OWNED BY HIM :ACER FROST ANDERSON #22;

11.3K 650 111
                                    

Typos and grammatical error ahead!!!




¤¤¤
ACER POV:
¤¤¤

"Hoy."

"Hindi hoy ang pangalan ko. I'm Acer." Taas kilay na sagot ko ng lingunin ko ang kapatid ni kuya Kenneth.

He is Kendrick na sa tindig pa lang ay masama ang ugali hindi katulad ni kuya Kenneth.

Apat na araw na ako dito sa maliit nilang bahay at dalawang beses ko pa lang naman ito nakakasalubong dahil madalas naman na wala ito sa bahay nila.

Ngumisi lang ito at lumapit sa akin. "Hindi bagay sayo ang buhay dito. Bakit hindi ka pa bumalik sa inyo?" Sabi pa nito na halatang itinataboy na ako.

Mas tumaas pa ang kilay ko dahil doon at tinapunan ng pairap na tingin.

"Hindi ikaw ang makakapag pauwi sa akin. Hanggat hindi ko kasama ang kuya Kenneth ko pauwi hindi ako uuwi."

"Talaga? Matatagalan mo kaya ang manatili dito? Huh! Kinakawawa ka niya. Gugustuhin mo bang maranasan ang buhay dito kausa ang tamasain ang kaginhawan ng buhay mo sa inyong palasyo."

"Hindi ako kinakawawa ng kuya Kenneth ko." Pagtatanggol ko sa sarili at kay kuya Kenneth.

"Talaga? Nasaan ang kuya Kenneth mo kung ganun? Iniwan ka niya dito na nag iigib ng tubig."

"Hindi naman niya ako iniwan a. Nagluluto lang siya ng tanghalian." Sagot ko naman dahil iyon naman ang totoo.

Binilinan niya ako na igiban ko ng tubig ang mga timba at bubuhatin na lang niya mamaya.

Tumaas na naman ang kilay ko. "Buti nga ang kuya Kenneth ko marunong magluto at alam ang gawaing bahay.. ikaw? Ano alam mo? Maglakwatsa. Magbanat ka kaya ng buto para may pambili ka ng bago mong tsinelas." Saka ko pinagtuunan ng pansin ang suot niyang tsinelas. Hindi naman iyon luma. Kaso ordinaryong mga sandals lamang.

Kunot naman ang nuo nito na tumitig sa akin. Hindi maipagkakailang nainis ito sa sinabi ko.

"Huwag mong pakikialaman ang mga naisusuot ko. Kahit na bisita ka dito ng Kenneth na iyon dito ay ako mismo ang magpapauwi sayo." Pagbabanta nito sa akin. Nasa himig ang boses niya ang pagkairita dahil nasagi yata ang pride dahil sa sinabi ko.

Hindi ko iyon inalintana. Siya ang nagsimula na kung anu-ano ang sinasabi patungkol kay kuya Kenneth.

"Kung ayaw mong masabihan ng mga ganun. Huwag mo akong pakikialaman. Hmmp." Pairap ko pang tinapunan ng tingin bago ko ito tinalikuran para balikan ang pag iigib ko. Pero dahil sa nakalimutan ko na medyo may kadulasan ang sahig ay hindi ko na nabalanse ang pagtapak ko dahilan para matapilok ako.

Sa pagkakatapilok ko ay napapikit ako ng mariin dahil deretso ang bagsak ko sa semento.

"Kuya Kenneth." Pasigaw ko kahit na nakangiwi na ako sa sakit na naramdaman ko. Hindi na ako makagalaw dahil sa paa ko.

"Fuck." Si Kendrick na dumalo sa akin. "Gugustuhin mo ba ang maranasan ang mga ganito." Panunumbat pa nito sa akin.

Pipiksi pa sana ako ng umangat ako sa pagbuhat nito sa akin pero hindi ko na magawa dahil tuluyan na akong nakarga.

"Kasalanan mo." Pasigaw na sumbat ko. Napangiwi ulit ako ng maigalaw ko ang paa ko ay sumidhi ang kirot doon. "Kuya Kenneth." Muli ay sigaw ko.

"Tumahimik ka. Ang ingay mo." Paninita sa akin nito at papalayo na sa poso.

✅Owned By Him: ACER FROST ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon