"Maraming salamat po!"
Malapad akong napangiti nang makitang bakas sa mukha ng mga bata ang saya.
"Wow!" masayang sigaw ng isang batang babae kaya roon nabaling ang atensyon ko. Hawak niya ang manikang ibinigay namin. Mahina akong natawa nang bigla ay yinakap niya ang manika ng mahigpit.
Inihanda ko ang dala-dalang camera at itinutok sa batang babae na mahigpit pa ring yakap-yakap ang manika. Kinuhanan ko siya ng ilang shots bago napagdesisyunang lumapit.
Lalapit na sana ako sa batang babae nang bigla ay may yumakap sa binti ko.
"I'm so happy, Kuya! Just like them!" masayang saad ni Crixian---kapatid ko. Kinarga ko siya bago hinalikan sa noo.
"Hello there, my little princess," nakangiting bati ko sa kaniya.
"Hello there, my big prince!" masiglang bati niya kaya natawa ako.
"I love you."
"I love you too, Kuya!" saad niya bago ako hinalikan sa pisngi at mahigpit na yumakap sa leeg ko.
Nasa gitna ako ng pagkausap sa mga bata nang bigla ay may sumulpot.
"Umuwi ka sa bahay," rinig kong saad ng nasa likuran ko. Pinanatili ko ang ngiti sa aking labi dahil nakaharap ako sa mga bata.
"Laro lang kayo riyan, ha. May kakausapin lang si Kuya Cyrox," nakangiting ani ko sa mga bata bago hinarap ang ama ko. "Sa labas tayo mag-usap dahil baka hindi lang ang araw ko ang masira mo."
"Miss ka na namin. Umuwi ka na kasi," panimulang saad ng ama ko pagkalabas na pagkalabas namin sa venue.
"Pa, miss niyo ba talaga ako kaya pinapauwi niyo ako o pinapauwi niyo ako para diktahan ako?"
"Anak, that's for your own good, not mine and your mom's."
Napailing-iling ako. "My own good? No. It's a no because it's always for your own good." Tinitigan ko siya sa mga mata. "May sarili rin akong buhay, Pa."
Nang matapos ko ang sinabi ko ay iniwan ko siya.
Alas-sais na nang matapos ang event na in-organisa ng pamilya namin. Masaya ang lahat, pero mas masaya kaming nag-organisa dahil napasaya namin sila. Hindi sapat ang salitang 'saya' kapag may natutulungan kami---ako.
"You won't come with us?" tanong ni Crixian habang karga-karga ko siya papalabas ng venue para umuwi.
"Magpakabait ka, okay?" pag-iiba ko.
"Opo! Good girl ako kasi princess ako!"
"Very good." Ipinasok ko siya sa backseat ng kotse ng magulang ko. Pagkatapos, hinarap ko ang magulang kong nakasunod. "Drive safely."
Hindi ko na sila hinintay pang magsalita at dali-daling sumakay sa sariling kotse. Pinaandar ko 'yon papunta sa abandonadong bahay na lagi kong pinupuntahan.
"Hi."
"Cyrox!"
Malapad akong napangiti kasabay ng malakas na tibok ng puso ko.
"Kumusta ang araw mo, Aloja?" nakangiting tanong ko habang papalapit sa kinaroroonan niya.
Ngumiti siya. Ang ganda. "Maayos naman, Cyrox. Masaya kong inalagaan ang mga halaman."
"Mabuti naman kung gano'n." Tinitigan kong mabuti ang mukha niya nang makalapit ako. Mukhang nailang siya dahil nag-iwas siya ng tingin. "Teka," kumunot ang noo ko, "kumain ka na ba?"
"K-Kumain..."
"Nagsisinungaling ka," seryosong ani ko sa kaniya. "Hindi ka nanaman nananghalian, 'no?"
BINABASA MO ANG
Because I Met You (Unang Prompt: Diwata)
RomanceThis is my entry for Ang Lagim ng Unang Pagsinta (RomancePH contest).