Meidree's POV
Kakagising ko lang at bumaba ako. Nakita ko si mommy na nakaupo sa sofa at nanonood ng tv kaya pumunta ako sa kanya.
"Ma! Good morning!" Bati ko sa kanya at hinalikan sa pisngi.
"Good morning din anak!" Sabi niya saakin.
"Ma, anong araw na ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Monday anak, bilisan mo malalate ka na!" Sabi niya saakin kaya agad kong tumaas sa sa kwarto.
Late na pala ako! Shit kailangan ko nang magmadali!
Umakyat ako at naligo, pagkatapos 'nun, nagbihis ako at nagmadaling bumaba.
Nagpaalam na ako kay mommy at umalis na ako.
Pagdating ko sa school nakita ko si Patricia na nakaupo sa bench kaya pinuntahan ko siya.
"Hello Patricia!" Bati ko sa kanya at umupo sa bench.
Narinig niya ako kaya binati niya rin ako.
"Gusto mo ba magghost-hunting?" Sabi ko sa kanya.
"Ayoko nga!" Sabi niya saakin na parang nagagalit.
"Bakit? Diba gusto mo yun!" Sabi ko sa kanya.
"Natatakot na ako..." Sabi niya saakin.
"Wag ka mag-aalala hindi lang tayong dalawa 'no! Isasama ko tropa natin!" Masaya kong sabi sa kanya.
"Ah, sige! Anong oras tayo magkikita dito?" Sagot niya saakin at nagtanong.
Oo sa school namin kami mago-ghost-hunting.
"Mga... 8:00 pm!" Sabi ko sa kanya.
"Ah, sige! Sasabihin ko na sa tropa natin ha!" Masigla niyang sabi saakin.
"Oh sige!" Sabi ko nalang sa kanya.
At nung pagkatapos ng school activities namin, umuwi na kami at nag-aayos na para sa ghost-hunting tingy tingy.
Saktong 8:00 pm silang nagmeet sa school nila.
May guard na nagbabantay dun. Pero parang pagod na pagod ito. Biglang binuksan ni Leo ang gate ng dahan dahan at pumasok sila sa gate.
Nang pumasok sila sa school, bigla silang naghiwalay. Si Patricia, Leo at
Dwight ay pumunta sa third floor, kung saan may itim na presensya at masasama ang mga ito. Habang sila Meidree, Charles at Peter ay nasa first floor, kung saan naman may mabuting presensya.Patricia's POV
Nasa third floor kami, kasama ko si Leo at Dwight. Habang naglalakad kami. may naririnig kaming iyak ng bata.
Pinuntahan namin yun at nang pagbukas ng pintuan kung saan naririnig namin yung ingay, may nakita kaming bata na umiiyak kaya pinuntahan ko iyon.
"Bata, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.
Hahawakan ko sana siya ng bigla siyang humarap. Nagulat ako nang makitang walang mukha ang bata.
Kinalibutan kaya tumakbo kami ni Leo at Dwight hanggang sa nakalayo na kami sa bata.
Meidree's POV
Nasa first floor kami, may nakita kaming tao dun sa classroom. Nakaupo ito sa upuan, pero hindi namin makita yung mukha kaya lumapit kami.
"Umm...Gabi na po, bakit nandito pa po kayo?" Tanong namin sa kanya.
Tumingin siya saakin. Tumayo ito at ngumiti. Pagtayo niya, tinignan ko ang paa niya.
