ng resto.
I mean, napaka-awkward naman kasi kapag nalaman nilang nakita ko yung kababalaghang ginagawa nila sa mismong resto pa, diba?
So ang ending nga eh wala akong naiuwing food kay Appa. Pero sabi naman niya kumain na raw siya pero di ako naniniwala, lagi namang ganito 'to eh. Never nagreklamo.
Appa, "Sus, ayos nga lang. Ako eh kumain na kagabi bago ka pa umuwi."
Nagsusuot siya ng doble-dobleng socks sa paa niya dahil lamigin si Appa. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko habang ako ay nakahiga pa dahil wala naman akong pasok tuwing Linggo.
"Appa, may almusal na ba tayo?"
"Oo naman, meron na ron sa lamesa. Lika sabay na tayo kumain." Itinaas niya sa harap ko yung medyas kong color purple. "Nga pala, 'nak, pagamit muna si Appa nitong medyas mo ah. Naubusan kasi ako, bilhan na lang kitang bago mamaya."
"Okay lang naman, Appa kahit hindi na. Pero, Appa..."
"Bakit, anak?"
"Okay lang ba talaga sayo na ganyan kulay ng medyas mo? Not to mention, may cherry pa yang design ah. Baka di ka na irespeto ng mga trainee mo kapag nakita nila 'yan."
"Sus, eh ano namang pake nila, diba? Ang ganda kaya ng medyas na 'to. Inggit lang sila. Pag inggit, pikit."
"Ay hala... Appa." Inalog-alog ko si Appa nang pabiro. "Sinapian ka ba ng espiritu ng baklang atichona?"
"Mana lang sayo bhie."
"Appa!" Utas na ko kakatawa. "Huwag mo na ulitin. Oo. Di mo bagay. Laki-laking katawan tapos ganyan. No, Appa. Last mo na yon."
"Ito naman, pinapasaya ko lang prinsesa ko eh."
Pinisil nya na naman yung pango kong ilong. Baka raw kasi may pag-asa pang tumangos. Eh kaso ang sakit lagi. Kaya napapabahing ako matik tuwing ginagawa niya yon. Tuwang-tuwa naman areh.
...
Sabay kami laging nagbe-breakfast at dito namin napapag-usapan ang mga bagay-bagay. Sobrang comfortable ko sa harap ni Appa. Hindi ako natatakot na ipakita ang tunay na ako at alam kong tanggap niya naman 'yon. Sa totoo nga niyan, todo-support pa 'to sakin ng mga ka-ek-ekan ko.
Minsan pati mga jockstrap, ibinibili niya ko. Wala siyang hiya-hiya kahit na pinagtatawanan na siya. Sana all ba? Hahahahahaha.
Kaya nga nasabi kong kumpleto na halos ang life ko eh. Kahit maaga kaming iniwan ni mama nung sumama na siya kay San Pedro, di naman ipinaramdam sakin ni Appa na wala akong mama.
BINABASA MO ANG
Cherry on Top [BxB]
RomanceChivalrio Ricardo "Cherry" Matikas 🍒. Isa kang eksaheradang baklang may secret feelings para sa isang regular customer ng restaurant na pinagta-trabahuhan mo. A customer who's apparently your former classmate at student council president back in se...