The School Heathrob

35 1 0
                                    

If They Fall Inlove 

"Don't let your alarm clock be the only thing that wakes you up...

..wake up with a purpose . " 

***

Ang tanging dahilan lang naman kung bakit ako gumigising sa umaga ay para masilayan ang napaka gwapong mukha ni Kristoffer Roxas. Sya ang kumukumpleto sa araw ko, sya ang nagbibigay sigla sa akin at kung wala sya, hindi ako kumpleto . 

"Good morning Kristoff! " nag smile ako sa kanya at hinalikan yung malaking picture niya sa kwarto ko . Oo sa picture ko lang sya nakakausap . Hindi ko kasi siya kayang kausapin dahil hindi ko kaya. Hindi naman dahil sa maraming naghahabol sa kanya kundi dahil, walang may lakas ng loob na lumapit sa kanya . Masyado syang aloof sa mga tao lalo na sa mga babae . Wala pa yata akong nakitang Schoolmate ko na nakakasama niya ng madalas . Kapag nakikita ko kasi siya lagi lang siyang mag isa .  

Nagprepare na ko para sa pagpasok ko . Katulad ng ibang kwento, sisimulan ko rin ang kwento ko sa First Day of School namin . 

Pagdating ko sa School, marami na akong nakitang bagong students . Hinanap kagad ng mata ko si Kristoffer . Ang balita ko section 1 daw sya this year . Malas ko lang dahil section 3 ako . Pero ok na rin yun sakin dahil malapit lang naman ang classroom nila samin . Makikita ko pa rin sya ng madalas . 

Dumiretso na ako sa Room ko at tiningnan kung may classmate ako nung third year . Unfortunately, wala . Umupo na lang ako sa dulo at inayos yung gamit . Kinuha ko yung book na madalas kong basahin at nag start na magbasa. Wala pa naman yung teacher nun at konti pa lang yung students . Masyado yata akong napaaga . 

"Hello. " hindi ko pinansin yung kumakausapsakin at pinatuloy ko lang yung pagbabasa ko . Bahala sya kung anong gusto niyang isipin ayokong magpa istorbo . 

"Ate, hello po . " napataas yung kilay ko at tiningnan kung sino yung kumakausap sakin . Tinatawag niya kong Ate hindi ko nga sya kilala . 

"Ano bang kailangan mo ? " alam ko ang harsh ng pagkakasabi ko pero bahala sya inistorbo niya ko eh . 

"Yung bag niyo po kasi nakaharang sa upuan ko . Dito po ako nakaupo tapos nilagay niyo yung bag niyo dito . " tiningnan ko yung katabing upuan ko nandun nga yung bag ko kaya naman kinuha ko yun at nilagay sa upuan ko . 

"Sorry ah . " 

"Ay ! Ok lang po Ate . " bakit niya ba ko tinatawag

a Ate eh mukhang magka age lang naman kami . 

"Huwag mo na ko tawaging Ate . 15 pa lang ako . " 

"Ah ano bang pangalan mo ? " 

"Giana. I'm Giana Perez . " nakipag shake hands ako sa kanya at nag smile . May friend na kagad ako . 

"Ako naman si Liezel. Liezel Roxas . " nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya . Pagkarinig ko ng Roxas parang naglighten up yung paligid. Alam ko ang corny pero yun yung totoo . 

"Are you related to Kristoffer Roxas ? " ito kagad yung unang lumabas sa bibig ko . 

"Hmm actually, yes . He's my cousin . " napangiti ako sa sinabi niya at sinarado yung librong binabasa ko . Kapag sinuswerte ka nga naman, seatmate ko pa yung pinsan ni Kristoffer . 

"Kwentuhan mo naman ako ng kahit anong tungkol sa kanya . Anong favorite food niya ? Favorite color ? Sports ? Oh kahit facebook account niya ? Hindi ko  kasi sya mahanap sa FB eh . " 

"Teka , may crush ka ba sa pinsan ko ? " natigilan naman ako sa tanong ni Liezel . Oh my , me and my talkative mouth is so stupid . Bakit ba nagtanong kagad ako ng maraming questions ? Ang obvious tuloy na head over heels ako kay Kristoffer. 

IF THEY FALL INLOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon