OWNED BY HIM :ACER FROST ANDERSON #20:

10.5K 643 105
                                    

Typos and grammatical error ahead!!




¤¤¤
ACER POV:
¤¤¤

"Walang kwenta." Natigilan ako sa paglalakad ko ng marinig ko ang sigaw na iyon ni Daddy. "Pinabayaan mo ang anak ko. Ipinagkatiwala ko siya sayo ng buong buo pero anong ginawa mo?" Galit na galit si daddy sa mga salitang binitawan niya.

Ayaw ko man sanang makinig pero may naghikayat sa akin na manatili lamang sa tapat ng library na hindi naisarado ng maayos ang pinto.

"Patawarin niyo ako tito."nasa tinig ni kuya Kenneth ang pagpapakumbaba. Ramdam ko ang pagsisisi niya.

Pero... kasalanan ba niya ang nangyari sa akin? Hindi dahil ako naman ang gumawa ng mga bagay na naging kumplekado sa kanya.

Sumusobra na ako. I know that... at hindi ko naisip na masyado ng nahihirapan si Kuya Kenneth sa akin.. masyado akong naging spoiled at pilit na kinukuha ang buong atensyon niya..

"Mas inuna mo pang tulungan ang iba kaysa kay Acer.. you know that Acer can't stand any danger."

"I know tito.. it's my fault.."

"Yeah! Binigo mo ang mo ako sa pagkakataong ito.. walang silbi ang mga pagbibigay ko ng atensyon sayo.. alagaan at siguraduhin ligtas si Acer lang, Kenneth.. iyon lang ang kailangan ko. Ang alagaan mo ng maayos ang anak ko pero hindi mo pa ginawa. Alam mo na kaya ka namin kinuha at inalagaan ay para kay Acer.. pero nagkamali ako na kaya mo at ang pagtitiwala ko sayo na magagawa mo ng maayos ang pag aalaga sa kanya ay hindi nagawa." Malakas na sumbat pa ng papa.

Nakaramdam ako ng pagkahabag sa mga naririnig ko ngayon. Ayaw ko na sanang makinig pero para akong naipako sa kinatatayuan ko.

"Alam ko na hindi magagamot ang ano mang pagkakamali ang paghingi ng tawad ngayon tito... hindi ko naingatan ng maayos si Acer dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.." mahinang saad ni kuya. "At hindi ko po nakakalimutan ang bagay na iyon. Na kung hindi niyo ako kinuha noon ay hindi ko mararanasan ang karangyaang tinatamasa ko ngayon." Sa tuno ng boses ni kuya Kenneth au ramdam ko ang bahid ng kalungkutan.

Why? Bakit kailangang maungkat ang mga bagay na iyon? Hindi bat lagi kong ipinaparamdam iyon sa kanya noon na hindi ko naman nakiramdaman ang ganitong kabigat na damdamin mula sa kanya. Pero bakit ngayon. Bakit ang bigat din sa pakiramdam ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Walang malaking halagang pera o yaman ang maari kong pambayad sa utang na loob ko sa inyo. Kahit na magtrabaho ako ng higit sa 24/7 ay hindi ko mababayaran ang bagay na iyon at pag aaruga sa akin ng maraming taon. Tito, salamat.. kahit ang salita man lamang iyan ay makabayad ako ng kaunti sa tulong na naibigay niyo sa akin." Puno ng pagdaramdam ang tinig ni kuya Kenneth.

Ang bigat sa pakiramdam. Gusto kong putulin na ang usapan nila. Ayaw ko ng nasasaktan ng ganito si Kuya Kenneth.

"Baby." Mahina man pero narinig ko iyon na tawag pansin ni mommy. Napalingon ako. Kusang kumilos ang mga paa ko na kanina ay hindi ko maigalaw dahil sa ang bigat ng pakiramdam ko sa mga narinig ko kanina.

Yumakap ako kay mommy. Doon kusang tumulo ang aking mga luha.

"I'm so sorry mommy." Mahinang saad ko kay mommy habang kulong ako ng mga yakap niya.

✅Owned By Him: ACER FROST ANDERSON (BXB) (MPREG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon