Chapter 2

20 1 2
                                    

If They Fall In Love 

***2***

Hindi pa rin talaga ako maka move on sa sinabi ni Liezel . Biruin mo ako at si Kristoffer sabay na uuwi ?? Malabo . At dahil sadya akong mahiyain, tinanggihan ko yung offer ni Liezel . Kaya ito ako ngayon, mag isang naglalakad pauwi. Hindi naman talaga ako loner e, wala lang talaga akong friends sa ngayon sa Room . 

"Ibigay mo sa amin yang pera mo kung ayaw mong masaktan ! " 

"Bakit ko naman ibibigay sa inyo 'to ? Sa inyo ba 'to ha ?! " 

"Aba ! Matapang ka ha ! " bigla akong nakarinig ng kung anong ingay kaya nilapitan ko yung mga lalaking nagkukumpulan sa Park . Medyo madilim na at wala na kong makitang tao. Ayoko namang iwanan na lang basta yung kung sino mang binubugbog na ngayon . 

Pumwesto ako sa likod ng Slide tapos sumilip ako ng kaunti para malaman ko kung sino yung binubugbog . May anim na lalaki ang nakapalibot sa isang lalaking nakasuot ng uniform na kagaya ng sa School ko . Naka red syang bag tapos nakataas yung buhok niya . Teka... Kristoffer?! Si Kristoffer yung binubugbog nila ! 

"Hoy ! Bitawan niyo siya ! " Lumapit ako sa kanila tapos dinampot ko yung kahoy na nakakalat . Nagtinginan naman sila sakin tapos nag ngisian and I don't like it. Iba yung tingin nila sakin . 

"Wow ! Ang sexy mo ha. Kapag sinuswerte ka nga naman, may pera ka na nga may chiks ka pa! Halika nga dito Miss at ng masample-an ka na namin. "  nagsilapitan silang apat sakin tapos yung dalawang lalaki hinawakan naman si Kristoffer na kasalukuyang naka blind fold . Nasaan na ba si Liezel ?! 

"Huwag kayong lalapit . Kung hindi-- " naputol ko yung sasabihin ko dahil bigla akong kinabig nung lalaking leader yata nila tapos pinulupot niya yung braso niya sa leeg ko . I can't breathe ! 

"Kung hindi ano ? Lagot kami sa'yo ? " nilapit niya yung bibig niya sa tenga ko tapos inamoy amoy niya pa yung buhok ko . Yuck ! Si Kristoffer lang ang gusto kong gumawa sakin ng ganyan ! At kahit na medyo mahigpit yung hawak sakin nung leader nila nagawa ko pa ring makawala sa kanya . I kicked him where it hurts the most . Yeah, I kick him there. Napaluhod na sya sa sakit tapos may tatlong guy pa na lumapit sakin . Ginamitan ko sila ng Flying Kick ko tapos isa isa silang nagtumbahan. Malas lang nila dahil black belter pa ang kinalaban nila. Hah ! 

Isa isa silang nagtakbuhan tapos yung dalawang nakahawak kay Kristoffer kanina akay-akay na yung leader nila na namimilipit pa rin sa sakit . Nilapitan ko kagad si Kristoffer may iilang pasa na sya sa mukha tapos dumudugo din yung labi niya. 

"Ayos ka lang ? Nasaktan ka ba ? " inalis ko yung blind fold niya tapos tinitigan niya lang ako . 

"S-sino ka ? Bakit mo ko tinulungan?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya . Yung lalaking apat na taon ko ng pinagpapantasyahan, hindi ako kilala ? Ang sakit lang . 

"Uhh.. napadaan lang kasi ako sa Park tapos nakita kong pinagtutulungan ka nila kaya tinulungan kita. Nakita ko kasi yung uniform mo, school mate tayo. " tinulungan ko syang umupo sa bench tapos pinunasan ko ng panyo ko yung labi niya. Oh my gosh ! Ang lambot ng labi niya ! Parang ang sarap ... wait - let's not go there . Injured sya at hindi ko dapat sya pinagpapantasyahan . 

"Ah ganun ba , salamat . " tumayo na sya tapos nag umpisa ng maglakad. "Mauuna na ko , salamat sa pagligtas." 

"Sandali ! " lumapit ako sa kanya tapos inabot ko yung panyo ko . "Gamitin mo mua 'to. " pagkaabot ko ng panyo sa kanya ,nag start na rin akong maglakad pauwi. Mabuti nalang magkaiba kami ng way na dadaanan . Hindi ko man sya nakasabay na umuwi, nagkaroon naman ako ng time na makasama sya . 

***

"And I pronounce you Man and Wife . You may now kiss the bride. " Inalis ni Kristoffer yung veil ko tapos ngumiti sya sa akin . 

"Giana ~ ! " nag lean forward sya sakin. Konti na lang magkikiss na kami . 

"Giana ! " sino ba yung kanina pa tumatawag sakin ? Ang ganda ganda ng iniimagine ko bigla bigla naman sumisingit ! 

"Hoy Giana kanina pa kita tinatawag ! " 

"Ay nako naman Liezel ano bang kailangan mo ?! " nasigawan ko sya na sya nun kaya naman nagtinginan sa amin yung mga classmates namin . Ano ba yun second day of class gumagawa na kagad ako ng eksena . Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanila tapos hinila ko yung kamay ni Liezel. 

"Ano bang kailangan mo ? "

"Alam mo bang punong puno ng pasa yung mukha ngayon ni KR ? My gosh kung makita mo lang sya nakakaawa talaga ! Kapag nakita ko lang talaga yung gumawa nun sa kanya, bugbog sarado talafa sila sa akin ! " nag close fist pa sya tapos sinuntok suntok niya yung desk niya . Kung alam niya lang na magkasama kami ni Kristoffer kahapon...

"Oh talaga ? " 

"Ano ka ba bakit ganyan yung reaction mo ? Hindi ka man lang ba magiging concerned ?! " bakit naman ako magiging concerned eh ako nga yung nagligtas sa kanya . Tapos tinanong niya pa ako kung sino ako ? Pagkatapos ko syang pagpantasyahan ng apat na taon ganun lang yung sasabihin niya ? Nako~ ayoko na sa kanya ! 

"Eh nasaan ka ba kasi kahapon ? Hindi ba sabay kayo dapat uuwi ? " nilapit niya yung mukha niya sakin tapos nginitian niya ko ng nakakaloko. 

"Teka, paano mo nalaman na hindi kami sabay umuwi ? Ikaw ha.. nag stalk ka sakin kahapon no ? Tss ! Bakit mo pa kasi tinanggihan yung alok ko? Yan tuloy najombag pa yung prince charming mo . "

"Tss ! Pwede ba ! Magkasama kaya kami kahapon . " nanlaki yung mata niya tapos umupo sya sa harapan ko . 

"Oh my Gosh ! You mean ikaw yung nagligtas sa kanya ?? " 

"Yeah ? Naka blind fold sya and anim yung nakapalibot sa kanya . Obviously wala syang laban . " 

"Pero how did you do it ? 6 guys tapos ikaw lang yung lumaban ? Girl You're so strong ! Nasaktan ka ba nila ? Patingin nga ako ng pasa mo?" chineck niya pa yung braso ko kung may sugat ako . Paano naman kaya ako magkakasugat eh hindi nga man lang sila nakalaban sakin . Except dun sa leader nila na pinosses ako. Ang kapal ng mukha niyang amuyin yung buhok ko ! 

"Ano ba wala akong sugat no ! I just kicked all of them and I'm not hurt . " 

"Wow girl you are so cool ! " 

"Yeah right ! " nagtawanan kaming dalawa sa sinabi niya tapos maya maya dumating na rin yung teacher namin. At the middle of her class nag excuse ako sandali dahil may naghahanap daw sakin . 

"Sinong nagpapatawag sakin ? " tanong ko sa School mate ko na hindi ko naman kilala. 

"Ako." Lumabas si Kristoffer from nowhere tapos nakangiti sya sakin . OMG ! Nakangiti sya sakin ! Wait- galit pala dapat ako sa kanya . 

"Ah ikaw pala . Bakit ? " emotionless kong sabi . 

"Thak you nga pala sa ginawa mo kahapon . Here, ako nagbake niyan. " may inabot syang cookies na nakalagay sa box . Bakit niya ko binibigyan nito ? 

"Yung kahapon, wala lang yun . I just did what was right. " iniwas ko pa rin yung tingin ko sa kanya dahil hindi pa rin ako nakakamove on sa nangyari kahapon . 

"Basta accept this. This serves how thankful I am to you. Sana magustuhan mo yan . " hinawakan niya yung dalawang kamay ko tapos nilagay niya dun yung box ng cookies . I was freezed . He was holding my hand and he's giving me a thank you gift . Parang napapatunayan ko ng totoo yung butterflies na lumilipad sa tiyan . I can feel them in my stomach right now . And my heart, parang lalabas na sya  dahil sa sobrang bilis ng tibok . 

"S-sige kung yan yung gusto mo . " ngumiti na naman sya sakin nun tapos nag start na syang naglakad palayo . Pero nung nakakailang hakbang na sya, lumingon ulit sya sakin . 

"Nice meeting you , Giana." then he continued walking . Now I'm confused how did he knew my name ? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IF THEY FALL INLOVE <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon