CHAPTER 1

2 2 2
                                    

Hindi lahat ng tao ay mayroong pursigi sa pag-aaral.Hindi lahat ng tao ay may malakas na mithiin na makapagtapos at magkaroon ng propesyon.

"Walang taong yayaman sa pag-aaral"ang di matibag na kasabihan ni Cindy.

Kung ibang magulang seguro ay abot langit ang tuwa nila na nakarating ang anak nila sa yugtong ito.Kung buhay pa sana si papa segurado akong iiyak na yun.Mayat-maya akong tatawagan.At buong araw na mag dadasal para sa akin.

Kinuha ko ang snack na binigay.Hindi pa kinuha ang mga bag namin dahil hindi pa naman nagsisimula.Meron doong bottled juice at sandwich.Kinuha ko ang bottled juice at napangiti sa sticky note na may sulat.

Good luck

Hindi man lang nilagyan ng pangalan?..
Hindi ko naman siya ee-stalk sa Facebook eh..
Sabagay.. mabuti narin iyon...Dahil gaya ng sinabi ko may kanya-kanya kaming buhay..magkaiba pa ang mundo.At isang beses ko lang nasilip ang mundo niya at hanggang doon nalang iyon.

Maayos ko namang nasagutan ang mga tanong.Maingat rin ang pag shade ko para hindi masayang ang sagot.

Natapos ko parin ng maayos ang GenEd hindi ko lang segurado ang ProfEd pero kuntento naman ako sa naging mga sagot ko.Kahit may bigat sa dibdib ko at masakit pa ang ulo.Magaan lang naman kasi ito kung nakapag review ka ng maayos.

Pero ang problema ko ngayon ay wala akong lunch!.Kulang panga ang pera ko para pamasahe mamaya sa paghahanap sa apartment ni Kat.

Tumunog ang selpon ko dahil sa sunod-sunod na text.

Mama:

Wala ka talagang kuwenta!

Mama:

Natupad narin ang pangarap kong mapalayas ka sa pamamahay na to.At mawala sa buhay ko!

Mama:

Wag na wag kanang bumalik!

Nanginig ang kamay kong nakahawak sa selpon at kinuyom ang isang kamao.Dumuko ako para itago ang mukha.

Sinubukan ko namang maging mabuting anak.Sinusunod kong mga utos niya.Kailan may hindi ako nag reklamo sa pangmamaltrato niya sa akin.Sa palagi niyang pagpapahiya sa akin.Sa pagkakalat niyang eresponsable at walang kuwenta akong anak.Nererespeto ko siya kasi mama ko siya.Mahal ko silang dalawa ni papa.

Lumabas ako ng building para mag pahangin.Sobrang bigat na ngayon ng loob ko.Parang may malaking bukol sa lalamunan ko dahilan kung bakit masakit lumunok.

Nakaupo ako sa may bench sa harapan ng school.Pinagmamasdan ang mga katulad kong examiners rin.May ibang nagyayakapan sa magulang nila o di kaya sa mga mahal sa buhay.

"Grabe ang dali lang nang GenEd ma segurado na akong makakapasa ako"proud na sinabi ng isang lalaki sa mama niya.

May iba naman na magkakilala yata at nagkekuwentuhan habang naglalakad bitbit ang mga baon nila.

Yumuko ako at pinaglaruan nalang ang mga paa habang lumalandas paminsan minsan ang mga luha.

Nakakainggit.....

Tumahimik ang paligid na kaninay maingay dahil sa kuwentuhan at tawanan.Nagtaas ako ng tingin at nakita ang mga taong nakatingin sa kung saan.Sinundan ko ang tinitignan nila.

Nalaglag ang panga ko ng nakita ang pamilyar na lalaking naglalakad bitbit ang dalawang paper bag.Palinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap hindi man lang alintana ang maraming matang nakatingin sakanya dahil sa nakakaagaw atensiyon niyang aura.

Nang nahanap niyang mata kuy bumilis ang paglakad niya na parang alam na nito kung saan tutungo.Nanigas ang katawan ko lalo ng nakalapit na siya.

"Did you already eat?I brought a lunch for us"Saad niya na may mala anghel na ngiti sa labi.Nakatingala lang ako sakanya.Nakaawang parin ang labi.

MARRY ME , MERY MIEWhere stories live. Discover now