PROLOGUE

3 2 0
                                    


Sa kalagit-naan ng madilim na daan yakap-yakap ang bag na may kaunting damit at mga papeles na kakailanganing ko bukas ang tanging nadala ko..nilalabanan ang lamig dulot ng hangin at malakas na ulan.Palinga-linga ako sa paligid nagbakasakali na may masilungan kahit ngayong gabi lang.Pero malabo ang paligid dahil sa dilim at malakas na ulan sabayan pa ng pag -atake ng tubig sa mga mata ko.

Paulit -ulit sa utak ko ang tanong"Saan na ako titira..?".

"Lumayas ka dito!Wala kang silbi pareho lang kayo ng totoo mong ama!mga walang kuwenta!"sigaw sa akin ni mama habang hinahagis ang mga damit ko .

"Ma...please wag namang ganito..."humagulgul ako sa iyak habang nakaluhod sa harapan niya.Nagbabakasakaling may katiting na awa pa siya para sa akin.Gusto ko ring humingi ng pagmamahal pero alam kong wala na.Musmos palang ako'y niminsan wala akong naramdamang pagmamahal mula sakanya.

"Umalis ka na lang Emie...nagsekreto ka sa amin kaya dapat lang yan sa'yo"saad naman ni Cindy step sister ko.Ako ang totoong anak ni mama pero siya ang paborito siyang ang mahal siya ang palaging ina-alagaan.Alam ko naman kung saan nanggagaling ang galit ni mama para sa akin,pero hindi ko talaga maiwasang mapatanong...Wala ba talaga kahit kaunti lang ...kunting pagmamahal lang ang gusto ko...ako naman ang totoong anak eh.....

Pero heto ako ngayon....nanginginig ang labi dahil sa lamig.Halos hindi ko na naramdaman ang balat ko dahil sa paninigas.Pakiramdam ko anu-mang oras matutumba na ko dahil sa lamig at gutom.
Ito ang dahilan kung bakit bata palang ako ay kina-iinisan ko na ang ulan...palaging paghihirap ang nararamdaman ko sa ilalim nito.Pag galit sa akin si mama papalabasin niya ako ng bahay kahit umuulan... papaluhurin niya ako sa harapan ng bahay at doon magtitiis sa lamig at gutom.Pagkatapos ay magkakasakit ako at aalagan ni papa..tatanungin niya ako kung bakit ako nag kasakit at gagawa lang ako ng kuwento na kasalan ko kung bakit ako nagkasakit.Pagsinabi ko naman kasi ang totoo mas lalo lang magagalit sa akin si mama at Cindy.Hindi ko kadugo si papa, si Cindy ang anak niya pero kailan man ay hindi niya ako tinuring na iba....hindi niya ako tinuring na hindi niya totoong anak...hindi niya ako minaltrato...minahal niya ako tulad ng isang totoong anak. Kung nandito lang sana siya...may magtatanggol sa akin...hindi ako mapapalayas ng sarili kong ina.Kung nandito lang sana si papa...

Pero kailangan kong ng lumaban ng mag-isa...tumayo sa sarili kong mga paa dahil wala ng magtatanggol sa akin.

Nang napalinga sa kabilang kalsada halos gusto kong lumuhod at magpasalamat sa Diyos ng makakita ng isang shed.Humakbang agad ako para tumawid ng may biglang may lumitaw na ilaw sa gilid.Agad kong pinag krus ang braso at bahagyang yumuko.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba.Rinig ko ang pag busina nito ng malakas.Pumikit ako ng mariin,naghihintay na lang na mabangga at matapon sa kung saan.

Hanggang dito nalang siguro ang buhay ko....

Ilang segundo ang lumipas pero walang dumating.Rinig ko nalang ang maingay na yapak ng sapatos dahil sa tubig na inaapakan nito.Bahagya akong nag-angat ng tingin at nakita ang malabong pigura ng isang lalaki.

Hinawakan niyang siko ko"Are you okay miss?"pasigaw niyang tanong para marinig ko ng maayos.Kung hihinaan niya lang ay
lalamunin lang ng ingay ng ulan at hangin ang boses niya.

Pero hindi ako sumagot dahil sa panghihina.Hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang tuhod ko.Rinig ko pa ang tawag ng lalaki bago ako tuluyang nahila ng dilim.

Mapungas-pungas akong napabangon sa pagkakahiga.Sapo ko kaagad ang noo ko dahil sa sakit.Pagkadilat ko'y agad nanlaki ang mata ko ng maliwanag na sa labas!.Pinasadahan ko ng tingin ang buong silid.Hindi ko alam kung nasaan ako!iba narin ang suot ko!.Naalala ko ang lalaking muntik ng makasagasa sa akin.Siya ba ang nagdala sa akin dito?

MARRY ME , MERY MIEWhere stories live. Discover now